Chapter 37.
Kahel
"Samantha?"
Bumungad sa akin ang babaeng matagal ko nang di nakikita. Nakasuot siya ng itim na jacket at sumbrero.
" Hindi mo lang ba ako papasokin sa bahay niyo?" Ngiti niyang sabi.
Nang pinapasok ko siya sa loob ay naupo kami sa sofa na gawa sa kawayan. Abala si mama habang si Geo naman nasa kaibigan niya nakiki charge dahil wala naman kaming kuryente.
" Pasensya na ganito ang bahay namin." Pinalpagan ko ang sofa at pinaupo siya. Umiling lang siya at umupo.
" It's okay, I'm here because I have an important news for you."
Nanahimik ako sandali at ngumiti agad. Lumapit ako sa kanya at nakaramdam ako ng kaba.
" Bakit?"
" I'm sorry pero..." Natigilan siya saglit at hinawakan ang kamay ko. " Kailangan muna nating pumunta sa bahay nila."
" B-bakit? Anong nangyari?"
" Basta—"
Hinila niya ako at naglakad na papalabas. Pinigilan naman kami ni mama.
" Mag-ingat kayo." Ngumiti siya at sabay niyakap siya.
" Opo ma."
Sumakay kami sa kotse at nagsimula nang magmaneho ni Samantha. Hindi ko alam pero parang totoo ang sinasabi ni Geo tungkol sa kanila. Huwag naman sana.
Kaizen.
" Bili mo ko ng ice cream." Nakangiting sabi ng hayop na to. Hayss kung malaman ko lang na di talaga ako ang ama ng dinadala niya humanda talaga sya sa akin.
Ayokong malaman ni Orange tungkol kay Alexis. Masasaktan yun at hindi pa ako sigurado kung totoo nga ba ang sinasabi ng babaeng to. Nilayo ko ang kamay niya sa braso ko.
" Childish." Napaismid siya sa sinabi ko. Umalis ako sa harap niya ng batuhin niya ako ng unan. " What the fuck?!"
" Stop it, Kaizen!" Sigaw ni mama ng makalapit siya sa amin. " Pag na adapt ng magiging baby niyo yan. Humanda ka talaga sa akin."
" Why mom?! Hindi ko anak yan!"
" Come on. Magpakaama ka o sisirain ko ang buhay ni Kahel?"
Kinuyom ko ang kamao ko at sinuntok ang mamahaling vase ni mama. Fuck them!
Pinagmasdan ko lang ang pulang likidong tumutulo mula sa kamay ko. Humanda ka sa akin Alexis. Mamaya lalabas na rin ang katotohanan.
Umalis ako sa bahay at naglakad-lakad papunta sa parke. Damn it! Bakit hindi ko magawang pumunta kay Orange.
I immediately took my cellphone and call him but he's not answering. Nagbuntong hininga ako para maibsan ang stress na nararamdaman ko.