[19]

381 7 5
                                        

Chapter 19.

Kahel

Pagpasok namin ay halos mabulag ako sa mga flash ng camera. Ano ba to paparazzi? Daming ilaw eh. Dahan-dahan naman kaming maglakad ng mysterious guy na to habang ang mga estudyante sa paligid ay nagbubulungan.

" Sino ka nga ba talaga?" Bulong ko sapat na para marinig niya.

" Call me your husband." Hindi masyado pamilyar sakin ang boses dahil sa medyo paos nito. Ang tangkad niya tapos ang bango.

Nang makarating na kami sa seat namin ay nakita ko ang designated seat na para sa akin. Nagulat ako na hindi si Yuno ang nakasulat na para maging katabi ko. Instead 'husband' ang nakalagay.

Teka.. nasaan na ba si Yuno? Sino ba kasing lalaki to.

Pinaupo niya ako at naupo na rin. Gusto ko na makita kung sino siya. Kung anong mukha ang nasa likod ng maskara niya.

Napatingin ako sa paligid para hanapin si Yuno baka nandito na. Sinubukan kong tawagan siya pero hindi siya sumasagot. Please sana magpakita ka na Yuno.

" Gusto mo juice?" Umiling ako sa alok niya.

" Sino ka ba? Bakit ka ba nagmaskara?" Tanong ko. Hindi ako mapakali sa lalaking nasa harap ko.

" Kapag naging partner mo ako until the end. Magpapakilala ako."

" May partner ako! Hindi ikaw."

" Si Yuno Wilsom? His partner was Samantha." Natigilan ako sa sinabi niya. Kasabay non ang pagpasok ng kanina ko pa hinihintay.

Tama nga siya he's with Samantha again. Biglang kumirot puso ko. Is he cheating on me? He said we are partners ba't ang saya niya kasama si Samantha.

" Di ba? Hayaan mo na. Ako na partner mo." Pagkasabi niyang iyon ay umalis ako at tumakbo papunta sa malapit na comfort room.

Pagkaharap ko sa salamin ay binuhos ko ang mga luhang kanina pa namumuo. Ang sakit sakit ng nakita ko kanina. Naramdaman ko ang yabag kaya binuksan ko ang faucet at naghilamos.

Pagkatapos ay naglakad na ako. Nahinto ako nang makita ko si Kaizen na kakapasok lang.

" Oh! Orange, umiyak ka ba?" Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Pinigilan niya ako at hinarap sa kanya." Gusto mo suntukin ko siya?"

Umiling ako at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Ayoko umiyak ulit. Dali-dali akong bumalik sa seat ko at wala na si mysterious guy.

Tumama ang mata ko sa pwesto nina Yuno. Ang sakit dahil dapat ako doon kasama niya pero ang babaeng yun ang pinili niya. Gusto ko siyang lapitan at tanungin kung bakit.

Sa sobrang galit ko ay naglakad na ako papunta sa kanya nang may pumigil sa akin. Si mysterious guy hawak ang kamay ko.

" Mamaya pa ang sayaw. Isasayaw pa kita." Natigilan ako at napatingin ulit sa dalawa. Ni hanapin niya ako hindi niya nagawa.

Naupo ulit ako. Kasalukuyang tinitigan ko silang dalawa na masayang naguusap.

" Good evening, welcome to Guilavon Night Ball. Tonight, isang masayang kaganapan ang pinagdiriwang. Lahat kayo ay dumalo at nagpapasalamat kaming mga teachers especially kay principal Eula na pumayag.."

[BLHS1] We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon