[18]

256 8 3
                                    

Chapter 18.

Kahel

Sabado at mamayang gabi na ang ball. I'm excited, binalewala ko nalang ang sinabi ni tita Malet kahapon. Si Kaizen naman wala naman sinabi sa akin.

" Good morning orange, ang cute mo naman!" Sambit ko habang hinahaplos ang ulo niya. Katabi ko siya matulog at super adoble niya. Siguro love na niya ako dahil ambilis niyang ma attached sa akin.

" Naks naman, bilis mo ma attached sa akin," nakangiti kong sabi.

" Syempre like father, like son." Napatingin naman ako sa kakarating lang na si Kaizen. He's wearing his annoying look.

" Pinagsasabi mo?"

" Di ba na fall ka agad kay Yuno without thinking kung ano ba talaga siya." Hindi ako nakaimik sa sinabi niya.

" So what," ani ko. Natawa siya at lumapit ito kay Orange. Binuhat niya ito at pinadede gamit ang tsupon. Parang na siyang daddy kasi tahimik lang si Orange na dumedede.

" You want to dede too?" Bigla niyang tanong. Kaaga-aga mambwi-bwiset.

" Ewan ko sa'yo. Kailangan ko pala mamili ng damit mamaya sa ball." Mabilis akong tumayo at bumaba. Iniwan ko silang dalawa at bumaba na ako sa stairway.

Napahinto ako nang makita ko si tita Malet na kumakain mag-isa. Sa gilid niya si Yaya Patrice na may hawak na malaking box.

" Oh! Gising ka na pala. Have a seat, join me nak." Sumunod naman ako sa kanya. Ang bango ng kinakain niya. Steak ba tawag dito?

" Mukhang masarap po ang nakahain ngayon tita," sabi ko.

" Of course ako nagdala niyan dito."

" Niluto niyo po?"

" Hindi. Nagpa deliver ako, wala kasi akong time mag luto." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Well, nagsimula na rin ako kumain. " Later, dadalo ako sa ball. So I brought a tuxedo for you. Para masuot mo mamaya."

Sinenyasan niya si yaya Patrice na lumapit sa akin. Hindi pa rin ako makapaniwala na gumagawa talaga si tita ng effort para maranasan ko ang lahat ng ito.

Binuksan ni yaya Patrice ang box at tumambad sa akin ang gray na tuxedo. " Sa tingin ko kasya yan sayo. Just say anything kung napapangetan ka para mabili ko agad kay yaya."

" A-ah! Okay na po, ang ganda nga po. Susukatin ko pa mamaya. Salamat po tita." Ngumiti siya at nagpatuloy sa pagkain.

Maya-maya ay bumaba na rin si Kaizen. " My son, kain ka na. Dadalo ka ba mamaya? I heard wala kang partner tonight."

Umupo si Kaizen sa tabi ko at kumuha ng rice at menudo. " Mom, I don't need a partner. Nakakabagot naman doon."

" Exactly! Para hindi ka mabagot maghanap ka ng partner." Napabuntong hininga nalang si Kaizen.

" Fine! Fine! Maghahanap ako mamaya." Ngumiti naman si tita Malet.

" Ikaw pala nak, may partner ka na pala mamaya?" Biglang natanong niya. Kapuwa silang dalawa ay nakatingin sakin.

" Ah meron po," sagot.

" Wow! Hina ng anak ko. Wala man lang makuhang partner. Sino ba yang babaeng yan?!" Pagkasabi ni tita ay nabuga ni Kaizen ang kinakain nito. " Son! Eat slowly. You're making a mess."

" Sorry mom." Napatingin ako kay Kaizen na magtama ang mata namin. He's smiling at me. Tsk.

" Nakalimutan ko tuloy kung nasaan na ako. Anyways, enjoy niyo ang ball. It's a highschool life experience bihira lang mangyari yun."

Natapos ang almusal namin at napagdesisyunan kong puntahan si Orange. Pagpasok ko ay sinalubong niya agad ako na mukhang galak na galak na makita ako.

" Ayan cute mo talaga!" Binuhat ko siya at kinuha ang phone ko.

' Kuya, sa martes makakapunta na kami diyan! Excited na ako makita ka namin ni mama.' Awtomatikong napangiti naman ako sa text niya. Mararanasan na nila kung anong buhay ang meron ako. Mas lalo pa akong natuwa ng dilaan ako sa mukha ni Orange.

" Kinikilig sa message ni Yuno." Napairap nalang ako dahil bigla nalang siyang sumusulpot.

" It's my sister," ani ko.

" Oh you have a sister." Nakangiti niyang sabi.

" Huy! Huwag mong tangkaing anuhin ang kapatid ko!"

" Anong anuhin, saka I'm just happy na may sister ka. I don't need another girl in my life. My mother is enough." Sumandal siya sa pader. " Mabuti ka nga may sister."

" Edi sorry. Bakit ka ba nandito?" Pag-iiba ko.

" I miss my Orange." Lumapit siya at kinuha si Orange. Shit! Ang bango niya.

" Ang bango mo. May lakad ka?" Bigla kong natanong. Inayos niya ang suot niyang polo at sinturon.

" Napansin mo pala. Mabuti naman." Hinalikan niya sa ulo si Orange. " Oo, mabilis lang ako baka kasi mamiss mo agad ako."

" Hangin mo naman." Tumawa kami pareho.

Nang umalis na si Kaizen ay tinext ko si Yuno. Maya-maya ay tinawagan ko na rin ngunit walang sagot. Hindi man lang ba siya pupunta rito?

Alas syete na at malapit na mag umpisa ang ball. Nabalitaan ko na kanina pa pala nandun si Kaizen. Nakatulog kasi ako sa terrace sa sobrang sarap ng simoy ng hangin doon.

Kasalukuyang nasa kotse ako habang minamaneho ni manong Ben. Ilang sandali ay nandito na kami sa venue. Dito palang rinig mo na ang ingay mula sa loob.

Pagbaba ko ay sinalubong ako ni Risca. Gosh ang ganda niya tonight. " Pasabog ka te, pretty mo tonight."

" Ano ka ba! I'm always pretty. Wow, pasabog ka rin ah..." Tinignan niya ako mula baba hanggang taas. " Ang pogi mo tonight."

Nagtawanan kami habang sabay pumasok sa loob. Nakuwento niya na partner niya ang long time crush niya swerte daw niya kasi crush niya mismo umalok.

Pagpasok namin ay sinabihan kami na by partner papasok. Kukuha daw kasi ng picture. Pwede naman daw mag-isa pero nahihiya ako mag-isang picturan in public.

" Pak! Pogi niya no?!" Tinuro niya ang kakarating lang na lalaki. Her partner actually. Tumango na lang ako. " Ikaw, nasaan na partner mo?"

" Ah papunta na siya," pagdadahilan ko.

" Sige. Una na kami." Tumango ako sa kaniya. Nauna na silang naglakad papasok. Habang ako ay inaantay ko pa si Yuno.

" Sir, mag-isa ka lang po ba?" Nagdadalawang isip pa ako dahil kinakabahan ako. Ayokong pumasok mag-isa sa loob magmumukha akong papansin. " Sige sir, pasok na kayo."

Wala na akong choice kaya naglakad na ako. " He's with me." Kakaibang boses ang narinig ko.

He's tall wearing a lion mask. Bigla niya akong hinawakan sa beywang. " He's mine."

Ang kanyang medyo paos na boses at ang kakaibang awra niya ang nagpatindig balahibo sa akin. Napatingin ako sa kanya at gayundin siya sa kin. I can't clearly see his face.

" Sino ka?"

[BLHS1] We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon