DUMATING ang Sabado at maaga akong lumuwas papunta sa bayan. Medyo malayo kasi ang bayan sa amin dahil dulo pa kami kaya inabot ako ng halos 40 minutes. Mabuti nalang at mainit dahil summer na kaya hindi ako namomroblema sa ulan.
Nagchat ako kay Dion at nag-update. Ang sabi niya, susunod siya para ihatid ako pauwi dahil nangako siya kay Jake na maglalaro sila ng basketball. Kaya ako lang ang mag-isang pumunta rito.
The wet market was filled with busy people and the hustling sounds of work and fishes. Ito ang pinakamalaking wet market sa buong Palawan kaya kung hindi ka sanay, maliligaw ka rito. Matagal na noong huli kong pinuntahan ang palengke sa bayan dahil noong Grade 11 ako, naging busy ako sa dami ng pinapagawa sa amin at tumigil din panandalian ang negosyo sa palengke nang mawala ang papa ko.
Ah, just thinking of it makes me feel melancholic.
Sinuyod ko ang kalooban ng magulong palengke. Ang ingay ng mga tao at magulong kapaligiran ang nagpapabuhay ng loob ko. Naiimagine ko kasi ang Maynila. Alam kong ganito rin kaabala ang mga tao roon, kahit sa ganitong paraan ay puwede kong maranasan ang magulong buhay sa Hilaga, at maramdaman ang hustle and busy life ng mga tao na siyang pinapangarap kong isabuhay.
Pagdating ko naman sa pwesto namin sa palengke ay sinalubong ako ng mga tindera na inilipat ko. Tipid ko silang binigyan ng ngiti at kinumusta. Si mama ay naroon sa may kaduluhan at may inaasikasong customer.
"Suki, bili ka na!"
"Ma'am Ayah, swerte ho talaga ata tayo ngayong buwan. Ang lakas ng kita. Hindi tayo kinukulang sa isda." ani sa akin ng isang tindera, si ate Berna.
"Pumapalaot pa po kaya sina kuya Homer sa timog?" kuryoso kong tanong.
"Naku, Ma'am...restricted zone na ata 'yon. Sa Shamya's raw ang lugar na 'yon. Sayang nga, malapit na ang June, lobster season pa naman."
I gritted my teeth before looking away. Hindi talaga nagpapaawat ang corporation na 'yon. Ang tapang-tapang nila, palibhasa malakas ang backer. Ano kayang napag-usapan nila ng Mayor?
"Ma'am, 'wag na tayong mangielam sa kanila. Balita ko, iyong puwesto sa may kaduluhan pinasara dahil nagreklamo sa Shamya's." sabi naman ni ate Laura.
Aaminin ko, nakakaramdam ako ng takot sa corporation na 'yon. Even if I still have so many questions, there is a small urge inside me that wants to avenge the death of my father. Pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko rin alam kung saan ako kukuha ng lakas.
Ang Shamya's Corporation ay isang malaking fishing industry na nagsosort out ng iba't-ibang seafoods at kanila itong ine-export sa Hilaga at sa malalapit na bansa katulad na lamang ng Vietnam, Malaysia, at Thailand. Ang sabi nila, malaki ang naitulong nila sa aquaculture ng Palawan at tumaas din daw ang revenue ng halos lahat ng maliliit na business dito dahil sa kanila.
Pero sapat ba iyon para angkinin nila ang hindi naman nila pag-aari?
Nakakainis sa pakiramdam na ganito ang madalas gawin ng mga tao sa ngayon. Tutulong sila at isusumbat nila sa iyo ang tulong na binigay nila sa oras na maramdaman nilang hindi ka umaayon sa kanila, o hindi mo sila sinusunod.
I refuse to be like them, though. Kung hahayaan nilang matapalan ang mga bibig nila, ako hindi.
Pinagpatuloy ko nalang ang trabaho ko sa buong hapon na 'yon. To be honest, everything was heavy because I am not enjoying my job. Parang palaging labag sa loob ang mga ginagawa ko at napipilitan lang para mabuhay. Si papa nalang ang iniisip ko dahil mahal na mahal niya ang negosyo namin. Pero kung ako ang tatanungin, heller hindi ako magtitinda dahil hindi naman ito ang hilig ko.
BINABASA MO ANG
Among the Stars
عاطفية"For my part I know nothing with any certainty, but the sight of the stars makes me dream." - Vincent Van Gogh Most people believe that our fate is written in the stars and that when you meet someone, it is predetermined. It is destiny. But not all...