[29]

211 8 8
                                    

Chapter 29.

Kahel



Pucha naman oh. Kunti lang natandaan ko sa mga examinations jusko. Take note, half day pala naka apat na akong take ng exams.

Ngayon break time ay mag-isa akong tinungo ang cafeteria. Natanaw ko ang Guilavon University na kita naman dito. Ang laki talaga ng college diyan, para kang nasa siyudad.

Nawala ang pag-iisip ko nang may gumulat sa akin. Dahil ayoko naman kj kunwari nagulat ko.

" Nagulat naman ako sayo te," sarkastikong sabi ko.

" Gaga wag ako, mapagpanggap ka rin e." Nagtawanan kami pareho. Si Risca lang ang bff ko rito kaya I'm blessed to have her.

Napagdesisyunan namin na sabay kaming kumain. Dahil nga bbf kami, nahahawa na ako sa mga foods na gusto niya— minsan spaghetti, cheesecake, or donut ang nabibili namin pareho.

" Mali ka te, letter b kasi sagot sa number nine." Napa face palm ako sa sinabi niya. Letter c sagot ko. " Kwento ka naman tungkol sa inyo ni Kaizen. Rumors sa buong campus..."

Naglinga-linga siya sa paligid at pinakitaan niya lang ako ng dalawang daliri na magkadikit. " Na kayo na."

Napangiti naman ako. Ano pa nga ba, alangan i-deny ko. Tumango ako kaya bigla siyang napatili.

" Ayos ka rin, dami mong pasabog!" Nagtawanan kaming dalawa." Pero teka, hindi kaya siya same ni... Yuno?"

Natahimik ako. Hindi ba?

Hindi naman... Hindi siya ganun, period.

" Baliw! Iba siya." Nagsimulang mamula ang mga mukha ko. Napansin naman yun ni Risca na agad niya naman kinurot yun kaya napa aray.

" Kilig ka lang e."

Tapos na ang recess at bumalik na ako para mag exam. Ilang oras ang nakalipas at drained na drained akong naglakad papalabas sa campus.

Napakagaw nalang ako sa ulo ng magga-gabi na naman. Paglabas ko ng gate ay isang kotse ang nag hihintay sa akin. Napangiti naman ako kaya agad akong sumakay.

" Kahit kailan talaga may pa surprise kang nalalama—"

Napa atras ako ng upo ng makita si Yuno ang nag d-drive.

" Y-yuno, ano to?" Tanong ko. May kinakalkal siya sa kung saan.

" We need to talk. Ito lang naisip kong paraan." Sabi niyang nang nag spray siya sa pagmumukha ko.

Sa sobrang lakas ng amoy ay nahilo ako kasabay nun ang pag dilim ng paningin ko. Shit! Please help me Kaizen...



Nagising ako na nasa staycation niya. Ngayon ay hindi ako nakagapos. " Help! Tulungan niyo ako!"

" Kahit ano pang sigaw mo, walang makakarinig sayo." Kaswal niyang sabi at uminom ng tubig. Nagulat ako nang ibuhos niya ang malamig na tubig sakin.

Ngayon ay giniginaw ako. Niyakap ko ang sarili ko nang mapansing binigyan niya ako ng jacket. Anong nahithit ng lalaking to?

" Suotin mo. Malamig." Kinuha ko agad ang jacket ayoko ulit makita siyang nagagalit.

" Ano bang pag uusapan natin." Malumanay kong sabi baka kasi sampalin niya ako bigla. Huhu! Help Kaizen!

" Totoo ba, na kayo ng hayop na yun?" Hindi ako nakasagot dahil nagsisimula na naman siyang magalit. Nang bigla niya akong hawakan nang malakas sa braso.

" Please lang, ayoko na Yuno. May Samantha ka na di ba?" Naiiyak kong sabi.

" Fuck her! I want you, ang ganda mo sa paningin ko. Kakaiba ka Kahel, simula ng nakita noon. Dapat ako kasama mo hindi si Kaizen!" Mas lalo niyang diniinan ang paghawak sa braso ko.

" Ahhhh! Please lang!" Iyak ko nang dumugo na ang braso ko dahil sa hawak niya.

" Ako lang dapat! Ako lang!" Bigla niya akong sinampal ng napakalakas sanhi para maumpog sa drawer.

Gumagapang ako papunta sa pinto. Tulungan niyo po ako, Lord, please.

" Kung ayaw mo lang din. Ade dapat ka nang mabura sa buhay ni Kaizen!" Sigaw niya. Naramdaman ko na lang na May dumamping kung anong bagay sa likod ko.

" Ahh!" Singhal ko at napabaluktot. Duguan na ang ulo ko sabay niya pang hinila ang paa ko.

Ilang sandali lang ay parang isang anghel ang dumating nang hampasin niya ang ulo ni Yuno. Lumapit siya sakin, ganun na lang ang pagkagulat ko.

" S-samantha.." nauutal kong sabi. Ngumiti lang siya at binuhat ako.

" You must go. May cellphone sa kotse ko. Tawagin mo si Kaizen." Nakatulala lang ako sa kanya. Napansin ko ang paghaplos ng kanyang tiyan. Buntis ba siya?

" Go!" Sigaw niya na agad akong tumakbo habang paika-ika. Nasa second floor pala kami.

Kinakabahan akong naglakad sa labas papunta sa kotse. Naka lock ang kotse hanggang sa makakita ako ng bato at sinira ko na ang bintana ng kotse.. sorry Samantha.

" You're evil! Wala ka ng awa sa amin ng magiging anak mo!" Rinig kong sigaw ni Samantha sa loob ng staycation.


" Kaizen.. sumagot ka please." Ilang ring pa lang ay sumagot na si Kaizen.

" Samantha? Di ba sayo ko naman sayo wag ka na—"

" Help me! Help us!" Garalgal kong sabi.

" Orange?! What happened? Nasaan ka?" Rinig sa boses niya ang pag aalala.

" Fuck you Samantha! Papatayin kita!" Sigaw ni Yuno na narinig namin ni Kaizen.

" Fuck! What are you doing? Nasa staycation ka ni Yuno?" Tumango ako kahit hindi niya naririnig.

" Bilis please.. lemon."

Hindi na kaya ng katawan ko kaya nabitawan ko na ang cellphone ni Samantha. Napaluhod ako kasabay nun ang paglabas ng dalawa.

" Ahhh!" Sigaw ni Samantha ng nakahawak siya sa tiyan. Shit, she's bleeding. May mga pasa na rin siya sa ibang parte ng katawan.

" You're not like this!" Naiiyak na sambit ni Samantha ng sampalin lang siya ni Yuno.

" Nagbago na ako, people change!" Sinampal niya ulit si Samantha. Napahiga na ako sa lupa habang pilit na bumabangon.

Nang makaupo ako kahit kunti ay sinasakal niya si Samantha.

" Tama na Yuno!" Sigaw ko ngunit hindi niya ako pinakikinggan. Nakatalikod sa pwesto ko Yuno habang tanaw ko sila mula sa baba.

" Mawala ka na!" Sigaw ni Samantha at tinulak niya si Yuno. Isang kalabog ang umalingawngaw kasabay nun pag takip ko ng bibig.

I... I just witnessed a death scene.

Napatingin naman ako kay Samantha na umiiyak habang nakadungaw sa walang buhay na si Yuno. Hawak hawak niya ang kanyang tiyan.

Napasandal na lang ako sa kotse na isang huni ng mga pulis ang narinig sa di kalayuan.

" Orange!" Sigaw ni Kaizen ngunit bago siya makalapit ay napaupo ito dahil nakita ang pinsan niyang wala ng buhay.




[BLHS1] We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon