[15]

277 8 5
                                    

Chapter 15.

Kahel


Kasalukuyang nakahiga ako sa kama. Still thinking what Kaizen said. Bakit niya ba sinabi yun?

Nagtakagilid akong nahiga, bigla kong naisip ang mukha ni Yuno. He's smiling at me. Napangiti ako, alam kung mahal niya ako ganun din ako sa kanya.

Napabuntong hininga na lang ako at napapikit. Sana bukas mawala na ang mga agam-agam ko. Sana bukas—

Nakabalikwas ako nang may pumasok sa loob.

" Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko kay Kaizen na bigla na lang pumapasok sa kwarto ko.

" This is my house. Pfft! Makikiligo ako nasira shower sa room ko e."

Gusto ko sanang magsalita nang pumasok na siya sa loob. Hayss sabagay bahay niya naman ito. Bumalik ako sa paghiga at pilit pinipikit ang mga mata.

" I'm done." Hindi ko na lang siya pinansin. Gusto ko na talaga matulog. Ilang sandali lang ay may kumakalkal kaya napatingin ako.

" Ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya habang tinitingnan ang mga picture namin nina mama na nakalagay sa frame.

" Is this your mom?" Ngayon naman pati pamilya ko pinapakialaman mo.

" Oo, bakit ba? Matutulog na ako." Sambit ko sabay higa sa kama.

" She's familiar. Siya ba yung dating yaya ni mom?"

" Oo," sagot ko.

" Alam mo ang bait ng mommy mo. One time dinala niya ako sa bahay niyo, ikaw pala yung batang kakagaling lang sa ospital noon."

Napatayo ako sa sinabi niya." Bakit mo alam?"

" Kakasabi ko lang, dinala ako doon ng mommy mo. Saka hindi mo tanda— I forgot naospital ka nga pala."

" Na ano?" Tanong ko at lumapit ako sa kanya. Ngayon ko lang napansin na nakatapis pala siya. Kita ang kanyang matipunong katawan at ang six packs abs niya. Mabilis pa sa alas kwatro akong lumiko ng tingin.

" Nothing, just go to sleep. Goodnight." Napansin ko ang paglabas niya.

" Teka Kaizen," tawag ko. He immediately stopped. " Anong ibig mong sabihin tungkol kanina?"

" Kalimutan mo na yun. Basta mag-iingat ka sa la—"

Namalayan ko na pala na wala na siya sa labas ng pinto. Baliw, nagsalita habang naglalakad. Pabitin!



" Sa sabado na ang night ball. Naka lista na rito ang mga sasali. Mamaya may meeting tayo sa cover court for orientation."

Excited na ako para sa sabado. Isang araw na lang at sinabi sa akin kanina ni Yuno na gusto niya akong maging partner sa ball.

Nang matapos si ma'am ay agad siyang umalis. Magkasama kami ni Risca na kumain sa cafeteria. Wala kasi si Yuno nasa practice daw para sa gaganapin niyang tournament.

[BLHS1] We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon