Chapter 17.
Kahel
Kumain na kaming dalawa habang nasa tabi namin si Orange. Para siyang tao dahil sumusunod siya sa mga sinasabi ni Kaizen.
" Hindi ko alam na dog lover ka pala," panimula ko. Ngumiti lang siya at hinawakan si Orange.
" I love dogs. Especially the style." Nag loading ako sa sinabi niya.
" H-huh?" Nauutal kong sabi. " Salamat ah. Ngayon ko lang naranasan ang ganito tapos may pa puppy pa."
" Sinabi kong babawi ako sayo di ba."
Nagpatuloy lang kami sa pagkain. Sa buong maghapon ay siya lang kasama ko. Dumaan kami sa mall para bilhan ng stroller para duon ilagay si Orange.
Sa dami naming binili para kay Orange ay tinawag na ni Kaizen si manong Ben para kunin ang mga pinambili namin.
" Ito po, ingatan niyo pong ilagay sa kwarto niya." Nilagay niya ang mga dala niya sa likod ng kotse saka nag bow si manong Ben.
Kasalukuyang nasa labas kami ng mall nina Kaizen kasama si Orange. Nilagay ko si Orange sa stroller at bilib din ako dahil hindi siya nagalaw.
May napadaan na mga grupo ng babae at parang na kyutan sila sa puppy.
" Ang cute, where did you get it?" Pananalita pa lang maarte na. joke
" Somewhere." Hindi ko napigilang mapangiti sa sinagot ni Kaizen. Ang sama ha.
" Okay, is that your driver?" Singit ng isa. Napatingin ako kay Kaizen na walang emosyong nakatingin sa babae.
" Oo," bigla kong sagot. Napatingin naman si Kaizen sa sinabi ko.
" What?! Orange! I'm your husband." He suddenly grab my waist na ikinagulat ko. T-teka..
" Ohh.. okay, love wins. Congrats!" Nakangiting umalis ang mga babae. Napabuntong hininga naman ako ng umalis na siya. Inalis na rin niya ang kamay niya sa beywang ko.
" Bakit mo sinabi yun?!"
" Para layuan nila ako. Unless you assume na husband mo nga ako. Bakit hindi natin—"
" Stop!" Pagputol ko sa sasabihin niya. Natawa lang siya at ginulo ang buhok ko.
Kinuha niya ang stroller at nauna nang maglakad. Humabol naman ako sa kanila.
—
Naglalakad kami sa gilid ng kalsada. Habang siya pa rin may hawak kay orange. Dapat ako naman.
" Ako naman—"
" Kain tayo. Nagutom ako ulit." Napairap nalang ako. Pumasok kami sa isang restaurant.
" Sir as usual po?" Sambit ng waitress nang makalapit sa amin. Nagtataka ako kay Kaizen, bakit lahat siya kilala?
Tumango lang si Kaizen at umalis na ang waitress. May lumapit na waiter at kinuha si Orange. Ang ganda ng restaurant feeling ko super yaman na ng may ari nito.
" Bakit kilala ka kung saan tayo kakain?" Hindi ko na mapigilang tanungin siya. Natawa lang siya sa sinabi ko.
" Kaibigan kong si Azrael ang may-ari ng restaurant na to pati na rin yung pet shop kanina, even the mall." Namangha naman ako sa sinabi niya. Ang yaman naman ni Azrael.
![[BLHS1] We Met Again](https://img.wattpad.com/cover/329388709-64-k402536.jpg)