[06]

864 16 8
                                        

Chapter 6.

Kahel



Maaga kaming ginising para sa pangalawang araw ng activity. Habang nagkukumpulan ay kinuwento ni ma'am Eula ang susunod na activity na tinatawag nilang 'Clean Up Drive' as usual.



" Hahatiin ko kayo sa dalawang grupo. Ang isa magpupulot ng mga basura sa buong area at ang isa naman ay tutulong para maglinis sa base. Syempre sa grupo kasama niyo pa rin ang mga partner niyo."

Pagkatapos nun ay tinawag ni ma'am ang dalawang grupo. Kami ni Yuno ay napunta sa mga pupulot ng mga basura.

Nang ilang sandali lang ay nagsimula na ang activity at nagsimula na rin kaming maglakad ni Yuno may malapit sa ilog. Ang linis ng tubig at ang lakas ng agos kaya medyo pinapalayo kami ng nag a-assist sa amin.

" Ako na bahala sa lahat Kahel basta mamaya..." Natigilan siya sa paglalakad at napatingin sa akin.

" Ano?"

" Massage me" he winked. Lol

" Baliw. Sabi as a partner." Sambit ko sabay kuha sa sakong dala niya. Kailangan mapuno namin ito. Narinig ko lang siya ngumisi.

Mga ilang oras din ang nakalipas ay nakalahati na rin kami ni Yuno. Siya na nag bulontaryong magbuhat ng sako. Medyo malayo na kami sa base at nalinis na namin ang bahaging gilid ng sapa.

Pansin ko rin na puro lang naman dahon saka sanga ang nakakalat sa loob. Eh nabubulok naman yun. Ang daming ganap para lang may gawin. chos!

Nang pumatak na ang tanghali ay pinatapos na rin ng nag a-assist sa amin ang activity. Sakto napuno na namin ang sako. Napagdesisyunan kong maghugas ng kamay sa sapa.

" Ang lamig," ani ko. Habang naghuhugas ng kamay ay may tumabi sa akin babae.

" Having fun huh?" Napatingin ako sa sinabi niya. She's pretty and sexy, pamilyar ang mukha niya pero hindi ko lang alam ang pangalan niya.

Mga ilang sandali ay tumayo na ako at gayundin siya. Pagtingin ko ay wala na si Yuno.

" Still looking for him?" Napatingin ulit ako sa kanya. Pinagsasabi ng babaeng to?


" Huh?" Tanong ko na nagpahalakhak sa kanya. Dahan-dahan siyang lumapit sa harap ko at marahang pinalpagan ang damit ko.

" Kung ako sayo, lalayuan ko na si Yuno kasi..."


Nabigla ako sa mga susunod na mangyayari. Bigla niya akong tinulak kaya nahulog ako sa ilog.

" Akin siya."

Hindi ako marunong makalangoy kaya masyado akong gumagalaw sa tubig.

" T-tulong!"


Habang nagsasalita ako ay maraming tubig ang pumapasok sa bibig ko kaya hindi ako makahingi ng tulong. Ang babaeng tumulak sa akin ay tuluyan nang nawala sa paningin ko.

[BLHS1] We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon