[21]

255 6 6
                                    

Chapter 21.

Kahel

Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Naibsan ang sakit na naramdaman ko. Hindi ko alam dahil ba niligtas niya ako o dahil siya ang childhood sweetheart ko?

" Shit. Are you okay? Did Yuno do this?" Sunod-sunod niyang tanong habang hawak ang pisngi ko.

Umiling ako sa kanya." Hindi, nadapa ako kanina." Hinawakan ko pa ulo ko na may band aid. " Okay na ako.."

" You're not okay. Mabuti nga nahanap kita, kanina pa ako naghahanap sayo." Tinignan niya ako ng maigi." Wala ka naman sa bahay ni Yuno."

Napabuntong hininga ako at ngumiti. Niyakap ko ulit siya. " Salamat, niligtas mo ko."

" Wala yun. Nandito lang ako."

Nang matapos ang kadramahan ay bumaba kami patungo sa kusina. It's already 2 am at tahimik na ang paligid.

Inabutan niya ako ng gatas at agad ko naman kinuha at ininom. " Pasensya na kasi iniwan kita kanina. Hindi ko kasi alam gagawin ko kapag nasa harapan ko na siya."

Napaisip ako bakit nga ba niya sinuntok si Yuno?

" Bakit mo nga ba siya sinuntok? May nagawa ba siya sayo?" Tanong ko bago uminom ng gatas.

" Sinasaktan niya ang dapat hindi niya dapat saktan." Natahimik ako sa sinabi niya. Naalala ko na naman ang ginawa niya kanina.

Lumapit sa sakin at naupo sa tabi ko. Pinagmasdan ko lang siyang alisin ang suot niyang kwintas. Nagulat ako nang sinuot niya iyon sa akin.

" Para saan to?"

" Para kapag nasa sitwasyon ka na nang walang wala ka. Isipin mo na kasama lang kita." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Nagpapasalamat ako na nagagawa niyang pagaanin ang loob ko.

" Bakit mo ba ako tinutulungan?" Tanong ko. Gusto ko malaman kung naalala niya ang tungkol sa amin dalawa.

" Dahil.. dahil kaibigan kita." Natigilan ako sa sinabi niya. Ngumiti ako sa kanya." Bihira lang naman makahanap ng tunay na kaibigan."

Tumango ako sa kanya. " Tama. Salamat dito."

Magdamag kaming nag kwentuhan ni Kaizen tungkol sa kung anong bagay. Hanggang sa nakatulog na ulit ako. Kinabukasan ay nagising ako na nasa couch.

Kinusot ko ang aking mga mata at bumangon. Tinungo ko ang dining area at kakarating lang ni yaya Luren.

" La," tawag ko. Lumapit sa sakin at niyakap ako. " Na miss ko po kayo."

" Aba! Nag day off lang ako na miss mo agad ako?" Nagtawanan kaming dalawa. Kinuha ko ang pinambili niyang isda siguro galing pa to sa palengke.

" La, nasaan ba ang ibang tao rito?" Tanong ko nang makarating kami sa kusina.

" Sa totoo nga sir. Nandito na ako kanina. Inutusan lang ako ni sir na bumili ng isda dahil gusto mo raw ng fried fish." Tumango ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman na fried fish paborito ko? Naalala niya kaya?

[BLHS1] We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon