[30]

387 6 7
                                        

Chapter 30.

Kaizen


Masakit sa akin na makitang walang buhay si bro. Oo alam ko na masama siyang tao pero hindi niya deserve na mamatay.

Kasalukuyang nagbabantay ako kay Orange na kanina pa natutulog. Kanina mapilit siya na kaya niya pero katawan na niya mismo ang bumigay.

Hindi ko alam na hahantong siya sa ganito ng dahil sa akin.

Akala ko... Akala ko magiging okay siya kay Yuno.

Back then, bro, wish to be with Kahel. Ang totoo talaga siya ang unang na in-love kay Orange.

Buntong hiningang hinawakan ko ang kamay ni Orange. Pinapangako ko na kahit anong mangyari gagawin ko ang lahat para tulungan ka.

Kapag nagising siya ay kukunan siya ng statement ng mga pulis. Nauna na si Samantha na kanina pa umiiyak. Ngayon ko lang nalaman na buntis siya kay Yuno.

Ilang sandali lang ay pumasok si tita Fe. Bakas sa mukha niya ang lungkot at pag aalala.

" Hindi ko alam na ganito ang sasapitin niya." Malungkot niyang sabi sabay hingang malalim.

I can't help it... Suddenly my tears dropped. Ngumiti akong hinawakan ang kamay ni Orange.


I'm sorry Orange, it's all because of me.

Naramdaman ko ang pagdampi ng kamay ni tita. Napatingin ako sa kanya saka niyang hinagod ang balikat ko.


" Wala kang kasalanan Kaizen. Nagpapasalamat nga ako dahil niligtas mo siya." Umupo siya sa tabi ko at maluluhang hinawakan ang kamay ko. " He needs you. Sa tamang panahon, kakailanganin niya ang katulad mo."


" Bakit mo naman po sinasabi yan tita?"

" Wala naman. Alam mo naman umeedad na ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin sa susunod na bukas." Ngumiti siya. Hindi ko siya maintindihan pero hinayaan ko na lang. Tumango ako sa kanya.

" Opo," ani ko.

" Kayo ba?" Natigilan ako sa tanong niya. Nag-isip muna ako bago tumango. Napangiti naman siya. " Alam ko naman na nagmamahalan kayong dalawa. Bata pa lang kayo gusto niyo na magpakasal."

Natawa naman kami pareho. Ang drama na namin, nahinto ang usapan namin ng pumasok si mommy.

" Oh son! I thought you're not okay!" Naiiyak niyang pasok at niyakap ako. Napangiti naman ako dahil pumunta talaga sya para kamustahin ako kahit importante ang lakad niya. " Wala kang sugat o galos? Jusko! Hindi ko alam mararamdaman ko kapag may nangyari sayo."


" Mom, I'm a teenager. I can handle myself." Saad ko at kumalas sa yakap ni mommy. She gentle rub my hair.


" Kamusta na anak mo?" Tanong niya kay tita Fe na abala kay Orange. She smiled at lumapit kay mommy.

" Sana maging okay na siya..." Nagpatuloy ang kanilang kwentuhan sa labas.

Pagbalik ko sa upuan ay may humawak sa kamay ko. Lumawak naman ang ngiti ko dahil gising na siya.

[BLHS1] We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon