Chapter 42. Finale
Kahel
Nagising ako nang tanghali na. Naku, alas onse na pala ng umaga. Masyado ata akong napagod kahapon.
Kasalukuyang nasa beach kami ngayon for our vacation. Ilang buwan na rin ang nakakalipas at what's the good news?
It's our first anniversary.
That's my I'm so upset ng tanghali na ako nakatulog. Hindi ko man lang siya nabati, and now wala siya sa tabi ko. Bumangon ako sa nirentahan namin kwarto. Actually kami lang dalawa rito kaya pinagod niya talaga ako kagabi. Ginawa namin lahat ng posisyon, jusko!
Paglabas ko ay busy ang lahat. Kanya-kanyang lakad ang mga turista at ako ay papalabas na. Unang nasagap ko ay sina Geo at Risca na masayang nakikipaglaro kay Orange. Ewan ko ba sa dalawang yan madalas silang magkasama palagi.
" Nakita niyo ba si Lemon?" Tanong ko sa dalawa nang makalapit ako.
" Kanina dumaan dito pero umalis eh ewan ko kung saan." Sagot ni Geo at kinarga si Orange.
" Be baka naghanap chix." Inirapan ko lang siya at humalakhak naman ang bruha.
Iniwanan ko ang dalawa at pinuntahan ko ang wine cellar ng resort. Kadalasan mga lalaki ang nandun para uminom. Pagkarating ko roon ay wala siya pero maraming lalaki. Aalis na sana ako nang mapansin ko sina mama at tita Malet kaya nilapitan ko na sila.
" Ma, kailan ka pa natutong uminom?" Tanong ko sa kanya. Tumawa lang si mama at tinuro si tita Malet.
" Tita mo ang may kasalanan nak. Saka ano ka ba kunti lang, hindi naman daw nakakalasing itong wine. Di ba?" Tumango tango si tita Malet habang nakangiti. Pananalita pa lang halata ng lasing.
" You're just over reacting. Mag bonding na lang kayo ni Kaizen." Nagtawanan ang dalawa. Halatang lasing na nga. Napakamot tuloy ako sa batok.
" Yun na nga po e. Paggising ko wala na siya sa tabi ko."
" Baka naghanap ng chix." Napatakip si tita ng bibig. Hmm something's going on.
Umalis ako sa wine cellar at nilibot ko na talaga ang buong resort pero wala pa rin talaga. Hapon na at napagdesisyunan kong magpahinga sa cottage. Mag-isa akong nakaupo at ninamnam ang masarap na simoy ng hangin.
Napatingin na lang ako sa dagat na kay sayang pagmasdan. Nakaka-relax ang paghampas ng alon niya patungo sa pangpang. Lumapit ako sa tubig at hinayaan kong basain ang paa ko ng tubig dagat.
" Kamusta?" Napatingin ako sa boses na narinig ko mula sa akin likuran. Lumawak ang ngiti ko nang makita siya. Bigla ko siyang niyakap na kinagulat niya. " Para naman saan to?"
" Thank you, Samantha." Kumalas ako sa pagkakayakap. " I know na hindi maganda ang first impression ko sa'yo pero nagkamali talaga ako."
" Ano ka ba. Kung ano ako nung nakita mo noon, ganun na talaga ako. It's just you don't deserve that kind of treatment. Wala ka namang kasalanan sa amin e." Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. " Sis, from now on magbabago na ako. I mean I already did but I will do my best as a good person. Thanks to you."
Ngumiti ako at nagyakapan ulit kami. Sinabi ko sa kanya na hinahanap ko si Lemon kaya tutulungan niya raw ako hanapin siya. Sakto ay dito rin siya nag bakasyon after so many months na nagpagaling siya abroad. Marami pa kaming pinagkuwentuhan at sobrang namamangha talaga ako sa kanya.
Namalayan ko na lang na nandito kami sa unfamiliar place rito sa beach. Hindi na ito parte ng resort pero may nakikita akong tao sa di kalayuan.
Nagulat na lang ako na nilahad ni Samantha ang kanyang kamay. Hmm, something's fishy is happening right now. Kinakabahan tuloy ako. Habang papalakad kami sa mga tao ay naaninag ko ang mga naka set na tables at maraming mga nakaupo.
Mukhang nag aabang na sila sa pagdating. Hanggang sa tumigil kami sa harap ng isang lalaking nakatalikod sa akin. Humarap siya sa akin at nagulat ako sa tumambad sa akin.
" The Lion guy?" Ngumiti siya at dahan-dahang nilahad ang kanyang kamay. Yung sumama sa akin sa Guilavon Night Ball. Yung nagmaskarang lion. He's here with me. " Ba't nandito ka?"
Hindi siya umimik at nasa harap lang siya nakatingin. Napahawak naman ako sa dibdib ng isa-isang lumapit ang mga staff ng resort na may dalang orchids. Unang bulaklak na binigay sa akin ni Lemon.
Habang papalapit sa dulo ay parami nang parami ang mga orchids hanggang sa nahinto kami ni lion guy. Dahan-dahan niyang nilahad sa akin ang isang orchids.
" The last one." Kinuha ko mula sa kanya ang orchids. Nandun pa rin ang paos niyang boses. Gusto ko na siyang makilala. Natulala lang ako nang sinayaw niya ako. Nasa gitna kami habang nagpalakpakan ang lahat.
" Lemon?" Hindi siya umimik at nagpatuloy lang kami sa pagsayaw. " Amin na kasi, ikaw si Lemon no? Ikaw yung guy noong ball? Pero paano?"
Hindi talaga siya umimik hanggang sa natapos ang sayaw namin. Napahawak ako sa bibig ng maglabas siya ng singsing. Dahan-dahan niyang inalis ang maskara at niluwal nito ang gwapong si Lemon.
" Happy anniversary, my Orange." Nilahad niya sa akin ang mamahaling singsing." This promise ring will be the evidence that soon, ikaw at ako ay magiging mag-asawa."
Nag hiyawan ang lahat sa paligid. Ngayon kitang-kita ko sina Geo, Risca, sina mama at tita, pati na rin si Samantha. Naluluha ako ngayon habang dahan-dahan niyang sinusuot ang singsing. Sakto siya sa akin kaya pagkatapos ay niyakap ko siya.
" Woohooo!" Sigaw niya at nagsimula na ang party. Kinarga niya ako at sinayaw niya ulit.
Parang nag slow mo ang lahat habang nag sweet dance kami, sila ay puro budots ang sinasayaw. Mamaya na ang kainan, ibang pagkain ang gusto ko ngayon.
" Happy anniversary, Lemon."
" Happy anniversary, my Orange."
Nagpatuloy ang pagsasaya namin hanggang sa gumabi. Ang saya ko sa araw na ito. Isa lang masasabi ko, pinagtagpo kami at ito na ang tamang panahon.
Tatagal ba kami? Oo naman dahil iniibig namin ang isat-isa. Maraming dadaan na problema at bata pa kami actually pero ang mahalaga parehas kayong haharap sa mga problemang iyon.
Kahit kalaban niyo na ang mundo hinding-hindi namin bibitawan ang isa't-isa. Ako at siya, masayang lalagpasan ang mga iyon.
" Gawin ulit natin yung kagabi?" Tanong niya habang nakahawak siya sa beywang ko. Ako naman ay nakahawak sa leeg niya. Lasing na si Lemon at gabi na kaya sinusumpong naman ng kalibugan. Ngumiti ako sa kanya at marahang hinalikan.
" Anong uunahin nating posisyon?" Nang aakit kong tanong. Sumasayaw kami sa kwarto namin kahit malalim na ang gabi. This is our moment, our first anniversary.
" Missionary." Bigla niya akong binuhat at hiniga sa kama. " Be ready because this might hurt you, Orange."
Natawa ako nang punitin niya ang suot niyang damit. Ang wild niya pag lasing. Tinulungan ko na siya at ningitian.
" Kaya ko, kahit masakit."
Ang pag-ibig ay hindi puro saya lang. Sabi nga nila, ang daming tuksong lalapit pero palagi mong isipin na ang tukso ay tukso. Nasa sayo kung papatol ka o hindi.
Bago ka pumasok sa isang relasyon kilalanin mo muna kung sino ang mamahalin mo. Dapat kilala mo na siya para alam mo kung anong merong kakaiba sa inyong dalawa. Kahit bata pa lang ay kilala mo na siya.
Masaya ako dahil masaya kaming magkasama ni Kaizen aka my Lemon.
