[24]

239 5 2
                                    

Chapter 24.

Kaizen




Kakatapos ko lang mag aral para sa paparating na tagisan ng talino. Mabuti nga nasingit ko pa si Orange. I want him by my side.

" Una na ako." Tumango ako sa kanya. Tinignan ko lang siya habang naglalakad siya papalabas.

Nang matapos ko nang maglipit. I didn't hesitate to find him sa classroom pero bigo ako na mahanap siya. I try look at him sa ibat-ibang parte ng campus but I failed.

Napaupo ako sa bench nang tumabi sa akin si Samantha.

" Hi Kaizen." Nakangiti siya sa akin. Hinawakan niya ang balikat ko na agad kong inalis.

" Don't touch me, malandi," diin kong sabi. Natawa siya sakin sabay irap.

" Come on. It's just a prank for Kahel! Why are so angry? You mean —" hinawakan ko ang kamay niya dahilan para mapaaray siya. " Stop it! You're hurting me!"

" If anything bad happen to Orange. I'll sue both of you!" Hindi ko na napigilan ang galit sa kanila.

Yes, they just pranking Orange. First pahuhulugin ni Yuno sa kanya si Orange then sasaktan niya. It was her idea since day one.

Wala man lang ako nagawa noon para balaan siya pero ngayon babawi ako sa kanya.

" Come on! Kaizen, kasali ka rin sa prank na to di ba? Anong sabi mo sa amin noon? Mas pinapansin siya ng mommy mo compare sayo." Humalakhak siya na nagparindi sa akin. I admit I said it, akala ko kasi ganun ang tingin ni mommy pero hindi pala.

" Stop this bullshit, Samantha. Hindi niyo alam kung gaano kasakit ang ginagawa niyo sa kanya." Natawa siya ulit sa sinabi ko. Crazy brat!

" Huwag mong sabihin nahulog ka na sa baklang yun?" Bahagyang natatawa siya at pinipindot ang balikat ko. " Habul lang niya yung alaga mo."

That's enough! Umalis ako at tinungo ang classroom niya baka sakaling nandoon siya pero bigo ako. Kinuha ko ang bag niya at nagdrive para umuwi.

Pinuntahan ko ang park kung saan doon siya nagtatambay ngunit wala siya. Maggagabi na pero wala pa siya. Naisipan ko na puntahan siya kahit labag sa loob ko dahil siya lang naman ang kaisa-isang boyfriend niya.

Pagparada ko ng kotse ay agad akong bumaba. Sakto ay lumabas ang gago at inambahan niya ako ng suntok.

" Ang kapal mo pumunta rito after mo akong siraan kay Kahel?" Hindi ako nagdalawang isip na suntukin siya.

" You're hurting him! He's mine! He's my childhood sweetheart!" Bulyaw ko sa kanya. I know it's him from the very start, after I met him again— I know he's the guy that I promised to be my love of my life.

" But he fell in-love with me first." Ngumisi siya sa akin na nakakaloko." Gagawin ko ang lahat para maisip niya na ako ang minahal niya noon."

Sa sobrang galit ko ay nakipagsuntukan ako sa kanya. Magka black eye na basta makabawi ako sainyo. Sinunod lang kita dahil akala ko nagbago ka na.

" You're just faking yourself!" Sigaw ko nang matapos kami. May dugo na ang bibig ko. Kumurbada ang kanyang labi sa isang ngisi.

" Because of you, my mom is always upset on me. She's damn favor on you!" Duro niya sa akin at sinipa ako mabuti na lang nakailag ako. " She's always mad at me in just little things because she's keeping mentioning you na dapat gayahin kita!"

Hingal hingal akong tumayo at inambahan siya ng suntok. " It's not my fault if you're being grounded. Hindi ko kasalanan kung basura ang ugali mo."

" Stop it! Gosh ang lalaki niyo na!" Pinigilan kami ni Samantha. Habang abala siya sa gagong iyon ay sumakay na ako ng kotse.

Gabi na at dami ng eksenang nangyari. Pag-uwi ko sa bahay sobrang tahimik. For the first time I'll doing this. Hindi dahil sayo Orange, because of my bullshit.

Wala akong ginawa. Nawala ang ala-ala mo dahil sa akin, nawala ako sa ala-ala mo, ngayon mawawala ka sa piling ko. Ayokong mangyari yun.

Kumuha ako ng beer at isang lagok lang yun mula sa bote. Hindi ko alam kung nahihilo ba ako o epekto ito ng alak. Lasing na ata ako.

Naramdaman ko na lang na sumalpak ako sa sahig dahilan para mawalan ako ng malay. Damn it! Sorry Kahel..




Hindi excuse na magpakalasing ako para hindi hanapin si Kahel. Masakit ang ulo ko, minulat ko ang mga mata ko.

Nasa ospital nga ako. Paglingon ko he's beside me sleeping. Dahan-dahan kong hinawakan ang ulo niya sanhi para magising ako.

" Jusko ka Kaizen anong naisip mo bakit ka naglasing?" Nag aalalang sambit ni Orange. Napangiti tuloy ako sa akto niya. " Tapos ngingiti ngiti ka pa diyan. Tignan mo nga ulo mo dumugo sa katangahan mo!"

Para talaga siyang batang mag sermon. Gaya nung pumitas ako ng orchids para sa kanya. Halos maiyak nga ako dahil pinagalitan niya ako mabuti nalang binawi niya.

" I'm so sorry," sabi ko. Ngumiti siya at hinawakan ang tiyan ko.

" Aray!" Bulalas ko nang hinampas niya ang tiyan ko. Mabuti nalang hindi masyadong masakit kasi may abs ako. " What was that for?"

" Papansin ka kasi! Ayan na cancel tuloy laban mo sa katangahan mo." Nakabusangot niyang sabi. Napaismid nalang ako.

" Okay lang, nandiyan ka naman." Tinaasan niya lang ako ng kilay. He's cute. " Nasaan ba ako?"

" Nasa ospital ka ng kaibigan mo, yung Azrael." Tumango tango naman ako. Mabuti naman. " Mabuti na lang hindi naka lock ang phone mo kaya natawagan ko siya."

" What?!" Agad akong bumalikwas sa sinabi niya. He opened my phone? Damn my wallpaper.. is him.

" OA mo naman, contacts lang pinakialaman ko. Paki ko sa mga bold mong tinatago sa gallery." Halos kabahan ako sa sasabihin niya. Ngunit masakit dahil hindi niya maalala na kami yun dalawa. It was our picture together —may frame pa nga kami nun.

" I don't need to hide bold or anything. If we can do that here." Ngumiti ako sa kanya. Ang saya lang asarin siya.

" Huy! Kahit english yun medyo naintindihan ko." Natatawa niyang sabi. Maski ako natawa.

Sigurado na ako sa kanya. Gagawin ko ang lahat para hindi mapasakanya si Yuno.







[BLHS1] We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon