Chapter 8

53 0 0
                                    

"I supposed you were both informed already about the changes of Mr. and Ms. Intrams?"

"Yes, ma'am." Dion's low voice dominated my mind. Ako lang ba o parang badtrip siya?!

Well, kung badtrip siya ay badtrip din ako, 'no! Ang gastos kaya nito, palibhasa akala niyo nagtatae kami ng pera, eh 'no.

"Ayah?"

"Ma'am?" tanga kong tanong.

"Nabasa mo na iyong sinend ng class president niyo?"

Napatango ako nang sunod-sunod. Is this why she asked us to stay afterclass? Para pag-usapan ang tungkol sa intrams?

"Confident naman ako sa inyong dalawa. Kung chemistry lang ang pag-uusapan, wala na dapat laban, panalo na agad kayo." she smiled at both of us.

Simple lang akong ngumiti pabalik nang hindi tinatapunan ng tingin si Dion sa tabi ko. Parang badtrip kasi siya na ewan. Baka masama ang gising niya kanina o baka inaway siya ni Beatrice? Charot.

"Kailan po ulit 'yon, ma'am?" tanong ko.

"Three weeks from now. Kaya kailangan, makapagpractice na kayo. This mini pageant will include talent portions. Kaya ko kayo pinaiwan dito."

My lips parted open when she said those words. Talent portion? Tapos sa mismong laban ng intrams magbabato lang kami ng bola ng basketball? Ang eme naman nila! Daming arte ng school na 'to, sira naman palagi yung bidet.

"Dapat ang talents niyo ay magkasama na. I'm thinking you Ayah can sing, how about you, Dion?"

Doon ko lang siya nilingon. His gaze was fixated on our teacher. "I'll play the guitar," he said calmly.

Wow. Nag-gigitara pala siya, huh...

"Oh, that's good! Tamang-tama, singer itong muse mo. Right, Ayah?"

"Si ma'am naman, baka lumaki ulo ko!" biro ko na tinawanan naman ng ni ma'am Reena.

Gosh, edi ibig sabihin kailangan ko siyang makasama palagi para makapagpractice kami ng talent portion? Wala na talaga akong takas dito! Panigurado, lalo akong aasarin ng mga kaklase ko kay Dion.

But at the same time, I was thinking of Beatrice. Ang sabi ng walangyang si Gabby ay may mga nagshiship din daw sa kanila na wala naman akong pake talaga pero kinwento pa niya. So, may parte sa akin na iniisip na hindi na kami aasarin ng mga kaklase ko dahil iniisip nilang nagkakamabutihan ulit sina Dion at Beatrice.

"So, final na ha? Don't worry. I will be in every step of your pageant. Kung anong kailangan niyo, just tell me and we'll address it right away. But I suggest that you start practicing already. Remember, practice makes...?"

"Improvement!" I smiled as I answered her.

I could see her proud look at me. Isa iyon sa tinuro niya noon sa amin. Hanggang ngayon, natatandaan ko pa rin. That's how effective she is when it comes to teaching.

"Oh, paano? Mauuna na ako. Mag-ingat kayo pauwi. Dion, si Ayah ha?" bilin ni ma'am.

"Yes, ma'am. Ingat po."

"Bye ma'am!"

Naiwan kami ni Dion sa loob ng classroom. To be honest, noon lang ako nakaramdam ng bigat nang maiwan kaming dalawa. I feel like there's an invisible tension between us na hindi ko alam! O baka naman kasi badtrip lang talaga siya. Hindi ko dapat i-overthink 'to.

"Chat chat nalang tayo kung kelan practice. Una na ako, ah? May susunduin pa ako, eh." I tried to sound firm and calm, basta hindi iyong OA!

"Sabay na tayo, pauwi na rin naman ako." aniya.

Among the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon