[03]

1.6K 31 2
                                        

Chapter 3.

Kahel



Ang daming ganap this day. It's Thursday kaya medyo excited na ako para bukas. Masaya naman si tita Malet na kasama ako sa activity trip, sabi niya magkakaroon ako ng bagong friends.

Well kahapon nga lang ay may naging kaibigan ako. Si Risca, kaklase ko tapos sobrang yaman pa niya. May business daw papa niya sa states.

" Are you excited, Kahel?" Bigla niyang napatanong. Napakunot naman ako akong aking noo.

" Bakit?"

Ngumiti lang siya sa sinabi ko. Nandito kami sa gymnasium at nagsimulang mag ingay ang mga tao sa paligid. Magsisimula na ata ang game. Pagpasok ng unang grupo ay nagsitilian na ang mga babae at hindi ko sila masisisi dahil sobrang hot ng mga players.

Aminado naman akong hindi straight at sinabi ko na iyon kay Risca. Kaya pala niya ako dinala rito.

" Di ba busog mata mo."

" Gaga!" Natawa lang siya sa sinabi ko.

Mas lalong lumakas ang hiyawan at tilian ng pumasok ang huling grupo. Suot nito ang gold na jersey nila ay agaw-pansin din ang lalaking lider nila.

I know him.

" Omg! Daddy Yuno! Go! Go! Go!"


Tama siya si Yuno Wilsom. Siya ang anak ni principal Eula. Ang gwapo niya kung tutuusin nasa kaniya na ang lahat.


" Lampasuhin mo ang Blue Tiger, daddy Yuno!"

Nakakabingi ang mga hiyawan lalo na tong katabi ko. Naagaw din ang atensyon ko sa kasing tangkad lang ni Yuno na lalaki sa kanyang likuran. Ang kanyang scar sa kanyang leeg ay kitang-kita mula rito.

" Ahhhhhh! Gora na!"


Nagsimula na ang larong habul hininga ang labanan. One point lang ang lamangan hanggang sa umabot sila sa huling quarter.

Lamang isang point ang Blue Tiger kumpara sa Golden Dragon kung saan kabilang sina Yuno at ang lalaki.

Hanggang sa nagsimula na ulit ang laro. Ten seconds nalang ang natitira at salitan lang ang bola hanggang sa huminto ang timer.

Tumahimik muna ang lahat hanggang sa nagsitilian ang marami. Panalo ang Golden Dragon. Tumayo muna ako kasi kanina pa ako nakaupo.


" Ahhhh! Tara lapitan natin sila–" natigilan si Risca nang magkagulo ang tao.

Sa kaguluhan ay na out of balance ako sanhi para matumba ako ngunit ang inaasahan kong pagbagsak ay hindi nangyari.

Pagtingin ko ay nakangangang nakatingin sa akin si Risca. Hindi lang siya kundi lahat.

Hawak-hawak ng lalaki ang likod ko. Pagtingala ko, si Yuno. Walang ekspresyon nakatingin sa akin.

Sa sobrang taranta  ko ay tumakbo nalang ako papaalis sa gymnasium. Nakakahiya!

Ilang araw pa lang ako rito ay umeeksena na ako. Ngayon hindi ko tuloy maalis sa utak ko ang hitsura ni Yuno.


I think I have feelings for him.

Nasa sasakyan ako pauwi na ako at hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Lahat ng tingin nasa akin na masyado daw ako atensyon seeker, paepal, bading— lahat yun naririnig ko.

Kasalanan ko naman kung bakit nangyari yun. Pagkarating namin sa bahay ay pumasok ako sa loob at magmukmok.

" Bakit ba nangyayari sa akin to?" Angal ko habang nakahiga sa kama. Halos mabaliw na ako.

Biglang nag message si Geo sa messeger. ' kuya, kamusta na? I hope we see you again. :)'

Bigla naman akong napangiti sa sinabi niya. Biglang nawala lungkot ko nang makita ko ang mensahe nila.

Nagulat ako nang pumasok sa loob si tita Malet. May dala-dala siyang tsaa habang may hawak na jacket.

" Are you excited kaya hindi makatulog?" Tanong niya.

" Ah hindi po, sobrang pagod lang po ako," ani ko. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

" Take this jacket. Sayo na yan."

Kinuha ko naman ang jacket at ngumiti. Hanggang ngayon ay nagpapasalamat pa rin ako sa kanya.


" Kapag may mangyari man wag kang mag dalawang isip na sabihin sa akin ha? Kung hindi mo muna kaya sabihin kay mama mo at least sa akin sabihin para masolusyunan natin yan agad."


Tumango ako at lumapit siya sa akin sabay haplos sa buhok ko. Para na rin siyang mama ko dahil sa mga ginagawa niya sa akin. Nang lumabas siya sa kwarto ay naiwang nakaawang ang pinto dahilan para makita ang kwarto sa kabila.

Kanino kayang kwarto iyon?


Pinagpaliban ko muna ang lahat at hinanda ang sarili para bukas.

" Sorry."

" It's okay."

" Pero dumudugo ang leeg mo."

" Hindi mo naman sadya."

" Ito scarf bigay ni mama."

" Ahhhhhh! Tulong! Tulong! Kailangan namin ng tulong! Si—"



Habol hininga kong bumangon sa kama dahil sa bangungot na iyon. Hindi lang siya panaginip kundi alaala mula sa nakaraan. Hindi ko makita ang mukha niya dahil blurd pa ito sa utak ko.

Kung sino ka man sana makilala na kita.

Kinalimutan ko na muna ang nangyari at maagang naghanda para sa fieldtrip. Nasa tapat na kami ng gate kung saan isa-isa kaming pumapasok sa di aircon na bus ng paaralang ito.

Katabi ko si Risca dahil close kami at nakaupo ako sa may tabi ng bintana. Alas singko palang ng umaga ay medyo tahimik pa ang ilan dahil sobrang aga ng gising at kailangan ulit nilang matulog.

Nakita ko si Risca may iniistalk na guy sa insta. Kung hindi ako nagkakamali siya si Yuno.

" Ang hot niya talaga no?" Hindi ako umimik sa tanong niya.

Okay lang daw sa kanya ang nangyari sa akin pero para sa akin may hinanakit yan. Kaya umiiwas ako kapag tungkol sa kanya ang usapin.

Atsaka sa ilang araw kong nasa room ngayon ko lang nalaman na kaklase pala namin si Yuno pati na ang lalaking iyon na ang pangalan ay si Kaizen.


" Can we exchange our seat? Duon ka sa tabi ni Kai, pwede ba?" Napatingin sa nagtanong. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Yuno nakatayo sa tabi ni Risca.

" O-ofcouse!" Hindi nagdalawang isip ang bobita at umalis siya sa tabi ko at pumalit si Yuno.

Huwag kang gagawa ng katangahan Kahel.

" Kahel right?" Napatingin ako nang tawagin niya ako. Ngumiti nalang ako dahil natataranta talaga ako na ewan.

Napagtanto ko na lang na nakalahad na pala ang kamay niya sa harap ko.

" I'm Yuno, siguro naman kilala mo mommy ko right?"

Napalunok ako sa lalim ng boses niya. Dahan-dahan ko siyang kinamayan dahil nangangalay na siya.

" K-kahel."

Biglang nag bump ang bus dahilan para matumba ako sa tabi niya. Nasalo naman niya ako at sa di inaasahan ay nagkatitigan kami ni Yuno.

[BLHS1] We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon