TW: r18+
Chapter 11.
Kahel
" Dilaw?" Tanong niya. Nasa labas kami kakatapos lang kumain. Naglalakad kami ngayon dinala kasi ni Yuno ang kotse ni Kaizen.
" Ahh, may naalala lang akong pangalan tapos tinawag ko siyang dilaw." Saad ko habang siya ay tumango lang.
Habang naglalakad kami ay nahinto siya. Nasa tapat kami ngayon ng seven eleven. Nakatayo lang kami doon nang biglang pumasok siya sa loob.
" Saan ka pupunt–"
" Just be with me."
Hindi nalang ako umimik at sumunod nalang ako sa kanya. Ramdam sa loob ang lamig kaya medyo giniginaw ako. Mukhang napansin niya ata yun dahil binigay niya sa akin ang suot niyang jacket.
" T-shirt pa. Alam mo namang gabi na."
Hindi ako umimik sa sinabi niya at pinagmasdan siya maglakad. Iniisip ko pa rin si Yuno na sana masasabi ko na sa kanya tuluyan ang nararamdaman ko ngunit parang tutol ang tadhana.
Biglang nawala sa paningin ko si Kaizen kaya hinanap ko siya. Ilang minuto rin ang inikot ko pero hindi ko siya mahanap. Pati ba rin siya iiwan ako sa ere?
" Hinahanap mo ako?" Nagulat ako sa sinabi niya kaya nabigla ako at muntik na akong matumba.
Nakita ko ang kamay niyang sasalo na sakin. Naramdaman ko na ang kamay niya sa likod ko pero akala ko mabubuhat niya ako nang bigla akong natumba.
" Ahhhh!" Bulalas ko dahil masakit ang likod ko.
" Sorry! Akala ko kaya kita." Binaba niya muna ang dala niyang pinamili at inalalayan akong tumayo.
" Grabe ka." Naiinis kong sabi. Hinayaan ko lang siya at umalis ako sa harap niya saka lumabas.
Naririnig ko na tinatawag niya ako ngunit hindi ko iyon pinansin kasi mabilis ang paglalakad ko.
Hindi ko na naririnig ang boses niya siguro umuwi na yun. Dapat lang! Kasi naiirita talaga ako sa kanya. Napadpad ulit ako sa park na pinuntahan ko.
Tanging ang sinag ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa parke maliban sa street lights. Naupo ako sa bench at naglinga-linga.
Sumakit bigla ang ulo ko dahilan para mapasigaw ako ng kunti. Marahang hinilod ko ang sintido ko at maluluha na ako.
–
" Hi, ako nga pala si Kahel. Ikaw?"
" What's Kahel?"
" Sabi ni mama Kahel ang pangalan ko kasi pinaglihi niya ako sa orange e."
" So you're orange?"
" Oo. Ikaw ano pangalan mo?"
