[04]

1.1K 28 7
                                        

Chapter 4.

Kahel




Nasa Mt. Pasuy na kami at kakababa lang namin mula sa bus. Until now hindi pa rin ako maka move on sa nangyari kanina. Ayoko nang pag-usapan pa.

Lumapit sa akin ang babaeng kanina pang nakangiti. " Ang bango ni daddy Kaizen."

Napailing nalang ako sa sinabi niya. Napakaharot ng babaeng ito.

" Saan na ba tayo pupunta?" Tanong niya sa akin. Umismid ako sa kanya.


" Puro ka kasi lalaki, sinabi na ni ma'am kanina pa kung saan," sarkastikong sabi ko.

" Che! Swerte mo nga napansin ka pa ni daddy Yuno–"


" Shut up." Sarkastikong sabi ko na napatawa lang ako.

Natagpuan ko na lang sarili ko na nakapila sa mga estudyanteng nakapila sa isang booth. Kung saan nagbibigay ng foods and first aid kit.

Biglang tumunog ang speaker malapit sa amin. Lahat kami ay nakapokus lang dito.

" Announcements! Ang iyong adviser na ang bahala sa inyo patungkol sa tent na gagamitin niyo para mamayang gabi. We have three days in this area, kaya magpaka behave kayong lahat. Be safe and enjoy the activity!"


Sinabihan na rin kami ni ma'am Eula tungkol sa three days activity. Dahil graduating naman kami ay required talaga kami mag participate dahil isa to sa requirements namin para maka graduate. Also para makatulong sa foundation ng Green House Organization na nagtataguyod ng ganitong proyekto.


" Heads up! Gather here my students!" Lahat naman kami ay napunta ang atensyon sa adviser na namin na nakatayo sa di kalayuan. Hindi nagtagal ay nakumpleto ang lahat.

" Para fair ang ganap. Kailangan niyong magbunot ng number separate ang boys sa girls. Then kung sino ang makakapareha niyong number ang kasama niyo sa tent."

Madaming nagreklamo sa sinabi ni ma'am ngunit wala silang magawa kundi kanya-kanyang bunot ang bawat-isa. Nabunot ko ang numero singko. ' 05'


Kaniya-kaniya silang hanap ng kasama sa tent habang ako ay nanatili lang nakatayo. Pagtingin ko sa harap ko ay nakatayo ang isang lalaking nakatingin lang sa akin. Mga ilang saglit ay natagpuan ko ang sarili kong nasa tapat na niya.

" You're my partner."


Ang presensya niya ay nagpahina sa akin. Para akong kinukuhanan ng lakas at kinakapos ng hininga kapag kaharap ko siya.

" Swerte naman niya."

" Kasama niya ang isang daddy ng lahat!"

"  Papansin! Bading naman!"

" Espadahan na yan!"


Bulungan ng mga ilan ngunit wala akong magagawa. I'm standing in front of Kaizen. The one who have scar on his neck.

Tama nga siya we're partner. Parehas kaming  5 ang nabunot na number.



" Okay, stop it or you'll receive a demerits" ma awtoridad na sambit ni ma'am Eula.

Sinundan namin si ma'am Eula at naka linya kami together with our partner. Yes, sinabi ni ma'am na dapat kung sino partner namin ay ang kasama lang namin palagi tuwing may activity.


Nakaka intimidate kasama si Kaizen sobrang tahimik. Sa sobrang tahimik para siyang sisigaw sa tenga ko. Hindi ko nalang siya kakausapin.

Ilang minuto rin ang nakalipas nang huminto kami sa isang open space kung saan wala man lang halaman o damo.


" Bitbit ang inyong tree ay itanim niyo yan dito, by partner."

Napatingin ako kay Kaizen, nga pala hawak niya ang pangtatanim namin. Napalunok ako ng laway dahil hindi ko siya magawang kausapin.


Hanggang sa magtama ang mata namin ng lingunin niya ako. Halos ilang segundo rin ang tinagal bago ko inalis ang tingin ko sa kanya. Narinig ko ang pag ismid niya.

Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at hilahin sa kung saan. Huminto kami sa isang espasyo at naupo siya duon.

" Tatayo ka lang diyan?" Kinilabutan ako sa lalim ng boses niya. Mas malalim pala ang boses niya kaysa kay Yuno. Napaupo naman ako sa sinabi niya.


Nagsimula siya maghukay gamit ang garden trowel. Naupo ako sa harap niya habang abala siya sa pag huhukay. Pansin ko ang maugat niyang kamay at ang kanyang maliit na scar sa kaliwang kamay. May scar din pala siya sa kamay.

Binigay ko sa kanya ang puno sa puntong yun ay nagkatitigan na naman ako. Pag talaga siya ang naka eye to eye ko ay hindi ko agad naalis ang tingin ko dahil parang ay magnet sa pagitan namin.


Agad naman niyang kinuha ang tanim at marahang tinaniman ang puno. Ang ganda ng pagkakatanim niya. Isa kami sa mga naunang natapos sa pagtanim. Napansin ko na lumapit sa amin si miss Eula.

" Great job! Give it a name." Napatingin kami ni Kaizen sa kanya, dumbfounded.


" Parte yan ng activity. Just do it."


Nagkatitigan kami ni Kaizen hindi ko alam kung anong iniisip niya pero bigla akong nabingi nang magsalita siya.


" Okay that's great name, Orange Lemon."





" Hays." Nakaraos na rin dahil kanina pa kami bilad araw. Nakaupo ako ngayon sa malaking bato malapit sa may puno.

Hapon na kailangan na namin bumalik dahil patapos na rin kami sa pagtanim ng puno. Abala ang lahat sa pagtatanim, madali lang naman kasi magtanim ewan ko ba sa kanila kung bakit ang aarte pa kesyo madudumihan daw ang kanilang mga kamay—sampalin ko kaya sila.


Si Kaizen naman kanina pa wala. Iniwan niya ako mag-isa at ako lang talaga nagtanim tsk tsk tsk bawas points siya sa akin.

Kanina pa ako dito nangangati. Tatayo na sana ako nang magulat akong nasa harap ko na pala si Yuno.

" Ginulat mo naman ako dun," ani ko. I heard he chuckle.

" Hindi na babalik partner mo. Gusto mo tayo na lang?"


" Ha?"

" I mean partner."

" A-ahh."

" So..." Nilahad niya ang kanyang kamay na hindi ako nagdalawang isip na abutin iyon.


Sa sobrang lakas niyang hilahin ako ay hindi ko sinadyang mapayakap sa kanya. Mga ilang segundo lang nakakalipas ay natataranta akong umalis sa pagkakayakap niya.


" Pasensya na." Sambit ko habang paulit-ulit akong yumuyuko. Natawa tuloy siya sa katangahan ko.

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko kaya napatigil ako sa ginagawa ko. Parang huminto ang lahat at tanging siya lamang ang nakikita ko.

Ang kanyang mapupungay na mga mata, ang pula ng kanyang labi, at ang tangos ng kanyang ilong. Lahat na specify ko, kaloka.

" Ugh!" Nagulat ako sa sumunod na pangyayari. Si Yuno natuklaw ng ahas.


[BLHS1] We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon