Chapter 5.
Kahel
Agad ko naman siyang tinulungan at dinala siya sa clinic pagbalik namin. Kasalukuyang nagpapahinga siya dahil masakit ang kanyang paa.
" Naku, pasensya na Yuno," ani ko. Natawa siya sa sinabi ko.
" Ayos lang yun maliit na ahas naman yon saka gagaling na rin naman ako kaya wag kang mag-aalala."
Hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil nahihiya ako. Hindi ko inaasahan ang kanyang ginawa nang hawakan niya ang kamay ko.
" Para makabawi ka sakin. Ikaw na lang partner ko sa activity. Ano? G ka ba?"
Hindi ako makaimik sa sinabi niya. Nabibingi ata ako. Siya magiging partner ko?
" B-baka magalit si ma'am Eula," sabi ko.
" Don't worry, Kahel. She's my mom—ako na bahala sabihin sa kanya."
Hindi ulit ako umiik sa sinabi niya. I don't have a choice then. Nakaramdam tuloy ako ng excited na hindi ko mapaliwanag.
Lumipas ang ilang minuto ay binalak na namin na lumabas para pumunta sa tent kasi magga-gabi na naman.
Paglabas namin sa clinic ay nakita namin nakabusangot si Kaizen habang nakakibit baliktad. Lumapit sa kanya si Yuno at nakipag apiran.
" Bro, I'm fine. Oh you came for him?" Ako ata pinag uusapan nila. He didn't response.
May pinag usapan pa sila pero pinili kong lumayo dahil usapan naman nila yun. Mga ilang sandali ay bumalik si Yuno sa pwesto ko.
" Pumayag na rin si Kai kaya wala ka nang magagawa, here."
Nagulat ako nang abutan niya ako ng softdrink. " Galing kay Kai, pinapamigay sayo."
Kinuha ko naman agad at bumalik na kami sa base. Pagbalik namin ay madaming estyudyante ang nagsasaya. Para na rin kaming nag camping dahil sa bonfire sa gitna at mga nakapalibot na mga taong nakaupo sa mga outdoor chairs.
" Sayaw tayo Yuno!" Sigaw ng babae sa kanya ngunit tinanggihan niya ito. Hindi umaalis sa tabi ko si Yuno kahit kapwa kami nakaupo sa malaking kahoy.
" Oh bukas na yang kasiyahan na yan. May kwento ako para sainyo!" Sigaw naman ng isa sa mga member ng Green House Organization.
" Baka ang creepy niyan, ayoko niyan sir!" Sigaw naman ng babae kaya nagtawanan kami.
" Hindi, tungkol ito sa kwento ng pag iibigan nina kusog at tapang.."
Nagkaroon ng excitement sa paligid maski si ma'am Eula ay natulala ng magsalita si sir.
" Ayon sa paniniwala. Si Kusog ang pinakamalakas na tagapagbantay ng kalikasan. Isang gabi habang binabaybay niya ang tuyong kalupaan ng isang baryo ay nakita niya ang isang bata na nakahiga sa gitna ng lupa.."
Kaniya-kaniyang reaksyon ang mga estudyante sa paligid. Napatingin ako sa gawi ni Kaizen na kanina pa pala nakatingin sa akin. This time siya naman ang umiwas ng tingin.
" Mula noon ay naging tagapagbantay na rin niya ang bata na ang pangalan ay si Tapang. Habang lumalaki si Tapang ay hindi namalayan ni Kusog na nahuhulog na pala ang kanyang loob kay Tapang..."
Biglang nag hiyawan ang mga kababaihan sa paligid. Natahimik ng pagalitan sila ni ma'am Eula.
" Sorry. Keep going."
" Ayon na nga. Sa labing siyam na kaarawan ni tapang ay umamin si Kusog. Alam niyo kung anong nangyari?"
Biglang natahimik ang lahat ng magtaas ng kamay si Kaizen. Lahat kami ay sa kanya nakatuon ang atensyon.
" They are both died."
Lahat kami ay nadisappoint sa sinabi niya. Bitter naman niya. Tssk!
" Correct."
Mas lalo kaming nadisappoint dahil tama si sir. Si ma'am ay bumalik na sa kanyang tent sigurado akong nadisappoint din siya. Pagkatapos nun ay kaniya-kaniyang balik kami sa tent.
Nagulat ako nang nasa tabi ko sina Kaizen at Yuno.
" Ah.." naiwan akong tulala habang si Kaizen ay biglang pumasok. Ilang minuto lang ay lumabas siyang dala ang kanyang gamit.
" Sige bro goodnight" ani Yuno.
Wala akong imik na pumasok sa loob at maya-maya ay pumasok na rin siya. Paglagay niya ng mga gamit sa gilid ng tent ay halos maubusan ako ng hininga nang maghubad siya ng t-shirt.
Mabilis akong tumalikod at humiga patalikod sa kanya. Pwede na akong huminga.
" Ang init pala rito sa loob. Kahel, may pamaypay ka?" Hindi muna ako sumagot.
" A-ah w-wala," nauutal kong sagot.
" A-ahh!"
Bigla akong napabangon ng marinig siyang umaray. Nang tignan ko siya ay bumungad sa akin ang katawan niyang medyo pinagpapawisan, batak ang six packs abs niya, at ang ganda ng hubog ng katawan niya. Nakangiti siya sa akin kaya agad akong lumiko ng tingin.
" Kidding, hindi ka kasi tumitingin sa akin e."
" A-ah. I need to get some air right now." Mabilis akong tumakbo papalabas dahil hindi ko na kinakaya sa loob.
Grabe namang bungad yan!
" Ahhh!" Bulalas ko nang mapatid ako. Nakasubsob ako sa lupa dahilan para masugatan ang siko at tuhod ko.
Mabilis akong kumaripas ng takbo para maupo sa kahoy. Nanginginig ako habang dahan-dahang hinahawakan ang mga sugat ko.
Halos mapatalon ako ng may humagis na kung ano sa harap ko. Pagtingin ko ay may cotton buds, alcohol, at band aid. Napatingin ako sa paligid ngunit wala akong nakikitang tao.
" Sino naman kaya yun?" Mahina kong sabi.
" Oh you're here lang pala." Nagulat ako ng bumungad sa harap ko si Yuno.
" Ah oo," ani ko.
" You're bleeding!" Nagulat siya kaya bigla niya akong binuhat at binalik sa tent.
Hindi ko maiwasan na humanga sa kanya. Nakatingin lang ako sa kanya habang hawak ang kanyang dibdib. Hindi ko pala alam na naka shirtless pala siya.
Pagkababa ay agad niyang kinuha ang hawak ko.
" Bigay sayo ni Kaizen?" Tumango ako sa sinabi niya. Hindi ko alam pero tulala ako sa kanya.
Ilang saglit lang ay ginamot niya ang mga sugat ko. Masakit pero kaya kong tiisin dahil nandiyan siya.
" Huwag ka kasing lalabas kapag gabi ayan tuloy nagkasugat ka. Masisira niyang porselana mong kutis." Para siyang nagsesermon na hindi ko mapaliwanag.
Habang ginagamot niya ako ay kitang-kita ko sa kanyang mga mukha ang pag aalala. Hindi ko maiwasang mapangiti.
Namalayan ko na lang sarili ko na nakayakap sa kanya. I just freaking hug him out of nowhere. Ang kapal mo Kahel!
I think I'm in-love with him.