"VALENTINE's Day na next week. Anong plano mo?"
Pagpasok na pagpasok ko palang sa room ay iyon agad ang ibinungad sa akin ng mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung sinasadya nila iyon para iparinig kay Dion dahil ang lakas ng boses ni Janna, pero hindi ko naman nakitang lumingon si Dion. Di 'wag!
"Mag-aaral."
"Wow, bago 'yan ah?" Tiffany chuckled. I glared at her.
"Ikaw? Mag-aaral? Sa Valentine's Day? I don't think so." she defended herself before shrugging.
"Bakit? Masamang mag-aral? Maghahabol ako ng lessons dahil slow learner ako, gaga ka."
Umupo na ako sa upuan at tumungo. Those things that she said were true. Sinong gago ang mag-aaral sa Valentine's Day eh may event sa school? Giyang na giyang naman sigurong maka-with high honors 'yon kung ganoon. Isa pa, hindi naman talaga ako pala-aral. Sinong niloko ko?
Ayaw na ayaw kong mapag-usapan ang Valentine's Day dahil nabi-bitter ako. Alam ko namang wala akong makakadate sa araw na 'yon dahil sino ba naman ako? Ako lang naman 'to. Hindi naman ako importante. Sana namatay nalang ako.
I know Dion and I will never talk again. Unless...
Napabuntong hiniga ako at mas lalong diniin ang mukha sa armchair ko. Miss ko na siya. Miss ko na sila ni Gabby. It's already February and we're still going with this cold war between us. Hindi ko alam kung hinihintay lang nila akong bumalik sa kanila o tinanggap na nila ang paglayo ko. But either way, I am still disappointed that they didn't try to talk things out.
Katulad ng sinabi ko, hindi naman dapat ako ang mag-adjust para sa kanila. They should know what caused my actions because they went with her that night of the concert. Tangina, tumagal nang ganito 'yung tampo ko ah? Pero sa totoo lang, hindi naman sana tatagal kung nagtanong agad sila.
Pero hinayaan lang nila ako.
"Sure ako marami kang makukuhang chocolate kaya pa-reserve na agad ako, ah?" Tiffany nudged me. Inangat ko ang paningin at sinimangutan siya.
"Chura mo, oy. Baka mas marami ka pang makuha sa mga lalaki mo." tinulak ko siya pabalik.
Sa huli ay nagtawanan nalang din kami. Palihim kong sinusulyapan si Dion pero iniiwas ko rin dahil nakatingin din siya sa gawi ko. Kapag iniiwas ko ang paningin ko, umiiwas din siya. Tapos kapag ibabalik ko, ibabalik niya rin ang tingin at iiwas ulit. Para kaming tanga na may sariling mundong iniiwasan.
"And'yan si Ayah?"
Napalingon kami ni Tiffany nang may pumasok sa room. Nakikilala ko siya dahil kaklase niya si Skyler. And by the looks of it, alam kong mababadtrip na naman ako sa mangyayari. Putangina naman oh.
"Pinapabigay ni Skyler. Kain ka raw marami." inabot niya sa akin ang isang tupperware na palagay ko ay mga sushi. Mayroon ding inabot sa aking tubig.
I gritted my teeth secretly. Ayaw ko nang mainis si Dion! Nakonsensya ako nang matindi noong isang araw sa court. Nasaktan din ako noong nakita ko ang pagbagsak ng mga mata niya.
"Tangina, wala pang Valentine's ah?" Tiffany spoke beside me.
"Ayaw ni Ayah n'yan, pakisabi na lang." si Francine ang nagsalita, na halata namang ayaw ng babae kay Skyler para sa akin. God, I know she's a big shipper of me and Dion!
Tipid lang akong ngumiti sa kaklase ni Skyler dahil hindi ko na rin alam ang sasabihin ko. Mukhang na-gets niya naman iyon kaya tumango nalang siya at umalis dala ang pagkain na pinapabigay ng lalaki.
I puffed an air and stared at the wall. Tangina, bakit biglang lumakas ang loob ng lalaking 'yon? Kairita, puta!
"Sana tayo nalang kumain, beh. Parang ang sarap nung sushi." bulong ni Janna kay Francine.
BINABASA MO ANG
Among the Stars
Romance"For my part I know nothing with any certainty, but the sight of the stars makes me dream." - Vincent Van Gogh Most people believe that our fate is written in the stars and that when you meet someone, it is predetermined. It is destiny. But not all...