Chapter 12.
Kahel
Nagising ako at bumangon mula sa kama. Ang sarap ng tulog ko. It feels like I'm in heaven. Natigilan ako ng may naalala ako. Oh my... Nangyari ba talaga yun kagabi?
" Oh my-" bumalikwas ako at tumakbo pababa ng bahay. Ano bang nangyari sa akin kagabi. Panaginip ba ang lahat ng iyon?
" Oh, you're awake." Nakita ko si Kaizen habang naghahanda ng breakfast. Marunong pala siya mag luto.
" Ah yes! Pumunta ba rito si Yuno kagabi?" Bigla kong tanong. Sana oo.. please.
" Sabi ni yaya oo. Actually buhat buhat ka niya kagabi kwento sa akin ni yaya." Sagot niya at nagpatuloy sa pag aasikaso ng breakfast.
Hindi ko naman napigilan mapangiti dahil totoo nga ang nangyari kagabi. Just freaking we have loving loving last night. Hindi ko mapigilang bahagyang lumundag ng kunti na agad naman napansin ni Kaizen.
" Ang saya mo ha. Did you two kiss last night?" Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko siya sinagot at naupo na ako para kumain.
" Angas ah, uupo ka nalang para kumain."
Sinamaan ko siya ng tingin. " As if tutulungan pa kita." Pinabayaan ko na lang siya at kumain nalang ako.
Hindi ko inexpect na masarap siya mag luto. Hindi ko nga inakala na naubos ko pala ang isang dish na niluto niya. I saw him smile genuinely.
" You like it." He said with a smile. Ngumiti nalang ako kasi totoo naman talaga na nagustuhan ko.
" Oo na. Ikaw na lang magluto ng breakfast, lunch, saka dinner." Sarkastikong sabi ko. Narinig ko ang pag tawa niya.
" You're making utos to me huh?" Kumunot naman noo ko sa narinig. Bakit ang cute ng dating ng pagkakasabi niyang yun?
" Edi wag." Mabilisan kong tugon. Napailing nalang siya bago nagpatuloy sa pagkain.
Matapos ang breakfast ay magkahiwalay kaming pumunta ng school. Alam niyo naman baka ma issue.
Pagdating ko roon ay isang tao lang hinahanap ko yun ay si Yuno. Bigo ko siya nakita sa corridor kaya dumeretso nalang ako sa room.
Pagpasok ko pa lang ay sumalubong sa akin ang maingay kong kaibigan na si Risca. " Kamusta na bestie." Nakangiti niyang sabi habang nakapulupot sakin.
" Ayos naman ako. Wala pa ba si ma'am?" Sabi ko at naupo na.
" Wala pa, kanina pa e. Kung pumasok na yun tiyak late ka na naman." Saad ni Risca.
Natigilan ang lahat nang may biglang pumasok. Hindi ako makagalaw ng si Yuno pala ito. Ang gwapo niya lalo.
Nagtagpo ang mga mata namin at sa sandaling iyon ay ngumiti siya. Bigla naman akong namula dahil naalala ko na naman ang nangyari kagabi.
Sure enough siya ang naka loving loving ko kagabi. The kiss, touch, and love-
" Tumutulo na laway mo te." Nagulat ako sa sinabi ni Risca. Totoo nga, agad kong pinunas ang laway na kanina pa pala tumutulo.
" My mom is not here for today kaya ako ang in-charge para sabihin at ipaalam sa inyo na ang lahat ay ine-encourage namin na dumalo sa Guilavon Night Ball..."
Lahat naman ay natuwa lalo na si Risca na lumulundag sa saya. Minsanan lang ito sa buhay kaya maski ako ay sasaya.
" Hindi namin kayo pinipilit pero gusto lang namin na maranasan niyo ang ganitong okasyon. Sana magkita-kita tayo sa Sabado alas otso ng gabi."
Matapos ng anunsyo ay agad naman siyang umalis. Nakakahinayang dahil sandali ko lang siya nakita. I think I need to do something para magkausap kami.
Break time at mag-isa lang ako sa classroom nang biglang tumawag sina Mama.
" Oh ma, kamusta na po?"
" Anak siguro next week papunta na kami diyan ng kapatid mo."
" Magandang balita yan ma. Sana makapunta kayo tiyak matutuwa si tita Malet niyan."
" Oo nak, maski ang kapatid mo ay excited na rin e. Nabalitaan niya nga na pogi daw anak ni tita mo. Si ano ba yun? Si-"
" Kaizen po ba ma."
" Oo siya nga. Nagkita na kayo?"
" Opo."
" Naalala mo kuya siya yung hina-" biglang naputol ang linya ng sumingit sa usapan si Geo.
Pangalawang beses ng napuputol kapag si Geo na ang nagsasalita. May tinatago ba sa akin si mama?
Nang tinago ang cellphone ko sa bag ay halos mapatalon ako dahil nasa harapan ko si Yuno. Nakangiti siya ngayon habang may dalang pagkain.
" Nagulat ba kita?" Nakangiti niyang sabi. " Pasensya na."
" H-ha! H-hindi hindi ayos lang," nauutal kong sagot. Naupo siya sa arm chair na nasa harap ko.
" Gusto ko lang bumawi kasi hindi natuloy dinner natin last time."
" Ano ka ba ayos lang. Nagpapasalamat nga pala ako dahil dinala mo ako sa bahay kagabi," nakangiti kong sabi.
" A-ahh oo you're welcome."
Masaya naming pinagsaluhan ang pagkaing dala niya. Sobrang saya ko dahil parang nag date na rin kami. Parang ako na ang pinakaswerteng tao sa mundo.
Matapos ang ala date namin ay nag patuloy ang buong araw ko sa pag aaral. Uwian na at inaya niya akong sabay na kami uuwi. Kasalukuyang nasa kotse niya kami.
Habang nakasakay ako sa front seat ay kinakabahan ako. Baka kasi ilang sandali lang ay may mangyari e, hindi pa naman ako ready.
" Kahel." Halos hindi ako huminga ng lumapit ang mukha niya sa mukha ko. This is it! " Mag seatbelt ka para safe."
Napabuntong hininga ako ng mapagtanto na assuming lang ako but he's a gentleman kasi naisip niya safety ko.
" Okay, let's go?" Tumango ako. Napansin ko na may pumasok sa loob. Pagtingin ko ay laking gulat ko na si Kaizen ito.
" What?" Tanong ni Kaizen na inirapan ko lang. Bwesit naman moment na namin to e.
" Bro musta?" Tanong ni Yuno. Nag thumb sign lang siya at umayos ng upo.
" Bakit natin kasama yan?" Tanong ko sa lalaking nag d-drive. Saglit siya tumingin sakin at bumalik din sa pag mamaneho.
" Di ba same house kayo? He ask me a favor na makikisabay siya."
Napatango nalang ako at sumandal na lang. Bwisit na tuloy araw ko. Pasimpleng sinulyap ko siya sa rear mirror nang nakatingin din pala siya doon.
Agad ako umiwas ng tingin ng ngumiti siya. Grr! Minamalas nga naman. Mga ilang minutong pagmamaneho ay narating na namin ang bahay.
Nauna ng pumasok sa loob si Kaizen. " Salamat Yuno." Sabi ko at niyakap siya. Pagkakalas ay nagkaroon ako ng lakas loob na tanungin ang tungkol kagabi.
" Anytime Kahel." Sumakay na siya sa kotse at kumaway. Aalis na sana siya ng tinawag ko siya.
" Yuno," tawag ko. Nakatingin lang siya sa akin at naghahantay ng susunod kung sasabihin.
" I like u too."