[10]

457 11 7
                                    

Chapter 10.

Kahel



Hindi pa rin ako makapaniwala na si Kaizen ang tinutukoy nilang anak ni tita Malet. Naiilang na tuloy ako kapag magkakasalubong kami dito sa bahay.

Linggo ng umaga ay busy ang lahat dahil sa pagdating ni Kaizen. Habang ako ay abala sa kung ano.

" Kailangan kong makahanap ng pagkakaabalahan-"

Naputol ang sasabihin ko ng naisip ko ang sinabi ni Kaizen sakin kahapon. Today, magkikita kami ni Yuno. Pero saan? Wala siyang nabanggit. Baka mag tetext siya mamaya.

" Sir kain na po tayo." Tawag sa akin ni yaya Luren. Napagtanto ko na kanina pa pala ako nakatayo sa harap nila. Nakakahiya.

Agad naman akong lumapit at narinig kong ngumiti si Kaizen- sarcastically.

Pagkaupo ko ay bumungad sa amin ang madaming pagkain. Iba't ibang klase ng luto ng karne, isda, at may pa drinks pa.

" Anong ganap?" Tanong ko sa kanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay bago magsalita.

" It's my usual meal in the morning."

" Sa daming to? Talaga? Mauubos mo ba yan?" Sarkastikong sabi ko ngunit wala siyang sinabi bagkus ay kumuha siya ng pritong isda.

" A-ah Kahel, sabi po kasi ni sir na espesyal ang araw na to para sa kanya kaya hinanda ko ang mga iyan." Paliwanag sa akin ni yaya.

" Eh? Birthday mo ba?" Hindi siya umimik sa tanong. What's wrong with him kahapon lang ang soft niya, ngayon parang siya ang boss dito. Well anak nga pala siya ni tita.

" Nope, huwag ka ng magtanong kumain ka nalang baka lumamig pa ang mga pagkain. Enjoy the meal."

Hindi ko na lang siya kinibo at kumain na lang din ako. Pagkatapos ay laking gulat ko na ang daming nasayang na pagkain. Grabe hindi man lang nasayangan sa mga- grr!

" Ahhh.. anong gagawin mo la sa natirang mga pagkain?" Tanong ko sa kanya habang naglilipit siya ng pinagkainan namin.

" Ah... Kapag nandito si sir, sinasadya niya talaga paramihin ang mga pagkain lalo na ngayong araw dahil espesyal ang araw na ito para sa kanya."

" Ano nga po yun?" Napataas na ako ng kilay sa koryusidad na sinasabi ni yaya.

" Curious ka?" Naputol ang pag uusap namin ng magsalita si Kaizen.

" Hindi. Why would I?" Pasigaw kong sabi at umalis nalang sa harap nila.

Basta ngayon lang ako na bwesit ng hindi ko alam kung bakit. Habang naglalakad ay napatigil ako dahil naisip ko na.. pano ko makakausap si Yuno kung hindi ko tatanungin si Kaizen.

" Ahhhhh!" Sigaw ko pero agad ko naman binawi ng mapagtanto ko na nasa bahay pala ako.

" What happened?" Biglaang pagsulpot ni Kaizen sa harap ko. Unexpected yun ah.

" Ah..." Naputol sasabihin ko na napagtanto ko na. Nag aalala ba siya sa akin?

" Ayos lang ako."

[BLHS1] We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon