Chapter 25

191 4 6
                                        

R-18+

I was looking at this particular bruise on my neck in front of the mirror. I applied two layers of concealer but somehow, it's still visible.

Pisteng yawa, Dion.

Hindi ko naman tinatago sa ibang tao ang hickey ko pero kay mama, oo. Kapag nakita niya 'to, lagot talaga ako!

Muli kong tinignan ang marka ni Dion sa leeg ko. Ang laki talaga, eh. Tapos sobrang pula kaya kahit takpan, kitang-kita.

I took a picture of it and I grinned cockily before posting it on my twitter account.

Danish Alleia 
@susheyjjj

hi guys, pano ba matakpan tong sugat ko ang laki kasi😊😊😋

#askingforhelp

Ang laki ng ngisi ko na in-upload iyon. Maya-maya lang, nag comment na rin ang mga babae kong kaibigan. Tiffany reposted it with a quote.

Tiffyyy

@fanny_

ATE BAT KA PO MAY CHIKININI

Actually, I was waiting for her to see it. Si Beatrice. Alam kong matagal na siyang hindi pinapansin ni Dion kaya sigurado akong malaki na talaga ang galit sa akin no'n. She couldn't even touch his heart. So sad.

It was not long before I saw Beatrice's tweet. Gusto kong matawa kasi halata talaga sa kaniya na ako ang pinaparinggan niya. I don't know if she's that dumb when it comes to love but it was very clear that she's that desperate.

Napairap nalang ako nang makitang kung anu ano na naman ang pinagpopost niya. Saying things like "malandi" and "show off". Kaya nag post ako bilang ganti.

Danish Alleia
@susheyjjj

inggiterang bakekang

I just turned my phone off. Napagdesisyunan kong maligo nalang para pumunta sa kamalig mamaya. As usual, it's business hours that's why I gotta grind hard. Sana nga rin nakakapag grind ako sa mga nilalaro ko pero nawawalan na ako ng time para roon. I miss playing, to be honest. But I have to face my reality.

Papunta na sana ako sa banyo pero natigilan ako nang may makita ako sa salas. It was mama and another man, around her age. They were talking in sign language and they seem to be serious.

Narinig ata ako nung lalaki na bumaba kaya napalingon siya sa akin at natigil ang pag-uusap nila. My mom's eyes widened, na parang hindi niya inaasahang narito pa ako at wala sa kamalig. Kaya imbis na mapanatag, pakiramdam ko mas lalo lang akong dinala ng kuryosidad.

Binaba ko ang tuwalya ko at kunot-noo ko silang nilapitan.

"Ah, Alleia, right?" the man seemed tense. Inabot niya ang kamay niya para magpakilala.

"Dionisio Villador. Your mother's–"

Mom held his arm and she signed "Friend."

Lalo akong na-wirduhan. I swear, I really don't like this feeling. Ayokong-ayoko talagang pinagsisinungalingan ako!

"Ah, I am just here to discuss the possible business opportunities regarding your fish barn. Your mother was thinking of a business collaboration with Shamya's–"

"Excuse me?" I snapped.

Binigyan ko si mama ng nagtatakang tingin, ngunit may bahid ng galit sa mga mata. She's just shaking her head slowly. Winawarningan ako na huwag nang mangielam.

Pero hindi ako makapaniwalang sa kabila ng lahat, makikipag business collaboration pa siya sa mga taong pumatay sa tatay ko. How despicable!

"Ako po ang namamahala ng kamalig. Hindi po kami makikipag-ugnayan sa inyo. P'wede na po kayong umalis." matigas kong tugon.

Among the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon