Prologue

627 2 0
                                    

Ang hinlalaki, hintuturo, at hinliliit ang nagsisilbing indikasyon na mahal mo ang isang tao.

Sa sign language, para iparamdam mo na mahal mo siya ay kailangan mo lang itaas ang tatlong parte ng daliri na nasabi ko at agad na nila iyong maiintindihan.

"I love you, mama, papa! Ingat, ah!" sabi ko kahit hindi naman nila iyon maririnig.

Ginaya lang nila ang ginawa ko at may bonus pang ngiti. It would always make my heart melt, seeing their genuine smile even before going to a very tough work.

Tuwing Sabado, sumasabay ang magulang ko para dalhin ang mga tinda naming isda sa palengke ng bayan. Madaling araw palang, pumapalaot na sila para mas mabilis na makarating doon.

Mangingisda ang magulang ko at may maliit kaming business kung saan nagbebenta kami ng mga isda na nahuhuli din nila. Ako ang nagtitimpla no'n at nagbibilad sa araw kaya tuwing uwian ay diretso bahay ang uwi ko.

Nang makaalis ang bangkang sinasakyan nila ay lihim akong napangiti. Ngayong wala na sila sa paningin ko ay magagawa ko na ang isa ko pang hilig.

Luminga-linga ako sa paligid at nang makitang wala nang ibang tao ay agad kong tinakbo ang buhanginan papunta roon sa bangka ko. It's a small boat that my parents gifted me when I turned 14.

Tinanggal ko ang pagkakatali ng bangka ko at inilapag sa loob no'n ang lampara na tanging nagsisilbing liwanag ko sa madalim na gabi. I was only wearing my plain white dress dahil nagthirst trap pa ako kanina, dejoke lang. I was wearing my dress because I took some pictures that I uploaded on Instagram.

Hindi ko na alintana kung mabasa man ang ilalim ng dress ko. Lumusong na ako sa dagat at agad na nabasa ang puti kong bestida. Nang umakyat sa tuhod ang lalim ng malamig na dagat ay sumampa na rin ako sa bangka ko.

"Finally." I sighed in relief.

Kusa ko lang pinaandar ang bangka. Ayaw ko namang mapalayo at baka dambahin pa ako ng mga naglalakihang mga isda rito. I just want to enjoy the calmness of the sea, the gentle breeze of the dawn, the sight of the stars that twinkle above my head, and the beauty of my home, Palawan.

I sat down as my head looked up to see the stars. Nagkikislapan ang mga ito na animo'y buhay na buhay para magbigay ng liwanag. Ang ganda namang pagmasdan ng mga tala sa kalangitan. Hindi mo iisiping nag collapse na sila. Parang g na g kumislap, eh.

Kinuha ko ang hawak ko kaninang notebook. Listahan ito ng mga salitang kaya nang sabihin ni mama. My mother is deaf and my father is mute. Malaking bagay sa akin tuwing sinusubukan ni mama ang magsalita. Palagi ko siyang tinuturuan dahil gusto niya raw matuto. Minsan lang, pinipigilan ko ang pag-iyak dahil nakakaproud kapag nakakaya niyang bigkasin ang mga salitang tinuturo ko.

"Tala."

Hilig ko ang tingalain at pagmasdan ang mga ito. Para kasi sa'kin, ang comforting kapag nakatingin ka sa kalangitan habang madilim ang paligid mo at walang tao sa paligid mo.

Sabi nila, therapeutic daw ito. Naniniwala ako roon. Mabigat ang bawat araw dahil sa trabaho at eskwela. Pero tuwing napagmamasdan ko ang kalangitan tuwing sumasapit ang gabi, at naririnig ko ang bawat paghampas ng alon sa bangka ko, at ang mga huni ng munting ibon na lumilipad sa paligid ko, pakiramdam ko nakapagpahinga na ako.

"Hirap mo nga lang abutin, ang taas mo masyado." I joked to myself while talking to the stars.

Somehow, there's a part in me where I would want to believe in fairytales, or fantasies. Minsan, naiisip ko paano kaya kung sumagot 'to sa'kin at kausapin din ako pabalik, pero alam kong imposible talaga 'yon.

At a young age, namulat na ako sa realidad ng buhay. Parang thug life lang ang galawan. Gano'n.

Hindi naman kami naghihirap pero hindi ko kayang makita na nagtatrabaho ang mga magulang ko at ako, nag-aaral lang. It was my choice to work. Wala naman akong pinagsisihan. Although, it's true that a part of my childhood is missing. And that is to dream.

Among the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon