Chapter 35.
Kaizen
Ang saya ko dahil pinaglaban ko siya. He deserve it. Magkayakap kami habang nakahiga sa banig. Hindi man sanay pero masasanay ako para sa kanya.
Hindi ko alam pero kanina pa siya walang imik. Wala man lang kaming usap maghapon. Siguro nagalit siya kasi nadiligan ko siya kanina huhu.
I gently rub his beautiful chest at niyakap siya. For the first time nakatalikod siya sa akin. Siguro may tampo to sa akin?
Shit.
Baka nga.
" Wake up, Orange!" Gising ko kay Orange na mahimbing na natutulog. Ang cute niya pero kailangan namin mag usap ngayon. Maaga pa naman, 12 am pa lang naman.
" Ano ba?" Base sa tono niya mukhang galit nga siya. Nilapit ko ang mukha ko sa balikat niya.
" We need to talk." Diin ko sabi hanggang sa nakarinig ako nang buntong hininga.
" Doon ka sa far away." Tinulak niya pa mukha ko. Tsk, masisira pagka gwapo ko.
" No, Orange, please we need to talk. If may tampo ka sa akin ngayon natin pag usapan." Nagbuntong hininga ako at lumipat sa harap niya. Bigla naman siyang tumalikod sa akin. " Orange naman eh. Please?"
" I don't have any tampo to you." May diin na sambit niya at dinaganan ko na siya. " Ano ba Kaizen."
Nahinto ako sa sinabi niya. Tinawag niya ako sa first name ko at hindi sa call sign namin. Tumayo ako at umupo sa hinigaan ko. Hindi na niya ba ako mahal?
Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Wait, ba't ako naluluha? Kaizen strong ka wag kang umiyak.
Naramdaman ko ang kamay sa tiyan ko. Ngayon ay niyakap niya ako. Medyo naudlot yung luha hehe.
" Sorry, I'm just...."
Humarap ako sa kanya at niyakap siya. Damn! Orange, anong ginawa mo sa akin at nagkakaganito ako.
" Don't even call me by my first name. I'm your Lemon! Lemon! Lemon!" Pag uulit ko sa kanya. Kunti na lang talaga iiyak na ako.
" Ehhh hindi ko naman sadya po." Nanlambot ako sa pag galang niya. Hays, what a relieve. Tiklop talaga ako pagdating sa kanya. Kumalas siya sa pagyakap at hinampas ang matipuno kong katawan. " Ikaw kasi pinapaiyak mo ako!"
" Huh?" Reaksyon ko. " Anong pinapaiyak? Sa kama oo pero bukod doon wala na."
Napakagaw naman siya ng ulo at hinawakan ang kamay ko. Mabuti nalang at dalawa ang kwarto. Hindi ko lang alam kung naririnig kami mula rito ni tita.
" Hindi! Kasi ano..." Nahinto siya at yumuko. Ano bang problema nitong Orange ko." Kasi narinig kayo ni Geo na nag-uusap ni Alexis tapos pinag uusapan niyo ang tungkol sa pagbubuntis niya."
Nang sabihin niya iyon ay nagsimula nang tumulo ang mga luha niya. Shit! Ayokong makitang lumuluha siya ng dahil sa akin. Niyakap ko siya at hinagod ang likod.