[39]

245 5 3
                                    

Chapter 39.

Kahel



" Please, Yuno tigilan mo na to." Hagulgol ko habang nakatali sa upuan. Tawang-tawa naman si Alexis habang nakapatong ang kanyang paa sa tiyan ni Samantha.

" No, babe. I need you in my life. Sasama ka sakin sa ayaw at gusto mo." Lumapit siya kay Alexis at hinawakan sa balikat. " Ikaw na bahala diyan."

Tumango siya at pinagsisipa si Samantha na kanina pang walang malay. Imposibleng patay na siya. Kailangan niya pang mabuhay. Pilit kong kumakawala sa tali pero ayaw. Napatigil ako nang magtama ang tingin ko kay Lemon.

He still unconscious and full of bloods. Hinila ni Alexis ang katawan ni Samantha nang saktong dumating sina Auntie Eula.

" Yuno?! Sabi mo kakausapin mo lang si Kaizen!" Nanlumo ako sa sinabi niya. Parehas lang sila ni Yuno. Lumapit si Yuno at ginulo ang buhok. Baliw na amputa.

" Shut up, mom! Tita will know." Naiinis na sambit ni Yuno.

" She's with us!" Napiyok pa ako sa sigaw ko. Napatingin siya sa akin at sinampal ako nang malakas.

" Yuno! Hindi kita pinalaki ng ganito." Lumapit si Auntie Eula sa gawi namin.

" Sorry, babe." Nanginginig pa siya habang hawak ang pisngi ko. " Shh ka lang."

" Tigilan mo na to!" Pagpigil niya sa anak niya. Hindi niya kaya si Yuno dahil nagagawa niyang itaboy ang kanyang ina. Natatakot ako dahil ilang saglit lang ay pwede niya akong saksakin ng hawak niyang kutsilyo.

" Kasabwat ka rin ba? Nasaan si tita Malet?" Tanong ko sa kanya. Bumuntong hininga lang siya at umupo sa harap ko.

" I'm sorry of what my son did. It just.. it's all my fault." Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko pero nilalayo ko ito.

" Hindi po kita mapapatawad." Naiiyak kong sabi. Umiwas ako nang tingin at binuhos ang mga luha. Nakatitig lang ako kay Lemon na nakapikit at puno na ng pasa ang katawan.

" Oo nga mom, anong ginawa mo kay tita?" Rinig kong tanong ni Yuno.

" Pinatulog ko siya..." Malumanay na sambit ni Auntie. Humalakhak si Yuno at lumapit sa mama niya.

" God job mom. Like mother like son."

Sinampal siya ni Auntie Eula ngunit hindi pa rin inalis ang kanyang pagngisi. Nagulat ako nang sakalin niya ang mama niya.

" Nasasakal ako—" nauubong sabi ni Auntie Eula at tinatapik ang kamay ni Yuno.

" Tigilan mo na to, Yuno!" Sigaw ko pero hindi pa rin siya nakikinig. " Mapapatay mo ang mama mo! Mama mo siya! Siya nagluwal sayo!"

" Ano na naman. Ang mahalaga ang pagsasama natin dalawa!" Bulyaw niya sa akin. Nakaraos ako dahil natanggal ang tali sa kamay ko.

" Hindi mo ako naiintindihan. Hindi na kita mahal!"

Natigil siya sa sinabi ko. Binitawan niya ang kanyang ina at ako naman ang sunod niyang sinakal. Napaubo na ako sa sobrang higpit ng kamay niya sa leeg ko. Nanlilisik na ang mata niya na isang iglap lang ay kaya niyang tanggalin ang buhay ko.

Bigla niyang inalis ang kamay niya kaya nakahinga na ako nang maluwag. Hawak hawak ang leeg ay sinalo ako ng mama niya.

Narinig ko ang pag-iyak niya at pag-upo sa sahig. Binagsak niya ang hawak niyang kutsilyo.

" Sa'yo lang ako nakaramdam ng pagmamahal na hindi mabigay ng mom ko." Iyak niyang sabi. Nakaramdam ako ng kirot sa sinabi niya. Napansin ko rin ang pagtulo ng mga luha ni Auntie Eula. " Ikaw lang nagparamdam sa akin na worth it ako kahit ang gago kong lalaki. Simula bata pa lang tayo ikaw na nagbigay sakin ng pagmamahal."

Kahit galit ako sa kanya ay nakakaramdam pa rin ako ng guilt sa mga sinasabi niya. Parang lahat ng to ay nang dahil sa akin.

Nang dahil sakin naging ganito siya, sina mama. Ako.. ako ang dahilan.

" Pero ngayon hindi mo na ako mahal..." Tumayo siya at pinunasan ang mga luha. " Mamatay ka na!"

Nagulat ako nang pinutukan niya ako ng baril. Natumba ako at mapaimpit sa sobrang sakit. Hawak-hawak ang kanang brasong puno ng dugo. Hindi ko aakalaing kaya niya akong putukan.

Gusto kong tumayo pero bigo ako dahil nanghihina na ako. Sunod-sunod ang putok ng baril at natamaan pa ang paa ko.

" Ahhhhh!" Sigaw ko sabay hawak sa paa kong puno ng pulang likido.

Hingal-hingal akong napatingin sa likod ko. Napatakip ako ng bibig ng makitang wala ng buhay si Auntie Eula.

" Please.. huwag mo akong patayin." Nagmamakaawa na ako habang hinahawakan ang paa niya.


Kasalukuyang nakatayo siya sa gilid ko habang nakatutok ang baril sa ulo ko. Bakit ng takot at panginginig ang nararamdaman ko. Ilang sandali lang ay hindi ko na makikita sina mama at Geo.

" Kitakits babe."

" Gago! Sa impyerno bagsak mo!"

Nabuhayan ako nang sumigaw ang kanina ko pang gusto makita. Inaagaw niya ang baril na hawak ni Yuno.

" Itigil niyo na yan!" Sabat naman nang kararating na si Alexis.

" Shut up!" Sigaw ni Yuno. Nasuntok siya sa tiyan ni Lemon kaya napaatras ito. Nahulog ang baril at napunta sa tabi ni Auntie Eula.

" Ano ba!" Suway ni Alexis sa dalawa na patuloy lang sa pagbubugbugan.

Kahit nanlalabo na ang paningin ko ay kitang-kita ko ang lahat. Lumaban ka Lemon, kaya mo yan.

Tumilapon si Alexis nang sampalin siya ni Yuno. Duguan na ang dalawang lalaki pero tuloy pa rin ang bugbugan. Nang nasa gawi ko na sila ay nakakuha ng pagkakataon kaya hinawakan ko ang paa ni Yuno. Napatid si Yuno kaya natumba ito.

Nakakuha ng tyempo si Lemon kaya pinagsusuntok niya si Yuno.

" This.. is.. for.. you..." Hingal-hingal niyang sabi habang sinusuntok ang mukha ni Yuno.

Pinigilan siya ni Alexis nang wala ng malay si Yuno. Nanghihina na ako at ilang sandali na lang pipikit na ako. Namalayan ko na lang nasa harap ko na si Lemon habang karga niya ako.

Dahan-dahan kong hinawakan ang mukha niyang kita ko pa naman. Naluluha siya pero may sinasabi siya ngunit tanging mukha na lang niya ako nakapokus.

" Hindi.. ako.. galit.. kasi naglihim.. ka..." Lumunok ako ng laway. Pasensya na pero hindi ko na talaga kaya. " Mukhang.. dito na.. lang.. ako.. Lemon..."


Ngumiti ako at nakita ko ang pag ngiti niyang pilit. Gusto ko sanang yakapin siya at halikan pero parang dito na lang. At least nakasama ko siya.

Atleast we met again.

Nagsimulang pumatak ang mga tubig mula sa kalangitan. Kagaya ng kung saan niligtas ko siya noon. Ganito rin noon, masaya ako na nakilala ko siya. Minahal ko siya hindi dahil siya ang childhood sweetheart ko.

Minahal ko siya dahil siya ang para sa akin. Simula pa lang kami na talaga ang para sa isa't-isa. Ako at siya ang tinadhana pero hindi panghabang-buhay na magsasama.

Nandilim na ang paningin ko. Huli kong nakita ang mukha niyang lumuluha. Mamimiss kita, Lemon ko.



[BLHS1] We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon