I met her under the moonlight and a thousand stars,
I matched her gaze, and my mind collapsed.
I never saw someone so dreamy, like the one in fantasy books.
She was a gift from the stars,
Because then on, she has been the subject of my poems.--------
"GUYS, may retreat tayo next week, walang aabsent, okay?" paalala ni Ma'am Reena sa amin.
Hindi ako sigurado kung makakasama ako dahil marami pa talaga akong ginagawa sa trabaho. Kung busy ako noong junior high school, mas busy ako ngayon! Tsaka puwede naman sigurong gumawa nalang ng makeup activity, kaya ko naman siguro iyon. Papatulong nalang ako kay google tsaka kay anu...
"Pre, sama ka? Tabi tayo." ani Gabby kay Dion.
Magkakasama kaming naglakad papunta sa library. It's not like it was my choice. Kailangan naming mag research dahil magkakagroup kaming tatlo. Hindi ko nga pinapansin si Dion, bukod sa naiinis ako sa papansin niyang girl bestfriend, nahihiya rin ako na tumingin at kausapin siya.
I feel like shit whenever I think about how I kissed him. Para akong gago, puta! Lasing na lasing ako noon. Nadala lang ako ng bugso ng damdamin. Alam kong hindi ko dapat ginawa 'yon dahil hindi naman kami mag bf!
"It depends." Dion just said casually. Hindi ba siya naiilang na nag kiss kami? Kainis!
"Saan na naman?"
"Sasama ka ba?" bumaling siya sa akin.
Napatigil ako sa paglalakad at saglit pang napakurap. Bigla ba naman siyang humarap sa akin!
"Ah...hindi ko pa sure. Pero baka hindi na." I looked away. Bwisit, naiilang ako!
"What she said.." Dion protruded his lips towards me.
"Naka-depende, amputa. Mas mahal mo talaga 'yan kesa sa'kin? Akala ko ba ako ang bro mo?" niyugyog niya si Dion, nagtatampo.
Dahil lang talaga kay Gabby kaya nakakaya kong harapin ngayon si Dion. Shuta, bakit ba kasi parang okay lang sa kaniya? Nahihiya kaya ako...
Nag-aasaran lang silang dalawa hanggang makarating kami ng library. Tumahimik lang din ang dalawa nang makapasok na kami. Gabby proceeded to look for our table. Ako naman at si Dion ang naghanap ng mga librong puwede naming gamitin sa mini research namin sa isang subject.
"You really won't talk to me?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang maramdaman ko siya sa likod ko. His breath touched my nape and I felt electrified by it. I could feel him lean his arm on the bookshelf, trying to corner me. Hindi ako makalingon, shuta!
"Ay..eto oh..about Filipino beliefs." I tried to sound calm. Pero ang lakas ng tibok ng puso ko at may kung anong kumukulo sa tyan ko sa sobrang kaba!
"Bakit mo ako iniiwasan? I thought we were okay.." his voice softened.
"Ha? Hindi ah...busy lang talaga."
"I can sense, Ayah. I'm not dumb."
I gasped softly when he pressed his body against me a little. His hands traveled around my waist. Mas lalong tumibok nang malakas ang puso ko. Puta, may CCTV ba sa part na 'to?
"Dion..." I muttered. Sinusubukan kong tanggalin ang kapit niya.
"I don't like it when you're avoiding me, Ayah...akala ko okay na tayo noong bagong taon?"
"O-okay naman tayo, ah...nasa isip mo lang 'yan." biro ko. Tinanggal ko ang kamay niya sa bewang ko at kinuha ang libro. Ilang na ilang ako, ni hindi ako makaharap sa kaniya.

BINABASA MO ANG
Among the Stars
Romance"For my part I know nothing with any certainty, but the sight of the stars makes me dream." - Vincent Van Gogh Paradox. It's what you call someone with an opposing nature. To look up in the sky and not dream at all, to hide yet want to be known, to...