Chapter 9.
Kahel
" Ang aga niyo ho naman magising sir." Rinig kong sabi ni yaya Luren habang naghahanda ng agahan.
" May pasok po di ba?" Sabi ko nang natigilan siya.
" Siguro sobrang pagod ho kayo kahapon kaya nakalimutan niyo na sabado ngayon."
Ayy!
Bwesit! Oo nga pala.
" Oo nga pala." Sabi ko habang naglalakad papunta sa hapag kainan. Pagkatapos kong maupo ay nag serve na siya ng makakain ko.
" Ayos lang yun sir. Kain ka na diyan."
" Wala pa po so tita Malet?" Tanong ko at umiling siya. Hayss baka matagalan pa siya rito.
" Boring naman dito. Wala man lang gagawin." Sambit ko habang kumakain. For the first time I heard she laughed.
" Parehong pareho talaga kayo ng bata noong pumunta rito."
" May pumunta ritong bata?" Tanong ko na tumango naman siya.
" Anak ng dating kasambahay ni mam. Dala niya yung batang babae sabi niya napulot niya iyon sa basurahan kaya niya inampon."
Bigla akong nalungkot. Bakit naman niya tinapon ang bata ng ganun nalang? Sana hindi nalang nila ginawa ang bata.
Natapos ang pagkain at wala talaga akong magawa kaya napag-isipan kong maligo sa swimming pool.
" Uhm para po saan yan?" Tanong ko kay yaya Luren. Nagplaplantsa siya ng bed sheets.
" Ah kay sir po ito. Mamaya darating na yun dito. Sakto mga kasing edad mo rin siya. Magiging close kayo nun."
Hindi ko na lang pinansin si yaya at nagpatuloy lang ako sa paglalangoy. Habang sumisisid ako sa ilalim ay naaalala ko ang mukha niya. His lips, his eyes, his smile-his whole face. Hindi ko pa rin makalimutan.
" Tuwalya nga po," sambit ko kay yaya Luren at kumuha naman siya agad at binigay sa akin.
Pagkabihis ko ay naupo ako sa may terrace at nag scroll sa social media. Unang bungad pa lang ay siya na agad ang nakita ko kasama si Samantha. They are so happy, I'm happy for them. I hope they still together.
Ang hirap magmahal ng kapwa lalaki.
Ilang sandali lang ay nag message si Geo. ' Kuya baka next week pupunta na kami diyan ni mama. Ah! I'm excited!'
' Ako rin, miss ko na kayo.' replied ko.
Umabot ang hapon nang magpaalam ako kay yaya na lalabas ako dahil sobra na talaga ang pagka boredom ko.
Naglakad lang ako dala ang payong dahil mainit sa labas. Habang naglalakad ay napansin ko ang kotse ni Kaizen. Nakahinto ito sa isang bakery shop.
Balak ko sanang lapitan kaso naisip ko kung bakit ako lalapit sa kanya. Kaya pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad.
Mga ilang minuto ang nilakad ko ng makarating ako sa isang park. Sobrang daming bata at kasama ang kanilang mga magulang. Ang saya lang kasi ang saya nilang tumatakbo. Sakto dahil hindi mainit ang paligid dahil sa mga puno na nakapaligid sa lugar.
Naupo ako sa isang bench at pinagmasdan ang mga batang naghahabulan. Para lang kami noon ni Geo nung dinala kami nina mama sa parke. Kaya ang parke ang isa sa mga paborito kong lugar dahil sa ala-alang iyon.
