Chapter 28.
Kahel
Maaga akong nagising. Ang sarap ng tulog ko.... Takte! Nahulog ako sa kama ng makitang katabi ko si Lemon matulog.
Napa face palm ako dahil naalala ko ang nangyari kagabi. Malandi ka ring lalaki ka, agad akong bumangon at tinignan siya.
Ba't ang laki ng dede niya kesa sa akin? Mukha tuloy siyang babae. Magising na nga..
Nagulat ako na halos masigaw nang alisin ko ang kumot sa kanya. Bwiset... Nakahubo't hubad ang gago. Mabilis pa sa alas kwatro kong binalik ang kumot.
Shit. Shit. As soon as possible kailangan na niyang magising baka anong mangyari, pumasok pa sina mama.
" Huy! Gising!" Yugyog ko sa kanya. Jusko naman ba't tumatayo na naman yan. " You're naked! Your little Kai is waking up!"
Sa sobrang tense na nararamdaman ko ay napalakas ko ang hampas sa dibdib niya kaya agad siyang napabangon.
" Damn... My chest." Bangon niya. Nakatingin lang siya sakin habang kumikislap kislap.
Nagtataka naman ako nang hawakan niya ang little Kai niya at buong katawan. " Shit! Shit! Shit!"
Halos matawa talaga ako sa epic reaction niya. Dali-dali siyang tumakbo palabas habang balot ng kumot.
Napaupo ako sa kama. Bigla tuloy ako napangiti. Okay lang ba na mangyari sa amin kahit wala naman kami?
Teka...
I kissed him! Kung nanlaban siya means gusto niya rin ako? Di ba?
Kung hindi naman.. siguro dahil sa tentasyon? Grrr! Nakakabaliw.
Maiba. Hindi ko alam kung ano na mangyayari sa akin pagkatapos ng naranasan ko kay Yuno.
Ang mahalaga, nakaalis na ako sa delubyong dala niya. Lesson learned, kailangan mo talagang kilalanin muna ang isang tao bago mo ipagkatiwala ang sarili mo.
*Wof! *Wof!
Nakangiti naman akong dinampot si Orange. " Kakain ka na. Anong gusto ng baby Orange na yan?"
Bumaba ako at naabutan kong nagluluto sina yaya Luren kasama si mama.
" Ma, nasaan po ba si Geo?" Tanong ko sa kanya saka ko binaba si Orange.
" Ayun, tulog pa. Napuyat ang ingay daw kagabi sa taas dahil ata sa asong yan." Pagkasabi ni mama ay na estatwa ako sa kinatatayuan ko. I think hindi si Orange yun.
Wala na naman si tita Malet kaya kami ulit ang kakain. Sakto ay bumaba naman si Kaizen na halos matamlay.
Nakatingin lang ako sa kanya habang umupo siya sa hapag kainan.
" Oh, Kaizen. Ba't ang tamlay mo?" Tanong ni mama. Salamat ma, napansin mo.
" Ah, wala po tita." Napatingin naman siya sakin sabay alis agad. Weird ng lalaking to.
—
Hindi ako maka react nang pinanood sakin ni Kaizen ang video ni Yuno. Napatingin naman ako sa kanya sabay buntong hininga.
" At first, ayoko talagang ipakita sayo. Baka kasi magalit ah." Mahinahon niyang sabi.
Nandito kami sa park. Ang ganda ng panahon kaya sarap tumambay. Ngumiti lang ako sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/329388709-288-k954158.jpg)