[36]

321 4 8
                                        

Chapter 36.

Kahel

Kanina nagising akong wala na siya sa tabi ko. Tapos makikita kong umalis siya because her mom was injured. Naiintindihan ko kasi mama naman yun e. Ang mahalaga babalik siya dito.

Kakatapos lang naming kumain. As usual tutunganga lang kami sa bahay. Wala naman kaming electronics, appliances, o kahit kuryente man lang.

Oo, ang hirap namin tapos ngayon wala pa kaming pera kasi wala ng trabaho si mama. Nagpaalam ako na lalabas muna ako saglit.

Kasalukuyang naglalakad sa gilid ng kalsada nang mapako ang tingin ko sa kulay berdeng bahay. Nagmumukhaan ko ang bahay na to.

Nang nasa tapat na ako ng gate nila ay saktong paglabas niya. Tama nga ako, kakauwi lang nila galing Palawan.

Ang maputi niyang katawan at ang kanyang katangkaran. Kilalang kilala ko pa rin ang kanyang maamong mukha na hindi ko pa rin makakalimutan.

Napahinto ako at pinagmasdan ko siyang nagtapon ng basura. Umiling ako dahil kinalimutan ko na ang lahat at nagpatuloy sa paglalakad.

" Shit!" Bulalas ko nang hindi umayon ang binti ko dahil bigla na lang ako nadapa.

Nang hawakan ko ang tuhod ko ay dumudugo ito. Naku kung kailan gurang na doon pa nadadapa. Sinubukan kong tumayo pero humahapdi ang tuhod ko kaya napaupo ako. Bumuntong hininga ako at sinubukang tumayo ngunit sumasakit pa rin.

" Ayos ka lang?" Sambit ng isang lalaki sa harap ko. Nakalahad ang kanyang kamay sa akin. Hindi ako nagkakamali na siya iyon. Nang umangat ang ulo ko ay doon siya nagulat.

Inabot ko naman ang kamay niya at tinulungan niya ako tumayo. Nang makaharap na kami ay napangiti siya sa akin. Grabe nilaki ng lalaking to, sobrang tangkad na niya last time nung nakita ko siya supot pa to eh. Kidding!

" Ang liit mo, Kahel." Natatawang niyang sambit.

" Ah, tumangkad ka lang Vlademir." Sabi ko saka napangiti. He's my best buddy when we were in grade school.

" Kamusta ka na? Tagal na nating hindi nagkita."

" Ayos naman. Ikaw? Ang yaman mo na." Ngiti kong sabi.

" Ah mom married a rich man kaya mayaman kami. Okay naman sakin kasi deserve naman niya si mom." Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. " Naks ang saya pala kapag ako gumagawa nito."


" Sira, hindi ko na kasi abot." Tumawa siya. " Ah sige na uuwi na ako."

" Ah, no, tara pasok. Bond naman tayo tagal na nating hindi nagsama." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Sabagay tagal na rin nang nagkita kami.


Kakatapos lang ng pinapanood namin na movie sa Netflix. Nakakaiyak dahil hindi nagkatuluyan ang love team sa movie.

" Horror naman!" Masigla niyang sabi. Isip bata pa rin. " Kapag nagulat ka Kahel. Need mo ako i-kiss sa cheeks."

Nahinto ako sa huli niyang sinabi. Nagkatinginan kami at ilang segundo ang tumagal.

" Aaah..." Nahinto siya at ngumiti. " Joke lang, baka may bf ka na."

Ngumiti ako sa kanya. Alam niyang gay ako at tanggap niya kung ano ako. Dati nga napagkamalan kaming mag jowa kasi sobrang dikit kami.

" Si Kaizen." Natigilan siya nang banggitin ko ang pangalan ni Lemon. Nilipat niya sa horror movies at naupo sa tabi ko.


" The guy who punched me out of nowhere." Napatingin ako sa sinabi niya. Sa lahat talaga ng pwede maalala sa kanya iyon pa talaga.

" A-ah yes."

" Palakang bukid!" Sigaw niya at napayakap siya sa akin. Ang awkward....

" Uhmm..." Agad naman niyang kinalas ang pagyayakap niya sa akin.

" Sorry."

" Okay lang."









" Salamat ah pero hindi naman na kailangan. " Saad ko nang makarating na kami sa bahay. " Medyo madilim na at uuwi ka pang mag-isa."

Nagkagaw siya ng batok at ngumiti. " Ah, ayos lang may flashlight naman akong dala."



" Sus, wala ka ngang dala." Napangiwi siya sa sinabi ko. Paktay ka talagang makulit ka. " Pasensya na wala kaming flashlight. Lowbat pa yung cellphone ko."


" Okay lang ako na to eh." Natatawa niyang sabi. " Una na ako."

Nakatayo lang akong hinayaan siyang naglakad papalayo sa akin. Nang mawala na siya sa paningin ko ay saktong kakarating lang nina mama.

" Si Vlademir ba yun, nak?" Tumango ako nang makalapit sila. " Ang gwapo niya na saka ang tangkad. Siya ba yung may gusto sayo?"

" Ma naman. May Lemon na ako." Nakangiti kong sabi at sabay na kaming pumasok na tatlo.


Kasalukuyang kumakain kami at tanging ilaw lang ng kandila ang nagbibigay liwanag sa buong sala.

" Kuya, babalik pa rin ba si boyfriend mo?" Pagbasag ng katahimikan ni Geo. Napaisip naman ako sa tanong niya.

" Siguro..."

" Baka tama yung sinabi ko sa'yo kuya na buntis si Alexis tapos sya ang ama."


" Ano?!" Nagulat sila sa sinabi ni Geo. " Binuntis ng boyfriend mo ang babaeng yun?"


" Ma kalma..." Pinandilatan ko si Geo dahil sa kung ano-anong sinasabi. " Nilinaw na ni Lemon na gawa-gawa lang yun ni Alexis."

Napatango naman sila sa paliwanag ako.

" Siguraduhin mo lang nak kasi naranasan ko na yan sa papa mo."

" Nakabuntis siya ng iba?" Tanong ko at tumango siya.


" Ako ang nabuntis niya." Natigil ang kain ko. " May asawa na siya dati pa."



" Bakit ngayon mo lang sinabi? Ma?" Namuo ang inis sa loob ko. Hindi ko alam pero bakit ganito ang nangyayari sa amin.

Siguro karma na rin to sa amin.

" Sorry mga anak." Naluha si mama sa harap namin. Nakaramdam ako ng lungkot at lumapit ako sa kanya at niyakap.

" It's okay lang ma." Niyakap ko siya at yumakap din si Geo.

" S-sino po ang asawa ni papa?" Umiiyak na sambit ni Geo.

" Si Camalle."

Magkakatabi kaming natulog at kanina pa sila tulog. Iniisip ko kung sino ba si Camalle. Napaiyak ako dahil hindi ko na alam kung anong mangyayari sa amin.

" Lemon." Mahinang sabi ko habang naiiyak. I need him, I need his hug, his kisses, and his presence. " I miss you."

Pinikit ko na lang ang mga mata ko hanggang sa nakatulog ako. Kinabukasan ay abala kami sa gawaing bahay. Habang naglilinis sa labas ay may isang kotse ang huminto sa di kalayuan sa amin.

Napangiti ako dahil alam ko kung sino yun. He's here, my love of my life. Agad kong binaba ang walis tingting at tumakbo papunta sa kanya.

Nahinto ako sa tapat ng kotse at nang bumukas ay niluwal nito ang hindi ko inaasahan.

" Samantha?"



[BLHS1] We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon