Special Chapter

599 8 18
                                    

Surprise! May pa special chapter tayo haha. Since, may mga parte ng story na medyo hindi malinaw kung bakit may ganun. Eto po ang kasagutan sa mga yun.

I hope you like it. Maraming-maraming salamat sa mga nagbasa at na engganyong basahin ang first series ng BL HIGH. Sana ganun din kayo sa second series ko na ' UNFORESEEN CHERISH ' na already published na. Visit my profile at makikita niyo na po doon.


Enjoy reading!



—✿—

Special Chapter.


" Mama!" Masiglang sigaw ng batang lalaki nang kakarating lang ng kanyang ina galing Manila. " Nakauwi ka na! Pasalubong ko po?"

Nang salubungin sila ng kanilang ina ay hindi mapigilang yapakin ng kanilang ina ang dalawa niyang naiwan na anak. Bata pa lang sila ay iniwan na sila sa kanilang tiyuhin para alagaan habang nasa trabaho siya.

" Naku, namiss kita Kahel. Ikaw din Geo." Bitbit ang mga pasalubong ay pumasok sila sa bahay ng tiyuhin ng mga bata.


" Fe, mabuti naman at nakauwi ka na. Alam mo miss ka na ng mga anak mo. Lalo na yang si Kahel, panay iyak kasi iniwan mo rito. Di ba siya yung napu—"

" Kuya! Dahan-dahan baka marinig ka ng bata. Alam mo naman na hindi pa siya handa lalo na at siyam taong gulang pa lang yan." Binaba naman niya ang mga dala at pinagkaguluhan ng mga bata. " Oh, laruan niyo. Tig isa na kayo kaya huwag ng mag away ha? Baka tanggalan ko kayo ng paa diyan."



" Kailan mo ba sasabihin sa kanya na napulot mo lang siya? Saka, yung tunay na mama niya parang pariwara. Wala man lang konsensya. Nakipagsundutan tapos hindi naman pala kayang buhayin ang bata. Malala pa ay tinapon pa sa basurahan. Mabuti na lang at ang mabuti kong kapatid ang nakapulot ka sa kanya. Baka kung sino pa yan, naku mabuti na lang."


Napangiti naman si Fe at nilabas ang sobra niyang pera. " Si kuya daming sinabi. Oh, yung promise kong ibibigay ko sa'yo."


Kuminang naman ang mga mata ng kapatid ni Fe at saka kinuha ang pera. Umiling-iling na naupo si Fe at pinagmasdan ang mga batang naglalaro sa sahig.


Nahinto ang lahat ng tumunog ang busina sa labas. Nag ayos muna si Fe bago lumabas ng bahay. Masayang sinalubong niya ang kanyang amo na si Malet at Eula kasama ang kanilang mga anak na sina Kaizen at Yuno.


" Ma, sino yung mukhang masungit?" Hila sa kanya ni Kahel na ikinalingon niya.


Ngumiti si Fe at tinignan si Kahel. " Siya si Kaizen anak. Nagkita na kayo sa bahay nila, kaso bata pa kayo nun."

Lumapit ang mag-ina sa kakarating lang. Masayang sinalubong ng amo ni Fe ang mga bata.

" Oh laro muna kayo mga bata. Kaizen, be good okay?" Bilin ni Malet sa batang si Kaizen at saka tumango. " Look, that's Kahel. He's your friend, remember?"

Tumango si Kaizen. " He's my boyfriend, am I right?"

" No, he's a boy. You're too young to say such thing, son. Just enjoy playing, okay?" Tumango na lang si Kaizen at hinila si Yuno para pumunta kay Kahel.


[BLHS1] We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon