Chapter 20.
Kahel
Nilapitan ko sila at pinigilan si Kaizen. " Sorry bro, nadulas ako eh."
Tinayo ko si Yuno na may dugo sa bibig. Paglingon ko kay Kaizen ay sumakay na ito sa kotse at iniwan kami.
" Ayos ka lang? Masakit ba?" Umiling siya at niyakap niya ako.
" I'm sorry talaga babe. I'll explain." Nakayakap ako sa kanya. Napabuntong hininga na lang ako.
" Okay lang babe," ani ko.
" Basta sumama ka muna sakin."
" Saan naman tayo pupunta?"
" Sa condo ko. Doon ka muna please. I'll explain there." Tumango ako sa sinabi niya. Dinala niya ako sa kanyang kotse at mag-isa akong sumakay sa front seat.
Nag aalala ako sa kanya. Mukhang may dinadamdam siya. Pagsakay ko ay nagsimula na siyang magmaneho.
" Fuck you bro!" Mahinang sambit niya sapat para marinig ko. Para kay Kaizen ang sinasabi niya.
Hinawakan ko ang kamay niya at napalingon siya sa akin. Bakas sa mukha niya ang galit. Pinakitaan ko siya ng mukhang dapat huwag siyang mag alala.
" I'll sue him."
" Please, huwag na kayo mag away."
" No! Bigla niya nalang ako sinuntok! Huwag ka ng lumapit sa kanya." Nagulat ako nang sigawan niya ako.
" Pero sa bahay nila ako nakatira," mahina kong sabi.
" Ade sa staycation ko muna ikaw tumira. Humanda siya sa akin." Natahimik ako sa sinabi niya.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Paano ko sasabihin kay tita na sa condo ako ni Yuno ako titira.
" Pero magagalit si ti—"
" Fuck that!" Halos mapapikit ako sa sigaw niya. "Kung gusto mo kay Kaizen ade doon ka na!"
" H-hindi naman pero—"
" Stop! Kahel! Do you love me!? Then be with me. Sundin mo ko!"
Hindi na lang ako umimik sa sinabi niya. Para akong nabingi sa sigaw niya. Hindi ko alam na may ganitong side si Yuno.
Halos mauntog ako sa lakas ng huminto siya. Kusa na lang ako bumaba at tumambad sa akin ang staycation niya. Mas nagulat ako nang hilahin niya ako at sobrang sakit dahil madiin ang pagkakahawak niya sa akin.
" Nasasaktan ako," sambit ko.
" Huwag kang lalapit sa gagong yun! Ako ang boyfriend mo!" Sigaw niya nang makapasok na kami sa living room.
" Bakit ka ba nagkakaganyan? Sinuntok ka lang ganyan ka na?" Saad ko. Nanlaki ang mga mata ko ng hinawakan niya ang balikat ko at inumpog sa pader.
Medyo napa aray ako. Ngayon ay magkalapit ang mukha namin. Nakakatakot siya— si Yuno pa ba to?
Napansin ko rin na amoy alak siya. He's drunk!
![[BLHS1] We Met Again](https://img.wattpad.com/cover/329388709-64-k402536.jpg)