Chapter 13

142 2 0
                                    

TULALA lang tuloy ako habang nakain. Heck, it has been three days! Parang tanga naman si ate, hindi makalimutan. It still makes my heart fluctuate even if it's just in memories. His eyes glistened while staring at me, his rosy lips grinning, and his whole face was replaying in my mind like a broken record.

God, why does he have that kind of effect on me?

"Andito na ang mga jersey!"

Pilit kong kinalimutan ang engkwentrong iyon kay Dion. Gago siya, huwag niya akong susubukan! Kinuha niya nanga ang first indirect kiss ko, pati ba naman ang first real kiss ko, gusto niyang kuhanin? Wala namang problema, siya naman iyon, charot lang.

"Ang ganda ng jersey natin!"

"Nandito na rin ang uniform nina Ayah at Dion!" sabi ng class president namin. Inabot niya sa amin iyon.

Nang buksan ko at ibalandra ang uniform ko for Ms. Intrams ay napanganga ako sa ganda nito. It's a fitted dress with a slit on the hem of it. It's maroon in color, with our section's name and my surname behind it. Ang ganda siguro nitong isuot sa akin!

"Inlab na naman mga lalaki mo n'yan," umepal ang asungot, si Gabby.

"Shut up, Riel." I grinned at him. Iyon talaga ang tawag sa kaniya ng lahat. Ako lang ang nagpangalan ng Gabby sa kaniya noong grade 8 kami.

"Asar talaga 'to." he nudged me. "Panalo na 'yan, pre. Ikaw naman pinakapogi sa school, eh." hinarap niya si Dion.

"I hope," he said, looking at me. "I'm certain you'll win too."

"Ayah pa ba!" inakbayan ako ni Gabby at tumawa nang mahina si Dion.

"Oo, ganda eh." I heard him utter.

Pakiramdam ko ay namula na naman ako! Bakit naman lantaran niya akong kino-compliment ng ganoon? Hindi niya ba alam na tumatalon palagi ang puso ko? Paano kung magka-heart attack ako dahil sa mga sinasabi niya? Ipapa-hospital niya ako!

"Ewan ko sa inyo, mga ulol." I had to look away. Kay Kaira nalang ako tumabi. Bwisit na Dion! Nag-apir pa sila ni Gabby. Akala ko ba ay mas bet niya si Daniel Zyle?!

"Excited na talaga ako, tangina!" nagtatatalon si Kaira. Kasama namin sa circle ng upuan ang mga kasama namin sa volleyball.

"Feeling ko champion na 'to. Hindi naman magaling 'yung ibang section." sabi ni Julia.

"May magaling sa Oxygen, ah? Si Nicole, 'yung libero nila."

"Kaya 'yon ni Kaira. Basta taasan lang 'yung spike. Epal nung blocker eh, ang tangkad."

Natawa ako sa sinabi ni Tiffany. True, epal talaga 'yon.

"Ah, si Beatrice? Kaya 'yon ni Ayah! Matangkad lang 'yon pero tanga-tanga naman. Nagset si Ayah, sa kabila nilagay tapos akala niya ise-set kay Kaira." Julia laughed cockily.

"Hoy, 'wag kayong gan'yan kababata 'yon ni Dion." I nudged her but I laughed right after. I really don't like that girl. Kumukulo dugo ko roon, napaka-paepal niya. Lalo noong nasa kotse kami ni Dion.

"Feeling jowa, 'teh! Ikaw ship namin kay Dion, 'wag kang mag-alala."

"True. Palaging inaabangan si Dion tuwing recess. Kairita, puta. Parang desperada." Tiffany whispered to us.

Si Kaira naman ay tahimik lang pero nakikitawa nang kaunti. Medyo na-ilang akong i-bad mouth si Beatrice dahil baka mamaya ay makarating pa sa babaeng 'yon. Dami pa namang mosang sa room namin.

In my case, wala naman akong problema kay Beatrice KUNG hindi niya ako inaano. Tahimik siya noong natalo siya sa Ms. STEM. Pero hindi ako mapakali. Hindi ako mapanatag. Hindi talaga siya 'yon, I swear.

Among the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon