Chapter 13.
Kahel
" Huh?" Nagtatakang sabi ni Yuno. Nakakahiya!
" Ah wala nevermind." Saad ko bago tumakbo papasok sa loob. Agad ko naman sinapak ang mukha ko. " Ano bang pinagsasabi mo, Kahel."
Nang makapasok na ako sa loob ay halos mapatalon ako dahil nakaupo si Kaizen sa sofa habang nanonood ng TV. Nang mapansin na nandito na ako ay agad naman niyang pinatay ito." Kamusta ang confession?" Rinig kong sabi niya habang nakatingin siya sa akin. Nagkibit balikat lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
For me, it's a heartbreak.
Matatapos na naman ang araw ko at habang tumatagal ay hindi ko na alam kung anong mangyayari sa susunod. Pagkatapos kong magdasal ay natulog na ako.
Alas sais ng umaga ay nasa school na ako dahil maaga akong nagising. Hindi rin kasi ako sanay na tumambay lang sa bahay at malapit na ang examination namin siguro after the ball.
Napadpad ako sa isang art room. Ang ganda ng loob nito. Ang kagandahan kasi sa Guilavon ay may araw para mahasa ang mga talents ng mga estyudyante.
It's free registration para makapasok at ni isa dun ay wala akong nakuha. Gusto ko sana sa cooking class kaso nahuli na ako mag register.
Lalagpas na sana ako sa art room ng mapansin kong may tao pala. Nang huminto ako ay nagulat ako sa nakita ko.
It's Samantha kissing someone. Nakatalikod ang lalaki sa gawi ko at kitang-kita ko ang kakatihan ni Samantha kung pano sila maghalikan ng lalaki.
Hindi ko na lang pinansin at dumiretso na. Natumba ko pa ang trash bin sa sobrang bilis ng lakad ko.
Habang tumatakbo ang oras ay dumarami na rin ang mga estudyante. Saktong eight ang simula ng klase kaya may twelve minutes pa naman ako para pumunta sa library.
Feeling mo naman katalinuhan para mag library. Gusto ko lang kasi maglibot kasi ang ganda lang ng loob plus tumambay ka pa tapos matulog— oh di ba sulit.
Habang naglalakad ako kunwari tumitingin sa mga libro ay biglang may humila sa buhok ko. Medyo mahaba ang buhok dahil wala pa akong gupit. Natumba ako at pag tingala ko nakita ko ang nanggagalaiting si Samantha.
Tatayo pa sana ako nang sipain niya ako sa likod dahilan para masubsob ako sa sahig. Hindi ako maka aray dahil bawal ang maingay sa loob ayoko pa naman ang maging papansin.
" Ano ba!" Pasigaw kong sabi at hindi ko natigilan na pandilatan siya ng mata.
Hindi pa siya nagsawa ay pinagbabato niya ng mga libro. Sa sobrang sakit na nararamdaman ko ay nagawa ko siyang itulak.
Ang ending ay natumba siya at siya pa talaga ang naiyak.
" You pushed me! You're attempting to kill me!" Sigaw niya habang umiiyak.
" Ang kapal naman ng mukha mo para sabihin yan. Story maker ka?" Inis kong sabi bago umalis sa harap niya.
Nang daanan ko siya ay hinawakan niya ang paa ko dahilan para mapakapit ako sa bookshelves. Sa sobrang kapit ay na out of balance ito at natumba kasama ako.
—
Kasalukuyang nasa principal office kami. Nakakaawa nga ako dahil sa kwento niya ako ang masama. Malamang kwento niya yan e. Kasalukuyang si sir Sandy ang nagbabantay dahil wala si Auntie Eula.