[16]

398 11 7
                                        

Chapter 16.

Kahel




Madilim, maulan, hagulgol. Mga naalala ko bago ang insidenteng iyon na sana hindi ko naalala.

Ang araw kung saan naaksidente rin ang papa tapos sumunod naman ako. Ang nakakaiyak walang alam sina mama dahil nasa ospital sila umiiyak sa labi ni papa.


Habang ako nakahandusay sa kalsada. Naalala ko siya—mismong si Kaizen habang umiiyak habang humihingi ng tumulong.

" Help! Help! Orange.. I'm sorry."

Nagising ako at umaga na pala. Hindi ko inaasahan na nasa tabi ko si Kaizen nakatulog habang nagbabantay sa akin.

Naalala ko tuloy si Yuno nung sinagip niya ako mula sa ilog. Kailangan ko siyang kausapin.

Pagtayo ko ay may kamay na pumigil sa akin. Paglingon si Kaizen kakagising lang.

" Where are you going? You need to rest."

Napabuntong hininga na lang ako at humarap sa kanya. Shit! Ang gwapo niya kapag magulo ang kanyang buhok sabayan pa ng magulong polo na naka unbuttoned sa unang dalawang butones nito.

" May pasok—"

" Kulit!" Napabusangot naman ako nang umarte siya na parang bata. Sabay kagaw niya sa kanyang batok." I already excuse you, kaya you need to rest."

Napaismid nalang ako nang hawakan niya ako at hilahin pababa sa dining room. Napansin ko na wala ulit si Tita Malet.

" Bat ang daming nakahain? Hala! Mangga na may bagoong!"

Lumapit agad ako at naupo. Excited na akong kumain, paborito ko pa naman ito.

" Yaya Luren is on her day off kaya ako naghanda niyan."

" Talaga? E, ba't may bagoong? Hindi ka naman kumakain nito."

" Of course, you need to rest. After last night you collapse! Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa'yo." Napangiti naman ako sa sinabi niya. He's cute when he's irritated or mad. " Anong mukha yan? Just eat."

" Teka nga ba't galit ka? E, dapat ako magalit dahil ikaw pala ang dahilan kaya na erase mga one gigabyte ng braincells ko."

" What?!" Bakas sa mukha niya ang pagkairita na ikinatuwa ko naman. Halos lahat ng ugali niya nakikita ko na. " Just rest, I will do the rest."

" Do the rest of what?" Tanong ko sabay kain ng mangga. Sarap talaga. " Alam mo ilabas mo nalang ako nakakabagot dito sa bahay niyo."


Hindi siya umimik at patuloy lang siya sa pagkain. Nang matapos kami ay hindi niya ako pinatulong dahil siya na mismo magliligpit ng pinagkainan namin.

Hays... I hope Yuno visit me here. I miss him already.

" May practice pa ba si babe?" Natigilan siya sa pagliligpit. Tinignan niya ako na parang nandidiri. " What?"

" Babe? Yuck! Pang one month lang yan!" Pasigaw niyang sabi at nagpatuloy sa pagliligpit.

Napaismid ako sa sinabi niya. Edi yuck na kung yuck. " Paki mo. Nagtatanong yung tao."

" Ba't mo di tawagan o itext? Babe, babe, ni contact or text di man lang magawa."

" Oo na! Dami mong sinasabi!" Sigaw ko at naglakad na paakyat para kunin ang cellphone.

Nakailang dial na ako pero cannot be reach pa rin. Gosh 35 missed calls na nagawa ko. Kung saan-saan na ako pumwesto.

" Oh ano wala?" Bigla naman sumulpot itong lalaking to.

" O, ba't nakapang bihis ka? Aalis ka?" Tumango siya. Tsk!

" Bakit sasama ka? Pwede naman kita isama." Umiling ako. " Magbihis ka na, isasama kita. Espesyal ang lugar na pupuntahan ko bahala ka once in a blue moon pa naman ang moment na ganun."

Napaismid nalang ako bago umalis sa harap niya. Ano pa magagawa ko nakakabagot dito sa bahay. Ilang minutong pagbibihis ay lumabas na rin ako ng bahay.

Nakita ko siyang nakasandal lang sa kotse at panay tingin sa kanyang mamahaling wrist watch.

" Akala ko pa naman nakatulog ka na babalikan sana kita." Sarkastikong sabi niya bago niyang buksan ang pinto ng kotse. Wow! Gentleman.

" Thanks." Sabi ko pagkaupo ko sa front seat. Nang sumakay na siya ay nagsimula na siyang magmaneho.

" Nasaan pala si tita?" Tanong ko sa kanya.

" She's with Auntie Eula, bakit? Punta muna tayo doon. Nandun naman yung babe mo." In-emphasize niya talaga ang word na babe.

" No.. no.. it's okay. Lakad mo to at sasama lang ako sayo." Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang siya sa pag-drive.

Mga ilang oras na biyahe ay nahinto kami sa isang shop. Isang pet shop, gagawin namin dito?

Pagpasok namin ay lahat ng staff, manager, at caretaker ay nag bow sa amin— I mean kay Kaizen.

" Good morning sir, you're here for—"

" Yes!" Hindi niya pinatuloy ang sasabihin ng manager. Bakas sa mukha ni Kaizen saya. This is his third time smiling genuinely.

" Okay po. This way." Turo ng manager at sumunod lang ako kay Kaizen.

Pagpasok ay namilog talaga ang mga mata ko sa aking nakita. Nakakamangha ang daming puppies! Ahhhhhhhh!

" This way." Turo ni Kaizen sa isang way at bumungad sa amin ang isang table set na puno ng pagkain. Wait—

" Enjoy your day mga sir." Ngiting pagpapaalam ng manager.

" Ano to?" Nagtatakang sambit ko. Hindi niya lang ako sinagot. Pinaupo niya ako, ang aroma ng kandila ay sobrang bango. Kasama pa ng mga puppies na abala sa paligid.

" Ang cute no?" Tumango ako sa sinabi niya. " Parang ikaw.."

Napatingin ako sa sinabi niya. " Pero dapat labas din dila mo."

Napalunok ako sa sinabi niya. Teka ako lang ba o parang double meaning yun.

" Baliw!" Natatawa kong sabi.

" Bilang pagbawi. I organized this set para naman makabawi ako sayo."

" B-bawi? May nagawa ka bang mali?"

Napa face palm siya. " I mean noon, because of me you hit by a car."

" Pero ikaw naman sumagip sa akin..." Natigilan siya sa sinabi ko. " Naalala ko yun kaya huwag na to. Nakabawi ka na naman noon."

Ngumiti ako sa kanya. May sasabihin pa sana siya ng may lumapit na staff na may hawak na aso. Ang cute! Naiiyak ako!

" Sir, here's your puppy. Sir Kaizen named it Orange."

Nakanganga akong napatingin kay Kaizen. Hindi ako makapaniwala na bibigyan niya ako ng tuta. Ngumiti lang siya at lumapit sabay luhod sa harap ko. Ginugulo niya ang balahibo ng tuta habang natutuwa naman ako sa reaksyon ng tuta.

" You're so cute, Orange." Pagkasabi niyang iyon ay parang may kinetic energy ang tumagos sa katawan ko.

" Sa puppy.. hehe! Ang cute mo Orange."

" No, I mean you."




[BLHS1] We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon