When you lose a loved one, your view of the world will change completely. There are many ways to grieve, to embrace the aching heart that wanted to bereave. For mama Lena, it was isolation. For ate Fatima, it was acceptance. For me, however, it was denial and anger in combination.
"Putanginang 'yan." muli akong nagbato ng malaking bato sa dagat. Patuloy ang pagbagsak ng mga luha ko habang sinasaktan ko ang dagat na walang kamalay-malay sa sakit na nararamdaman ko.
"Tangina pinatay mo ang tatay ko!" my breathing was heavy as I threw the last rock in the sea.
Nanghihina akong napaupo at napayakap sa mga binti ko. I was crying so loud. Dinadama ko ang galit ko sa kalikasan at sa aking sarili. Ang sakit ng puso ko. It was literally aching, as if it's being shattered by something forceful inside me.
I sobbed for a minute before drinking my beer again. Hindi ko gusto ang lasa ng beer pero ito lang ang mero'n ako. Gusto ko lang mawala sa sarili hanggang sa mamanhid ang puso ko. Dahil kahit saan ako tumingin, kahit ano ang gawin ko, naaalala ko ang bawat sandali na kasama ko si papa Kino. The way he would wait for me at the entrance of our house, the way he first taught me how to hold a fish, and the way we used to laugh together while reminiscing old memories.
Minumulto ako ng alaala na minsan nang naging importanteng yugto ng buhay ko.
I just couldn't accept it.
"Ayah!" I heard ate Fatima from a distance. I didn't look around. Hinayaan ko lang siyang makalapit sa akin.
"Nag-inom ka na naman? Kanino mo binili 'yan?" hinatak niya sa akin ang beer na hawak ko. "Tingin mo ba makakatulong sa'yo 'tong pa-inom inom mo?!"
Napatayo ako sa labis na inis na naramdaman ko. Ito nanga lang ang nagpapamanhid sa naraamdaman ko, pipigilan niya pa ako?!
"Akin na 'yan, te!" pilit kong inagaw ang bote ng beer sa kaniya, pero binato niya iyon sa di-kalayuan kung saan natapon ang natitirang beer sa buhanginan.
"Puta!" I scowled.
"Ayan, maigi ngang natapon na 'yan! Alam mo, imbis na uminom-inom ka rito, bakit hindi ka tumulong sa loob? Hindi na nga ako magkanda-ugaga tapos gan'yan pa kayo ng mama mo! Ni hindi ko na maasikaso ang mga anak ko, Ayah! Kaunting konsiderasyon naman!"
Natigilan ako nang sumigaw siya sa akin. Patuloy lang ang pag-agos ng mga luha ko pero hindi ko magawang magsalita. At some point, she's right. Ang laking pabor na sa amin na tinutulungan niya kami. Halos siya ang naghahanda, nagpapaluto, at nag-aasikaso ng mga bisita. Ang nag-iisang katulong niya lang ay si Dion na minsan lang din pumunta dahil may pasok.
Bigla akong nakaramdam ng matinding konsensya. Sa sobrang hiya ko ay napatungo nalang ako. I could only wipe my tears. I know that she's grieving too. Si papa Kino ang tumayong kuya at tatay nya nang iwan siya ng asawa niya. Si papa Kino ang nagbigay ng kabuhayan sa kaniya. Siya ang nagturo kung paano lumago ang negosyo niya sa palengke. Kaya alam kong nasasaktan din siya. Ngunit heto at dumadagdag pa ako.
"S-sorry, ate.." my tears fell down like a faucet. Eventually, her face softened and she stepped closer to wrap her arms around me.
"Sorry...sorry din Ayah, hindi ko dapat sinabi–"
"K-kasalanan ko, ate." mahina kong hikbi.
She caressed my hair as she sobbed as well. "Kaya natin 'to, ha?"
Hindi ko na napigilan ang panghihina ko. Si mama, miserable. Hindi makausap at nagkukulong lang sa loob. Mag-iisang linggo nang walang kita sa palengke. Ang mga ipon namin ay napunta sa funeral ni papa.
"Ang sakit, ate." my voice shivered. "B-bakit naman tayo bibiglain nang ganito...wala manlang pasabi, ate. Wala manlang warning. Ang bilis-bilis naman." patuloy sa pag-agos ang mga luha ko.
BINABASA MO ANG
Among the Stars
Romance"For my part I know nothing with any certainty, but the sight of the stars makes me dream." - Vincent Van Gogh Most people believe that our fate is written in the stars and that when you meet someone, it is predetermined. It is destiny. But not all...