Chapter 40.
Kaizen
" Gising Orange! You need to wake up! Huwag kang sumuko." Umiiyak ako habang tumatakbo palabas. Napansin ko ang paglabas ni mom kahit naulan.
" Oh my gosh! Kaizen antayin mo ako!" Sigaw ni mom pero hindi ko pinansin, mas mahalaga ang buhay ni Orange. Hindi kumpleto ang Lemon na to kung walang Orange sa tabi niya.
Paglabas ko sa gate ng bahay ng gagong yun ay saktong nasa labas naman ang kotse nito. Sinuntok ko ang bintana ng kotse at pinasok sa loob si Orange. Mahalaga ang buhay ni Orange ngayon.
" Sasama ako, Kaizen." Wala na akong nagawa dahil nakasakay na si mom sa backseat. " Hindi ko aakalain na magagawa satin ito ni ate."
Pansin ko ang pag-iyak niya kaya hinawakan ko ang kamay niya para gumaan ang loob niya. Binilisan ko ang pag drive ngunit nagulat ako dahil sa sunod-sunod nang putok baril.
" Ahh!" Singhal ni mama ng matamaan siya sa tenga.
" Kalma lang mom." Binilisan ko ang pagmamaneho. Nakita ko mula sa rear mirror ang pag tango naman nito.
" Hindi ko alam pero dati pang may sira sa utak ang anak niyang yan. Anak pa ba niya yan?" Reklamo niya habang hawak ang tenga nito. Tinignan niya ang wala pa ring malay na si Orange. " Gosh, ang bagal ng breathing niya."
Napangiti naman ako nang hawakan niya ang kamay ni Orange. Kahit papaano nakikita na niya kung gaano ko kamahal si Orange at kung gaano kami nagmamahalan. Ngumiti ako sa kanya at nakita naman niya iyon.
Biglang pumasok sa isip ko sina tita Fe. I don't know what to explain of what happened to my Orange. Mabuhay ka Orange, nandito pa kami.
" Ako na bahala sabihin sa mama niya." Tumango ako sa kanya." Sorry dahil naging mean ako sa kanila dahil sa daddy mo. I'm just-hindi ko lang tanggap na magagawa niya yun sa akin."
" Nagkulang ata ako." Dagdag niya.
" Hey mom. Hindi ka nag kulang, you just-you give him to much love. That's why, nalunod siya sa pagmamahal na binibigay mo. Nasakal siya sa sobrang binibigay mo." Sambit ko naman sa kanya. Malakas pa rin ang ulan at medyo malayo pa ang hospital mula rito.
" Binigay ko na nga lahat.. still it's too much." She began to sniffle. Nalungkot ako sa sinabi niya. Ramdam ko ang hinanakit niya dahil saksi ako sa nararamdaman niya.
Kung buhay pa si dad, masasagot niya sana mga tanong namin. Kung bakit ganun ang ginawa niya.
Kung tatanungin niyo ako kung alam ko. Oo, matagal na. Simula pa lang nun alam ko nang nagloloko siya. Nagalit ako sa kanya, doon ako naglayas at tumira sa condo ni Azrael. Hanggang sa malaman ko na aksidente siya sa lugar kung saan nandun ang babae niya.
Nang malaman ko na mama pala siya ni Orange. Syempre nagalit ako sa mama niya kaya madalas ang pagbisita ko sa kanila para manmanan.
Hindi ko inaakala na anak niya pala ang magpapatiklop sa akin. Isang batang lalaking tinulungan ako sa sandaling walang-wala ako. Kaya ako naman ang tutulong sa kanya. Hindi dahil tinulungan niya ako noon dahil mahalaga siya sa akin-minamahal ko siya.
-
" He's okay. Mabuti na lang naagapan niyo siya kung hindi-"
" Oo na doc. Tinakot mo pa anak ko." Sarkastikong sabi ni mom. Nang umalis ang doktor ay niyakap ko siya. " Para naman saan to?"
" Pinapatawad na kita," Mahina kong sabi pero sapat na para marinig niya. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa ulo ko.
" Sus, kontrabida nga lang ganap ko dito tapos may dramahan pang ganito." Natawa kami pareho at pinuntahan kung saan naka confined si Orange.
" Teka, paano yung dalawa? Si Samantha? So Auntie?" Sunod-sunod kong tanong nang mawala sa isip ko ang nangyari. Nakalimutan ko na bugbog sarado rin pala ako pero nung nakita ko si Orange para akong na recharge. Some energy insert me kaya wala akong naramdamang sakit kanina.
" Ayos na, pulis na ang bahala sa kanila. Si Samantha naman buhay pero ayaw naman magpa hospital. Si Auntie mo naman, bahala siya ba't ko pa inaalam." Ngumiti ako at niyakap siya.
" Ahhh!" Bigla akong nakaramdam ng sakit. Kung kailan ang saya ko na doon pa sumakit. Inalalayan ako ni mom papunta sa kwarto para magpahinga.
" Pahinga ka, ha? Ako na bahala kay Kahel." Tumango ako nahiga sa kama. Makakahinga na rin sa wakas.
Hindi man lang umabot sa ilang minuto ay napapikit na ako. Sa sobrang pagod ko ay nakatulog na pala ako. Sana magising ka na, Orange ko.
-
" Magigising din siya." Nakaramdam ako ng sakit ng ulo ng marinig kong magsalita si mama. Grabe natamo ko kahapon. " Tatlong araw na siyang tulog."
Napalikwas naman ako ng higa. What the heck?
Nagulat naman sina mama kasama ni tita Fe. Napalapit tuloy sila sa akin at tinignan ako ng maigi.
" Jusko kang bata ka, gising ka na pala." Rinig kong sambit ni tita Fe. Napakamot naman ako ng ulo.
" Anong nararamdaman mo? Na coma ka after mo matulog. Akala ko talaga di ka na magigising." Ngumiti lang ako ng mapakla at sinubukang tumayo. Ngumiti bigo dahil napaupo lang ako. " Huwag mong biglain kakagising mo lang. Tatlong araw kang nakahilata."
Biglang bumukas ang pinto at niluwal nito ang hindi ko inaasahan. Naiyak ako sa sobrang saya ng makita siya. Suot ang saklay ay naglakad siya papalapit sa akin. Kasama niya sina Geo at Risca na may dalang sopot ng pinambili.
Damn! I miss you my Orange.
Nakangiti siya lumapit sa akin at niyakap ako. Nakatulala lang ako dahil namiss ko ang amoy niyang medyo maasim, joke lang.
" Sino ka?" Sambit ko nang makitang magsungit siya. Hinampas niya ako gamit ang pinambili niyang pagkain. " Joke lang. Miss you, Orange."
" Miss you, Lemon." Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan sa tenga.
" Tama na ang kabadingan. Gutom na ako!" Sabat naman ni Risca na nagtawanan sila. Panira naman tong babaeng to.
" I love you." Yeah! Damn his voice makes me melt. Namiss ko ang boses mo.
" I love you too, akala ko iiwan mo na ako." Napakamot naman siya sa batok. Napangiwi naman ako sa inasta niya.
" Akala ko kasi hindi ko na kaya." Nilapag niya ang dala niya sa tabi ko. " Mabuti na lang naitakbo mo ako rito."
" Sus, alangan naman hayaan kita. Ade wala ng Orange sa buhay ko aba I don't want that. You don't do that, hmm? Iiyak talaga ako." Ngumiti siya at tumango.
Pinagsaluhan namin ang dala nilang pagkain. Masaya ako dahil buhay siya, naiiyak tuloy ako. Buo kaming nagsasalosalo at sa loob pa talaga ng hospital maliban lang kay Risca haha kidding.
Hinawakan ko ang kamay niya at dahan-dahang nilapit sa aking labi at binigyan siya ng nakakahumaling na halik.
