[14]

479 7 7
                                        

Chapter 14.

Kahel.


Nagising ako ng may ngiti sa labi. This is it, our first of Yuno being a official couple. Ang bilis lang ng panahon pero at least akin na siya ngayon. Habang pababa ako sa hagdan ay nagulat ako sa bumungad sa harap.

" Yuno?" Tawag ko sa kanya. Nakatalikod ito at siya nga nang humarap ito sa akin. Wearing his cute smile at suot ang uniporme na bumagay sa hitsura niya.


" Good morning babe." Hinawakan niya ang beywang ko. Hindi ko naman maiwasan na kiligin. Ano ba!

" Hindi ko to bahay baka makita tayo ni Kai," ani ko. Natawa lang siya at inalalayan papunta sa hapag kainan.

" Kaizen knew about us. I'm just being a boyfriend to you. I can be your servant forever."

" Sira anong servant," nakangiti kong sabi.

Sakto ay dumating na ang may ari ng bahay. Hindi ko mapigilang mapanganga dahil ngayon ko lang siyang nakitang magulo. I mean his hair is messy, naka topless pa siya, and even naka boxer lang.


" Bro what happened?" Natatawang sambit ni Yuno. Hindi siya pinansin ni Kaizen nang kumuha ito ng fried chicken saka sa harap pa talaga namin nagkamot ng kanyang birdie.


Hindi ko mapigilang mandiri kasi kulang na lang magpakita na siya ng little birdie, joke. Agad naman siyang umalis para maligo. Ewan ko ba ang burara niya ngayon.


" Hayaan mo na yun. Let's eat, ihahatid kita."

Tumango na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Malapit na kaming matapos ng kakain pa lang si Kaizen.

" Bro, sama na ako." Tawag niya kay Yuno dahil aalis na kami.

" May kotse ka naman bro." Nagulat ako nang hinila niya ang beywang ko at nilapit sa kanya. " Ihahatid ko pa boyfriend ko."

Hindi na lang kumibo si Kaizen. Napangiti ako nang hawakan ni Yuno ang kamay ko at naglakad kaming magka holding hands.

Pumasok na ako sa loob at naupo sa front seat. Nung una ay pina suot niya ako ng seat belt ngayon ay hinalikan na niya ako sa labi. It taste like watermelon hehe.


Nang makarating kami ay hindi niya inalis ang kamay niya sa kamay ko. Kaya ganun na lang ang tingin sa amin ng ibang mga estyudyante.


" Chill, ipagmamalaki kita." Sa sinabi niyang iyon ay nagkaroon ako ng lakas ng loob kaya ngumiti na lang ako.


Hanggang pagpasok sa loob ng room ay hindi maalis ang bulungan syempre tungkol sa amin yun. Maski si Risca ay nagulat.

" Talaga?! Oh my god. Congrats be!" Niyakap niya ako at nakangiti siyang binati ako.


" Hindi ko nga inakala na magiging kami," nakangiti kong sabi.

" Gaga! Ano ka ba love is love. Kahit anong gender pa yan."


May itatanong sana ako kay Risca ng dumating na si ma'am Eula. Nagsimula na ang lecture niya. Break time at magkasama kami ni babe na kumakain sa cafeteria. Ganito pala kapag may boyfriend kang famous sa school. Lahat ng mata sainyo lang nakatingin.

" Masasanay din sila. Siyempre nagulat siya na ikaw pinili ko." Ngumiti ako sa sinabi niya. He's right kaya hindi ko nalang sinda pinansin.


Patapos na kami ni babe nang may lumapit na estudyante sa amin. " Uhmm Yuno tawag ka ng mama mo. Pumunta ka raw sa office niya."


Nagkatinginan naman kami ni Yuno. Kasalukuyang naghihintay ako sa kanya sa room habang abala ang Filipino teacher namin na mag lesson.

[BLHS1] We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon