yae_ayahh
pick your poison.
That's the only update I posted on my instagram's note. It's already the end of December. Mas lalong lumala ang nararamdaman ko kasi mas mahirap pala kapag wala kang kausap at sinasarili mo lang ang lahat. Mahirap ang mga naging araw ko. I literally managed our fish barn. Araw-araw akong naroon.
Umiikot na ang pera. Nakakaahon na muli kami. Pero alam kong hanggang ganoon lang iyon. Hindi na ulit ako sasaya katulad ng dati. It may seem like an achievement. Sa murang edad ay nagawa kong pamahalaan ang negosyo namin dahil alam kong mahalaga ito sa mga magulang ko. Without the help of my friends, Dion and Gabby.
Isa akong malaking hipokrito. Tinaboy ko silang dalawa, lalo na si Dion, pero araw-araw kong hinihiling na kulitin nila ako ulit at dalawin. I miss them. I miss Dion. Pero nagiging kumportable na rin akong mag-isa. Sa pag-iwas ko sa kanila, at sa lahat, nakaramdam ako ng sense of peace. Sometimes, I would sail the sea, just to look at the stars and wish that my father was sitting beside me.
Funny how I sometimes talk to the stars. Mama Lena said I was a wish from the stars. So, meaning, isa ako sa mga tala sa kalangitan. Hindi man naniniwala sa kanilang hiwaga, hindi ko mapigilang hindi sila kausapin tuwing nakakaramdam ako ng kalungkutan. At sa totoo lang, I started to love doing it.
Muli kong tinignan ang Instagram ko. Wala sa kanila ang nagme-message sa akin, kahit 1 hour ago na iyong note ko. Isa lang ang nagmessage sa akin, si Skyler pa.
skyrocket
Merry Christmas, ayah!
I raised my brow at his message. Hindi ko na sana rereplyan, pero pakiramdam ko sa tagal kong walang kausap, nauuhaw ako sa social interaction.
yae_ayahh
kala ko ba INC ka?
Tinawanan lang ni Skyler ang message ko. Akala ko hindi na siya magrereply, pero matapos ang ilang minuto, nagreply din siya sa akin.
skyrocket
handa akong magpaconvert para sayo
I rolled my eyes at his message.
yae_ayahh
eww
Muling tinawanan ni Skyler ang message ko. Ewan ko rin ba dito kung bakit ang kulit-kulit. Nakikita niya namang close na close kami ni Dion. At halata rin namang gusto namin ang isa't-isa. Isa pa, hindi ko naman siya pinapansin. Kaya hindi ko alam kung bakit ako pa rin ang gusto ng lalaking 'to. Puwede namang iba nalang.
At dahil nga nagce-crave ako sa social interaction, kahit nakakabwisit ang lalaking 'to ay pinagtyagaan ko nalang din kausapin. Minsan naman, nakakatawa siya. Minsan ang sarap niyang barahin.
But at the end of the day, I still felt disappointed. Nag-update ako sa IG. Pero hindi pa rin ako china-chat ni Dion. He stopped messaging me as well simula nung pinaalis ko siya. Kahit puntahan ako sa kamalig o sa bahay, hindi niya na ginawa. Pero dapat ay matuwa ako, diba? Iyon ang hiniling ko sa kaniya. Bakit nasasaktan ako?
"ITO ang unang pasko at bagong taon natin na hindi kasama si Kuya Kino.." nilingon ko si ate Fatima. Nililinis niya ang puntod ni papa. Narito kami ngayon sa sementeryo.
Bukas ay bagong taon na. Napagdesisyunan namin na dito nalang sa sementeryo magbagong taon, katulad ng ginawa namin noong pasko. Wala rin namang ibang pamilya dito si ate Fatima, kami lang talaga. Wala rin namang problema sa mga bata iyon at masaya pa nga sila dahil makakasama daw namin si lolo Kino nila.
BINABASA MO ANG
Among the Stars
Romantizm"For my part I know nothing with any certainty, but the sight of the stars makes me dream." - Vincent Van Gogh Most people believe that our fate is written in the stars and that when you meet someone, it is predetermined. It is destiny. But not all...