[08]

618 15 5
                                        

Chapter 8.

Kahel


Ilang araw na rin ang nakalipas nang nangyari iyon. Mabuti nalang at ligtas kaming lahat mula sa ulan na yun. Minabuti kong huwag nalang sabihin kay tita Malet ang nangyari especially kay mama baka mag alala pa sila.

Back to normal, masaya naman yung activity lahat excellent nilagay ko sa evaluation e. Kasalukuyang nakaupo sa armchair dito sa classroom nang tapos na mag discuss si ma'am Eula.

" Okay, bring your assignments tomorrow. Don't be late, deductions sa performance. Now class dismiss! Stay safe."

Pagkalabas ni ma'am ay nagsilabasan na rin ang iba. Ang iba naman ay cleaners. Si Risca naman na buong activity day ay di ko nakausap dahil balita ko naging partner niya si Samantha. That girl is a liar!


" Kahel, tara kape tayo libre kita." Lumapit si Risca sa akin habang dala-dala ang kanyang luxury purse.


" Nakakahiya naman," ani ko.

" Ano ka ba, mag iinom lang naman tayo ng kape. Tara na!"

Hindi na ako makatanggi nang hilahin niya ako ng mabilis papaalis sa classroom. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa coffee shop sa may labas ng campus.

Pagpasok namin ay kitang-kita ang pagiging modern at luxurious ng coffee shop. Ngayon lang ako nakapunta rito. Pagkaupo namin ay nag order agad si Risca, same kami.

" Ang ganda dito no? Sarap magbasa dito kesa sa library. May free Wi-Fi pa." Mahina niyang sabi. Totoo naman sinabi niya.

" Tama."

" Ohh! Si Yuno." Napalingon ako sa sinabi niyang pangalan. Totoo nga he's here walking with Samantha. Aray!


" Sila na ba?" Tanong niya ngunit nagkibit balikat na lang ako. Aamin ako nasasaktan ako pero sino ba naman ako para masaktan?

Ika nga umasa ka sa wala kasi wala naman dadating na para sa'yo. Ganun!

Hindi ko na lang sila inintindi at nagpatuloy sa inom ng kape. Maya-maya ay may pumasok at muli kaming nakatingin dalawa. It's him—Kaizen, after magtama ang mga mata namin ay agad naman siyang nagtuloy maglakad papaunta kina Yuno.

Hindi ko na natiis ay agad akong umalis sa coffee shop. Hindi ko na pinansin si Risca na tumatawag sa akin. Makita na kung makita, ayokong nasasaktan ako dahil sa kanya.


Help, give me a sign lord.


Bigla akong napatalon sa gulat ng may nag busina ng kotse. Pagtingin ko isang magarang kotse ang huminto sa tabi. Unti unting nagpakita ang lalaking walang imik na tinapunan lang ako ng tingin.


" Get in or I'll do it by myself." Hindi agad ako makapag react. Seriously? Kaizen?

" Uhmm? Bakit naman?" Sambit ko sa kanya na ikinangisi niya. What the–

" Sabi ni Yuno ihatid na kita sa bahay niyo kasi mainit ang panahon baka mag collapse ka."

[BLHS1] We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon