Chapter 38

38 1 0
                                    

R-18+
[explicit/mature scenes]

Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko. I didn't expect that he would notice me. Pero sinubukan ko pa ring maglakad palayo nang unti-unti. Fuck it, I even tiptoed!

"You will come out or I'll drag the hell out of you?"

Napalunok ako nang malalim. I firmly bit my lower lip and surrendered. I slowly revealed myself to him. And my eyes widened when I saw him.

"Anong ginagawa mo rito, hm?"

Matulis ko siyang tinignan. "Bakit? Ikaw lang ba ang p'wedeng pumunta sa ganitong event? Hoy, for your information, composer din ako!" I pointed my finger at him.

"Ah, nasa fire exit ang event? Magyoyosi ka rin?"

Gusto ko siyang tadyakan ngayon. Nakakainis pala siya kapag ganito siya kasungit. Nasasaktan na nga ako, eh! At kailan pa siya nagyosi? Hindi naman siya ganito noon!

"M-magpapahangin ako. Paki mo ba?"

He smirked at me. Tinapon niya ang upos ng sigarilyo at tinapakan iyon. I did not like his stare, and his attitude towards me. Parang hindi si Dion. O baka nagbago na talaga siya?

"Sure." he smirked. "'Wag kang aalis kapag bumalik ako."

"Bakit ka ba gan'yan?" hindi ko mapigilang hindi mainis sa pakikitungo niya. Hindi ganito si Dion!

"I told you to stay away from me." he gazed at me sternly.

Natigilan ako sa seryoso niyang mukha. I am not going to lie, the way he said those words felt like a huge stone crushing my fragile heart. Napaiwas agad ako ng tingin bago pa ako tuluyang umiyak.

"You never listen. I told you to move on."

"Eh ayoko nga, eh!" I said in frustration. "Bakit ba ang kulit mo rin? Palagi mo nalang akong pinapalayo. Bakit? Dahil may bago ka na? Dahil mahal mo na si Beatrice?"

"What the hell are you talking about?" kumunot ang noo niya sa akin.

"You know what I'm talking about! H'wag kang magmaang-maangan!"

His jaw clenched tightly. I took a step back as his eyes darkened. "Am I not allowed to have freedom now? As far as I know, wala akong girlfriend. Ano, kapag ikaw p'wede, kapag ako bawal?"

My lips parted open and now, I couldn't help but to shed some tears. Hindi ko maintindihan kung anong pinaglalaban niya. Hindi niya ba ako naiintindihan? Ipit na ipit na rin ako sa sitwasyon ko!

"Alam mong trabaho lang 'yon, Dion.." pinigilan ko ang paghikbi ko.

"Kasama sa trabaho mo ang ipamukha sa araw na pinakamahalaga sa akin na may iba ka, is that it huh?" he grinned sarcastically.

Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi 'yon ang intensyon ko! Palagi mo nalang akong minamasama!"

"Ayah, please." he frowned at me. "I am keeping it together. H'wag mong hintaying sumabog ako."

I looked at him with glaring eyes. Parang ibang Dion ang kaharap ko ngayon. He was very gentle with me. But now, I wish I didn't see his sarcastic side.

"H-hindi mo na ba ako mahal?"

Tangina. Parang ang desperada ko sa tanong na 'yon. I looked so down bad! Hindi ako ganito! Hindi ko akalaing magpapakababa ako nang ganito.

Nakita ko siyang umiwas ng tingin. His hands slid inside his pockets. Kinakabahan ako. Paano kung hindi na? Paano kung ako na lang ang nag-iisip na may pag-asa pa?

Among the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon