WE had a productive night last night. When I say productive, it meant that our chat stayed longer than 5 minutes. Nagreply ako sa story niya kung saan ni-tag niya ako at lintek na 'yan, siya pala si Kuni! I really thought it was someone else because I noticed that his chat was different.
Pero siguro, iba kapag sa PC siya naglalaro. Hindi naman naka-automatic caps ang unang letra ng mga salita kaya marahil ay iba ang pagtitipa niya. But still, it makes me feel butterflies whenever I remember that he led me to the heart island in Genshin. Paano kung may una nang nagdala sa akin doon? Edi hindi lalabas iyong luxurious chest.
"Oh my gosh, excited na ako!" rinig kong sabi ni Kaira sa tabi ko. Nilingon ko siya.
"Ano meron?" taka kong tanong.
"Mamaya na raw ipapalista iyong mga gustong sumali sa mga sports. Ano, sali ba tayo?"
"Volleyball?" my eyes widened in excitement. SHET! It's my time to shine.
"Sureball, teh! Ikaw setter ko, ah?" nag-apir kami.
Oh diba, tangina. Wala na agad ang tampo ko. Sana lang hindi niya na iyon ulitin. Gusto ko rin naman talagang intindihin na baka nangangailangan talaga siya ng grades. Ang alam ko kasi, nape-pressure din siya ng mga magulang niya.
Kabaligtaran ko, hindi naman ako nape-pressure nina mama. Para sa kanila, basta nakakapag-aral ako, ayos na. Hindi naman gano'n kahalaga ang papuri at parangal sa aming pamilya.
"Magaling 'yan, si Ayah. Panalo kami palagi nung junior high, diba?" singit naman ni Gabby. Pabiro ko siyang sinuntok. "Aray! Ni-compliment na nga, tarandado!"
"Baka mabati mo, ulol!" bulyaw ko.
He laughed out loud and playfully pushed me, making me lose control from where I was sitting. Muntik na akong matumba!
"Kingina mo, 'no!"
"Nauna ka kaya!"
"Baka magka-developan kayo n'yan.." tukso ni Kaira.
We both looked at each other with pure disgust. "No way/yuck!"
"Ikaw nalang kesa 'yan," rinig kong bulong ni Gabby na ikinadilat ng mata ko. Pero bago pa ako maka-react ay ikabayan na ako ng lalaki at hinila palayo kay Kaira. "Libre kita, ganda mo ngayon, eh!"
Gabby led me outside the room. Totoo ngang ililibre ako ng tukmol. Mukhang nadulas ata ang gago at nataranta! Pero buti naman at may maganda rin siyang nagawa. Hindi pa nga ako nakain ng almusal, eh. Ayos 'yan.
"Rinig ko 'yon," I smirked at him.
He shook his head and ruffled my hair. "Bobo, magtutuli ka muna."
Hindi nawala ang ngisi ko hanggang sa nakarating na kami sa canteen. Saglit kong binalewala ang narinig ko at pinili kung ano ang o-orderin ko. "Isang carbonara po, libre ng katabi ko."
"Sa'yo, totoy?" tanong ng tindera.
"Gano'n din po."
Matapos niyang magbayad at dalhin ang pagkain namin ay umupo na rin kami sa pinakadulo. I spotted Dion walking with someone. At putangina, nawalan ako ng gana!
"Bagay sila, 'no?"
Sinamaan ko ng tingin si Gabby na nasa tabi ko. "Isang salita mo pa, lilipad 'yang carbonara mo."
Tawang-tawa siya nang sabihin ko iyon, "Kaw, selos! Okay lang 'yan, kay Zyle ka nalang. Pogi din naman 'yon, eh."
My face scrunched up, why would he ship me to a famous singer? May tililing talaga 'tong lalaking ito.
BINABASA MO ANG
Among the Stars
Romance"For my part I know nothing with any certainty, but the sight of the stars makes me dream." - Vincent Van Gogh Most people believe that our fate is written in the stars and that when you meet someone, it is predetermined. It is destiny. But not all...