Chapter 38.
Kaizen
Bullshit. Nakakainis lang dahil buhay pa ang tarantadong bumaboy sa Orange ko. Kakagising ko lang at nakagapos ako. Unexpectedly, nakabitay ako. Nakatali ang dalawa kong kamay habang naka shirtless lang ako.
" Gising ka na bro." Ngumisi siya at humithit ng sigarilyo. Lumapit siya sa akin at sinuntok ako sa tiyan. Umawang ang bibig ko sa sakit. " Ganyan bro, it's my turn to revenge now. Kailangan ko lang ang mahal kong si Kahel."
" Gago. He's my asawa!" Sigaw ko kaya sinunggaban niya ako ng suntok.
" Fuck you. Hindi pa kami break! I love him." Bimuga siya ng usok at pinaso ang leeg ko gamit ng sigarilyo niya.
Napasigaw ako sa sobrang hapdi. Unexpected yun ah.
" Akin lang siya..."
Napaupo ako at tinignan lang siya ng masama. Whatever happen don't come here, Orange. Once I untie this bullshit thing you're gonna regret this.
" Fuck you, Yuno!" Sigaw ko pero imbis mainis siya ay humalakhak lang siya.
" Whatever bro. Ah! Alam ko na, patayin na lang kaya kitaa para naman wala nang maikukumpara si mom sa akin." Ngumisi siya at pinagtatapik ang mukha ko.
" Ako ang papatay sa'yo!"
Sunod-sunod niya akong pinagsusuntok. Para bang ginawa na niya akong punching bag. Sa sobrang tagal ay nagsuka na ako ng maraming dugo. Umabot na sa mukha at binti. Ang tindi mo rin Yuno.
" Hayss natapos din sa exercise. Nasaan na ba siya? Tagal niyang dumating."
Napansin ko ang pag pick up ng cellphone niya. Kahit bugbog sarado na ako ay may lakas pa ako para maalis ang nakagapos sa kamay ko. Nakita ko ang pag ring ng cellphone niya.
" Wag!" Pagmamakaawa ko. Ngumisi siya at hinayaan lang ako.
" Shhh.. it's not Kahel." Ngumisi siya at tumalikod sa akin.
Sino ba tinatawagan niya? Kakampi niya?
Habang tumatagal ay lalong lumalakas ang pag ring ng cellphone. Ngunit hindi kay Yuno kundi sa kakapasok lang na si...
" Alexis?"
Nakangiti siyang pumasok habang kaswal lang na maglakad. That crazy girl, kasabwat niya si Yuno.
" Ang tagal mong dumating." Naiiritang sambit ni Yuno.
" Hello? Kung hindi dahil sa ex-girlfriend mong si Samantha at ginawang punching bag ang tiyan ko ade sana kanina pa ako nandito." Sabi ni Alexis at naupo sa lumang upuan. Tinignan niya lang ako mula taas hanggang baba. " Ang hot mo pa rin kahit bugbog ka na."
" Papatayin ko kayo," ani ko.
" Cut off!" Sigaw niya. " Sawa na ako sa ganyan. Ending ikaw naman mamamatay."
Humalakhak si Alexis at kinuha ang cellphone niya. May tinatawagan siya at lumapit ito sa akin. Kunti na lang at makakaalis na rin ako rito.
" Hello?" Rinig kong sambit ni Orange mula sa kabilang linya. " Hello?"
" Tulong! Tulungan mo ako, Kahel!" Nagmamaang-maangang sambit ni Alexis. Sisigaw na sana ako ng tinakpan niya ang bibig ko. " Kinidnap kami! Please, tulungan mo ako."
" Nasaan kayo? Papunta na ako diyan."
Wag. Please Orange mapapahamak ka lang.
" Sa lumang bahay ni Yuno. Sa basement nila. Bilisan mo please lang. Papatayin niya kami."
Biglang pinatay ni Alexis ang tawag at binasag ito. Ngumiti siya naupo ulit sa upuan. Inabutan siya ng drinks ni Yuno na nagsisigarilyo.
" If nasa akin na si Kahel. Bahala ka na diyan sa gagong yan." Saad ni Yuno. Tumango lang si Alexis at ngumisi ng nakakaloko.
Kahel.
" Kasalanan mo lahat ng to! Because of your stupidity my son is in danger." Sambit ng mama ni Lemon habang nag dra-drive. Hindi ako makaimik dahil sa nangyari kanina.
Tama siya ng dahil sa akin nagkakaganito kami. Una pa lang ganito na talaga kami.
" Tita, stop blaming Kahel for what happens. Si Yuno ang may kasalanan!" Sabat naman ni Samantha.
Nagpapasalamat ako dahil nandiyan siya at pinagtatanggol niya ako. Hindi na umimik ang mama ni Lemon at nagpatuloy sa pag drive.
Nasa backseat ako habang nasa front seat si Samantha. Biglang nag ring ang cellphone ko. Napatingin sa akin si Samantha bago ko sinagot ang tawag.
" Hello?" Sambit ko ngunit walang sumasagot. " Hello?"
" Tulong! Tulungan mo ako, Kahel!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Alexis. Umiiyak siya at mukhang nahihirapan." Kinidnap kami! Please, tulungan mo ako."
" Nasaan kayo? Papunta na ako diyan." Sigaw ko kaya napatingin ang dalawa sa akin.
" Sa lumang bahay ni Yuno. Sa basement nila. Bilisan mo please lang. Papatayin niya kami." Tumango ako kahit hindi naman niya nakikita. Bigla na lang nawala ang linya.
" Anong sinabi niya?" Tanong ni Samantha.
" Nasa lumang bahay sila ni Yuno. Bilisan na natin. Sasaktan niya si Lemon."
Bumilis naman ang pagmaneho ng kotse. Nang makarating kami sa bahay nila ay bumungad sa amin ang nagtatakang si Auntie Eula.
" W-what happened? Bakit kayo nandito?" Nagtataka siya nang makalapit sa amin. Nagulat kami nang sampalin siya ng mama ni Lemon.
" Your son is making a mess again!" Sigaw sa kanya. " Mananagot siya sa batas!"
" Ano ba?!" Sigaw din ni Auntie Eula pero hinayaan lang namin siya dahil naglakad na kami patungo sa basement.
Pinigilan ako ni Samantha. Binigyan ko siya ng tingin na nagpapahiwatig na wag siyang mag alala.
" Kaya ko!" Sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad. Sumama naman siya sakin.
Nang makarating na kami ay bukas na ang pinto. May kakaiba akong nararamdaman na parang may mali. Muli ay hinawakan ako ni Samantha para pigilan pero huli na nang hilahin ako ng hindi ko pa nakikilala.
Nasasakal ako habang papasok kami sa loob. Madilim ang paligid sakto gabi na rin. Sumisigaw si Samantha at nakita kong pumasok pero kalaunan ay nawala ito.
Umuubo na ako hanggang sa makaramdam ako ng sakit nang matumba ako sa sahig. Madilim pero pilit kong binubuhat ang sarili ko para tumayo.
" Tulong..." Mahina kong sabi.
" Orange?!" Sigaw ni Lemon kaya agad bumilis ang tibok ng puso ko. Nasaan ka mahal ko?
Nasilaw ako nang bumukas ang ilaw. Nagulat ako ng nasa harap ko si Alexis at sinaksak ako sa tagiliran. Kasabay nun ang halakhak niyang pang demonyo.
" Same na tayong tatlo." Nilahad niya ang kanyang kamay sa walang malay na si Samantha. Duguan ang kanyang tiyan. " Bawi, bawi, bawi."
Napaupo ako dahil sa sakit. Napatingin ako sa gilid kong saan makikita ko ang minamahal ko.
" L-lemon.." mahina kong turan.
" Orange!" Sigaw ni Lemon habang naiiyak.
Parang tumigil ang pagtakbo ng oras nang isang yabang ang papalapit sa amin. Tanging palakpak at tawa niya ang maririnig. Ang matagal ko ng hindi nakikita na akala ko ay patay na, ngayon ay nasa harap ko na—ngumingiti habang may hawak na kutsilyo.
" Hi my love. Did you miss me?"
