[22]

260 6 4
                                    

Chapter 22.

Kahel



"Kamusta ka na baby Orange?" Ngiti kong sabi kay Orange habang ginugulo ang kanyang balahibo. Tumatahol lang siya at na sasayahan ako sa sinabi niya.

Anong oras na ba? Gabi na naman.

" Gusto mo bang pakainin na kita?" Tanong ko na agad naman siya sumagot. Ang cute niya talaga.

Bumaba ako at pumunta sa refrigerator para kumuha ng gatas. Kinuha ko na rin sa drawer sa taas ang kakainin niya.

" Nak, gabi na. Hindi ka pa natutulog?" Lumapit ako kay tita at ngumiti.

" After ko pong pakainin si Orange." Tumango siya at nagsimula nang maglakad. Bago pa siya umakyat ay huminto siya saglit.

" Your mom texted me, they'll be here in Tuesday?" Tumango ako at ngumiti siya. " Great, para naman may kasama ako gumala."

She giggled then continue walk upstair. Umakyat na rin ako at napansin ko ang nakaawang pinto ni Kaizen.

Halos mabitawan ko ang hawak ko ng makita ko siyang naka shirtless habang nakahiga sa kama. Ano ba naman nakikita ko tuwing gabi.

Napansin ko ang six packs abs niya. Wait? Did I already notice it before or dahil siya ang childhood sweetheart ko?

Ugh! Iwan! Kaya nagpatuloy ako at bumungad sa akin si Orange na kumekembot ang buntot.

" You need to eat na ha. Para sleep na tayo. Pinupuyat mo ako hehe." Pinakain ko siya at pinainom ng gatas.

Nang matapos ay mabuti naman at nakatulog na siya. Nahiga ako sa kama. Panibagong araw na naman bukas. Hinarap ko ang natutulog na si Orange. Mas gusto ko pa kasing katabi siya kasi agad akong nakakatulog.

Habang nakatitig ako kay Orange ay nakikita ko si Kaizen habang nakangiti sa akin. Agad akong tumalikod at sinampal ang sarili.

What was that? Why are you thinking of Kaizen?

Hindi ka naman ganito before. Nagmawala talaga at sa di sinasadyang nasipa ko si Orange at nahulog sa sahig. Shit!

" Ay sorry baby ko." Binuhat ko siya at napaupo ako sa gulat nang nasa harapan ko na si Kaizen. Napalunok ako nang makita ang nakatambad niyang katawan.

" You hurt our baby!" Inis niyang sabi at kinuha si Orange sa akin. What?!

" Huy!" Pilit kong kinukuha si Orange nang dumadampi ang mukha ko sa dibdib niya. " Ano ba, akin yan eh."

" Sa atin ito!" Tinaas niya si Orange at tumambad sa akin ang mabuhok niyang kili-kili. Sinasadya niya ba to?

" Saka, sinipa mo siya." Napaismid nalang ako at lumayo sa kanya.

" Tch. Hindi ko naman sinasadya." Para akong bata sa ginagawa ko. Nakita ko siyang ngumiti pero agad niyang inalis ng napansin ko.

" Kahit na. Akin muna siya. Matulog ka na, pinagpapawisan ka na dahil sa pinaggagawa mo." Hinawakan ko naman ang mukha ko at totoo nga. Shit! Ang oily ko na.

Ano bang nangyayari sakin hindi naman ako ganito dati. Namalayan ko nalang na wala na sila. Wala na, wala na akong magagawa.

Padabog akong sinara ang pinto at pinilit na makatulog.




" Pasabog ka te, anong nangyari sayo?" Tanong ni Risca. Paano ba naman napuyat ako kagabi dahil kay Kaizen.

Halos maiyak ako dahil sabog ako today. Puyat na puyat ako dalawang oras lang tulog ko.

" Napuyat ako te," sagot ko na lamang. Maya-maya pa ay pumasok na si sir Sandy.

" Class, before our examination this week. May tagisan ng talino na magaganap outside the campus. Si Kaizen ang napili bilang representative at kanina kinausap niya ako..." Nahinto siya at sakto nagtama ang mga mata namin. " Humingi siya ng favor kung pwede raw turuan siya ni mister Merendez."

Lahat ng estudyante ay sa akin nakatingin. Hindi ko inaasahan ang mga nangyayari sobrang sabog ko today.

" Te, ano daw?" Natauhan ako nang hinahantay na pala ni sir ang sagot. Sabog nga talaga. Tumango ako sa kanya.

" Mabuti, you may now excuse mister Merendez. Nasa library siya ngayon— pagbutihin mo." Tumango ako bago umalis.

Mabilis kong hinanap ang library kung saan kasi tatlo ang library dito. Hindi man lang sinabi kung saan building. Matamlay akong nakapunta sa kung saan siya nag aantay.

Nakita ko siyang nag iisip habang binabasa.  Lumapit ako sa kanya na agad niya naman pinansin.

" Ang tamlay mo." Hindi ko lang siya pinansin at naupo. Tumango tango ako sa kanya at ngumiti. Hala! Nababaliw na ata ako. " Tch! Puyat ka, ba't ka ba late na natulog kagabi?"

" Ah... Kinuha mo kasi si Orange eh." Mahinahon kong sabi.

" Teka nga, bilhan kita ng makakain sigurado akong di ka rin nag breakfast." Tumango ako sa kanya at umalis siya. Pinatong ko ang ulo ko sa mesa.

Maya-maya ay may dumating. Paglingon ko nanlalabo na paningin ko— gusto ko na talaga matulog. Hindi na kaya ng mata ko.

"........." Wala akong naintindihan sa sinabi niya kaya hinila ko ang collar niya at dinampi ang labi ko sa mga labi niya.

I remember the night. Same lips, same taste. Si Yuno ba to? Ngumiti ako at nagpatuloy lang kami sa paghahalikan.

" Gising! Naglalaway ka!" Paggising sa akin ni Kaizen na kakarating lang. Panaginip lang ba yun?

Pinunasan ko agad ang laway ko. Bwesit naman kung anong dapat hindi niya makita yun talaga nadadatnan niya.

May dala siyang burger at tea na nakalagay sa mesa. Napansin ko na may basa sa sahig.

" Nahulog yan kanina. Magalaw ka kasi." Hinayaan ko na lang siyang pinupunasan ang sahig. Napansin ko na may sugat siya sa batok.

" May sugat ka sa batok." Agad niya naman hinawakan na ikinatawa niya.

" Nasugatan lang ako kanina." Tumango lang ako. Hinawakan ko ang labi ko mukhang totoo ang halik kanina. Mukhang nandito si Yuno kanina. " Kain ka na baka kung ano pang gawin mo pag puyat ka."

Napaismid nalang ako sa pinagsasabi niya. Naku kung hindi lang ikaw— natigilan kami nang mapatingin kami sa bandang kanan ng library.

Nakatayo si Yuno. Napangiti agad ako dahil totoo nga na nandito siya. Agad naman nawala ng umalis agad ito.

Nakalimutan ko na magkagalit pa pala silang dalawa ni Kaizen.

" Wala na bang chance para magkabati kayo?" Tanong ko habang abala siya sa pagbabasa. Hindi niya ako sinagot. Hayss ano ba talagang pinagmulan ng away nila.

Sana naman masagot na lahat.


[BLHS1] We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon