I STILL couldn't believe it. Nang tanungin ko kung saang parte ng Palawan ay talaga namang winindang ako dahil sa El Nido, Palawan pala ang place ng pagsho-shootan namin. It's just next city from my hometown!
Hindi ako mapakali. I was only thinking of Dion while arranging my clothes. Isang buwan kaming magsho-shoot doon. It could be a big advantage because after that one month, I will only have a few weeks before we give our debut performance. Siguradong mapapagod ako nang husto.
Pero not gonna lie, parang mas excited pa akong umuwi sa Palawan kesa i-shoot ang music video namin ni Zyle. Fudge, ano kayang ginagawa ni Dion ngayon?
Seriously, I couldn't contain my happiness!
"Ate, sama kami!!!" karga-karga ko ngayon si Jiya. Si Jake naman ay kumakain sa tabi ko.
"Kung p'wede lang talaga, baby. Kaso may pasok na kayo, eh. Bawal umabsent, diba po?" I pinched her cheeks softly. Ang laki-laki na ng mga baby ko!
"Kainis, bakit kasi may pasok pa! Ayaw ko naman pumasok eh! Ate, sabihin mo kay kuya Dion magraro kami ng basketball!"
"Kumain ka muna para hindi tumatalsik sa'kin 'yang kinakain mo." inasar ko si Jake na siya namang sinimangutan ako.
"Mama!" umalis sa akin si Jiya nang bumukas ang pinto ng kuwarto niya. Lulan noon si ate Fatima na kakagaling lang din sa pamimili ng groceries.
"Oh, Ayah? Akala ko ngayon ang flight mo?"
"Mamaya pa, ate. Isang buwan kasi kami roon, kaya baka ma-miss ko mga baby ko."
Although busy, I still make time to visit them. Malayo ang Pangasinan pero kinakaya naman. Sa singing career ko, nasanay na rin ako na pumunta sa malalayong lugar kaya parang ginawa ko na lang ding kapitbahay ang Pangasinan.
"Parang ang saya-saya mo ata. Is it because of Zyle or..." she smiled teasingly. "...May uuwian ka sa Palawan?"
"Lah, si ate!" I rolled my eyes pero mas lalo akong napangiti. I am overflowing from happiness.
Tumabi siya sa amin. "Anong plano mo?"
Napaisip naman ako. Ano nga ba? Pupuntahan ko ba siya? Makikipagkaibigan ba ulit ako? Gosh, hindi ko alam! Hindi ako maubusan ng mga gustong gawin sa Palawan. Ang saya-saya ko dahil sa wakas ay makikita ko na ulit si Dion. Hindi ko pa rin makalimutan na tinawagan niya ako kahit saglit lang.
I let out a loose smile. It felt like finally going home after a long time. You couldn't get it out of your head. It's consuming you, but in a good way.
"Ayah..."
"Ate?" nilingon ko siya.
"You have come a long way..." I saw her genuine smile as she looked at me lovingly. "Alam kong hindi ko madalas sabihin sa'yo ito, pero ako ang pinakaproud na ate sa buong mundo...dahil meron akong ikaw."
I suddenly felt my tears coming out of my eyes. Sa sinabing iyon ni ate ay agad na nag-init ang mga mata ko. I didn't expect it. Tama nga siya. I have come a long way. But I know that I am still at the beginning of it.
But it felt nostalgic to look back and realize how much pain I've been through, how much I endured, and how I rose back from the depths of my own sea.
"Salamat, ate..."
"You're the strongest person I know. Alam kong deserve mo ang lahat ng achievements mo. At alam ko ring nakasubaybay sa'yo ang mga magulang mo, nakangiti sila at proud din sila sa'yo."
BINABASA MO ANG
Among the Stars
Любовные романы"For my part I know nothing with any certainty, but the sight of the stars makes me dream." - Vincent Van Gogh Most people believe that our fate is written in the stars and that when you meet someone, it is predetermined. It is destiny. But not all...