Chapter 27.
Kaizen
Kalat na kalat na sa buong campus ang ginawa ng kumag na yun. Nagpapasikat pa talaga siya after niyang magising e, nag public apology pa ang gago.
" It's a misunderstanding, sorry sa nagawa ko.. bro, kay babe. I'm just stressed. I'm sorry I'll do anything para makabawi."
Fuck him! I can't attempt that kind of attitude. Yan na naman siya sa pa awa effect tapos in the end magiging demonyo ulit yan.
Napatingin naman ako sa kakapasok lang na si Auntie Eula. Bakas sa mukha niya ang lungkot at pag-aalala. Hindi naman ako galit kay tita, sa anak niya lang. Auntie is so kind to me, sa panahon na may sakit si mommy o nasa abroad. Auntie been there kaya hindi ko alam kung saan naman ng kumag na yun ang kanyang pag uugali.
Nakaupo ako sa tabi ni Orange. He still sleeping, sana magising na siya. Lumapit si auntie at ikinagulat ko ang ginawa niya. Lumuhod siya sa harap ko.
" Auntie—"
" Please.. Kaizen. Please, please, please. Huwag ng humantong sa demandahan." Nangangatog niyang sabi habang dahan-dahan hinahawakan ang mga kamay ko.
Fuck! Bakit ganito ang nagyayari sakin! Napatingala na lang ako para hindi tumulo ang mga luha ko. Auntie starting falling her tears. Tinayo ko siya at sabay ngumiti.
" Sige po tita..." Nabuhayan naman siya at ngumiti kahit papaano. " Pero once na magising si Orange. Desisyon niya ang masusunod."
Pinahid niya naman ang mga luha nito. Ngayon ko lang nakita na ganito umiyak si Auntie. Nakakalungkot lang dahil hindi namana ng kumag na yun ang ugali niya.
" Sana huwag na siyang magdemanda..." Nagpaalam siya sa akin dahil kakausapin niya ang magulang ni Orange para humingi ng tawad.
Bumalik ako sa pagkakaupo at tinignan lang si Orange.
" I miss you, Orange." Saad ko. Kinuha ko ang kamay niya sabay halik dito.
Maya-maya pa ay pumasok ang kaibigan niyang si Risca. Bakas siya kanyang mukha ang lungkot nang lumapit ito kay Orange.
" Pasabog ka rin te. Lumaban ka!" Naiiyak niyang sabi kunwari niyuyugyog siya. " Panget ni papa Yuno, he almost kill you."
Nagsimula na naman akong magalit nang marinig ko ang pangalan niya. Ilan oras din nag bantay si Risca habang dinadaldalan niya ang kaibigan. Ewan ko rin sa kanila, ang lakas ng trip nila.
—
Pumasok ako sa school dahil examination week na. Hindi man lang ako nakapag review. Mabuti na lang at exempted si Orange.
It's been a week since wala siyang malay. Ngayon ay iniwasan kong makasalubong ang kumag na yun. Nasa faculty office ako para magbigay ng updates kay Orange.
" It's been a week, I hope magising na siya." Rinig sa boses ni sir Sandy ang pag aalala. Napag alaman ko na 22 years old na siya at nag o-ojt lang siya rito sa Guilavon.
Yumuko ako bilang paggalang at umalis na. Uwian na at dumaan muna ako sa grocery store para pambili ng kakailanganin sa bahay.
![](https://img.wattpad.com/cover/329388709-288-k954158.jpg)