Chapter 17

43 0 0
                                    

Mas naging tahimik ang bahay ngayong nailibing na ang papa ko. It looks dull, it feels empty. Maybe because I got used to the bright decorations of the funeral. But now, the only light that was on was the big chandelier on the second floor. Wala nang iba. Dahil sino ba ang gagamit ng salas kung si mama ay nagkukulong sa kuwarto at ako ay palaging wala?

"Ma'am Ayah, paano po kaya iyong puwesto sa palengke? Naiipon ho kasi ang mga isda sa kalamig, hindi mabenta-benta."

Isa ko pang problema ang business namin. Without mama's presence, we couldn't open the shop. Ilang linggo na rin nakatambak ang mga isda. Hindi puwedeng magtagal iyong mga 'yon doon.

"Susubukan ko pong kausapin si mama. Pasens'ya na, kuya Arnold.."

"Salamat po, Ma'am." tumungo siya sa akin at nagpatuloy na sa ginagawa.

Itong kamalig lang ang kaya kong pamahalaan dahil dito ako lumaki. Walang kaso sa akin ang pagpapatakbo nito dahil solong-solo ko at gamay ko rin ang larangang ito. But as I've said, I am no good when it comes to selling. Hindi ko alam kung paano magbenta. Si papa at mama lang ang may alam doon dahil araw-araw silang naroon. I might help a little but I really don't sell. Ako lang ang naghahasang ng mga isda.

Weeks after the funeral, I started managing the fish barn. Hindi pa ako pumapasok dahil sobrang busy at kailangan ako lagi roon. Naghire rin ako ng mas maraming tao sa tulong ni ate Fatima pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko mapapanatili ang ganoon. Kung patuloy ang pagdaan ng araw, dadating ang oras na wala na akong mapapasuweldo sa kanila. Kailangang umikot ng pera.

"How about online selling in the meantime?" suhestyon ni Gabby. Linggo kasi ngayon at narito silang dalawa ni Dion.

"Sino ang magmamanage, ako? Baka hindi na talaga ako makapasok kung gano'n, Gabby."

"You can hire people, Ayah. Kahit dalawa o tatlo. Isang social media manager, tapos delivery rider, tapos isa rito sa kamalig." ani naman ni Dion.

Napaisip ako saglit. Kung sabagay, marami naman nang gumagawa no'n. Ang alam ko, may mga nagpapadeliver din noon kala mama pero tinatawagan lang sila. It's more convenient. Mas malaki rin siguro ang kita. That way, magtutuloy-tuloy ang negosyo.

"Pero paano ang puwesto sa palengke? Paano iyong mga nagtatrabaho roon? Mawawalan sila ng trabaho..."

Napaisip silang dalawa sa sinabi ko. Hindi naman sa pagiging masamang tao pero nangangamba lang kami na baka salisihan kami sa benta. Kapag wala si mama roon, hindi mo mabibilang kung magkano ang talagang nabenta sa isang araw.

Gabby rested his elbow on his knees, and his chin on his palm. "Si ate Fatima? Hindi ba't magkatabi lang naman ang mga tindahan niyo?"

"Nakakahiya na, Gabby. Palagi niya nalang sinasalo ang pamilya namin. Ayaw ko nang makadagdag sa problema niya."

"You're in grieving times, Ayah. Maiintindihan iyon ni ate Fatima. Pamilya mo siya, hindi naman siya iba sa inyo. And families help each other, right? Lalo ngayon, kailangang-kailangan niyo ng suporta. Isa pa, kailangan mo na ring pumasok. Exam na sa Tuesday.." mahabang paliwanag ni Gabby.

I pressed my lips together while I was weighing my thoughts. Ayoko na talagang humingi ng tulong dahil pakiramdam ko nagiging pabigat na kami ni mama kay ate Fatima. Pero hindi rin naman mali si Gabby. Sa aming tatlo, si ate Fatima ang pinakamatatag. I know she's grieving too. I know she's crying at night too. But her resilience was strong. Because she had something that we couldn't achieve: Acceptance.

"We can get through this, Ayah." I felt a warm feeling in my heart when Dion reached for my hand and caressed it. It's been so long since we last held hands. It felt foreign, like it was something from long ago.

Among the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon