Chapter 31.
Kahel
Habang naglalakad sa hallway ay lahat ng mata ay sa akin nakatingin— sa amin ni Lemon actually.
Hindi ko alam kung ako ba ang pinag uusapan nila kasi naman magka holding hands kami ni Lemon. Pilit kong inalis ang kamay ko sa kanya ngunit ayaw niya.
Wala akong nagawa kaya sabay kaming pumasok sa classroom. Pagpasok ay naghiwalay na kami at naupo sa kanya-kanya naming seat.
Niyakap naman ako ni Risca at gayundin ako. Bakas sa mukha niya ang lungkot at kitang-kita rin naman na galing lang siya sa iyak.
" Bakit?" Nag aalala kong tanong.
" Principal Eula..." Nahinto siya. " Wala na sa school, hindi na siya principal."
Nalungkot naman ako sa balita niya. Niyakap ko siya at hinaplos ang kanyang likod. Mabait si Auntie Eula at hindi niya deserve ito. Nagkaroon ng bagong principal ang Guilavon High at iba na rin ang adviser namin.
Kakaiba ang atmospera ng paligid dahil laganap na ang nangyari kay Yuno. Lahat ng estudyante ang mata ay nakatingin lang sa akin palagi.
Kasalukuyang kasama ko si Risca sa library habang nakamukmok lang. Boring naman ng bagong adviser namin na wala man lang ganang magturo.
" Did she killed him?" Kanina niya pa tanong at iling ang sagot ko. Hindi ko alam kung sinadya ba talaga yun ni Samantha o self defense lang.
" Hindi ko.. alam," tanging sagot ko.
Maya-maya ay naputol ang chikahan namin ni Risca nang lumapit sa amin si Lemon. Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa.
" Bakit?" Agarang kong tayo at hinawakan ang mukha niya. Chineck ko kung may lagnat ba siya.
" I need something to say..."
—
Nasa field kami habang nakaupo sa bench. Marahan niyang hinawakan ang kamay ko— kinakabahan naman ako sayo Lemon.
" Bakit ba, Lemon? Kinana pa ako kinakabahan sayo." Halos maiyak kong tanong. Ngumiti siya sa akin at kita ko sa mukha niya ang lungkot.
" Orange, principal called me kanina. Sinabi sa akin na..." Nahinto siya at niyakap ako. Hindi ko napigilang maluha sa mga sinasabi niya.
Kinakabahan ako... Sana huwag naman yung iniisip ko.
Nang mapansin niyang lumuluha ako ay agad naman niyang punasan iyon gamit ang kanyang kamay.
" Don't cry, I'm just going to... US."
Pagkasabi niyang iyon ay hindi ko na napigilan ang maiyak. Niyakap niya ako ng mahigpit, naririnig ko ang kanyang paghikbi.
Mag tra-transfer siya dahil sa akin. Umiling-iling ako, ayokong payagan siya.
" Babalik ako..." Hinawakan niya ang mukha ko. " Babalik ako kasi nandito ka."
" P-pero paano kung magbago ang lahat?"
" Walang magbabago dahil ikaw na talaga." Hinawakan niya ang kamay ko. " Trust me, Orange. I love you!"