"WHAT'S happening to the both of you? Seriously, making a scene in the hallway?" nakapamewang sa amin ngayon si Ma'am Constance, iyong principal ng school namin.
Hiyang-hiya ako pero ano pa ba ang magagawa ko? Nagawa ko naman na, nasabunutan ko na 'yong lintek na babaeng 'yon.
"Walang magsasalita sa inyo? Beatrice? Alleia?"
Napakagat lang ako ng labi habang pinaglalaruan ang mga daliri ko. I couldn't utter a word because of how embarrassed I am right now. Sa totoo lang, ngayon lang nag sink in sa akin ang ginawa ko. Ang daming nakakita, ang dami ring nakapag video ng sabunutan session namin.
"Ayah, ikaw ang unang nanakit. At least give us your explanation, anak." malumanay ngunit ramdam ko ang disappointment ni Ma'am Reena sa akin. Kilala niya na ako ng ilang taon. Never pa akong nakipag-away. Ngayon lang talaga.
I slowly raised my head, my eyes meeting her. Hindi ko matagalan ang pagtingin kay Ma'am Reena kaya tinuon ko nalang ang mga mata ko sa table ni Ma'am Constance.
"She insulted me." I said in a low voice, almost an air.
Beatrice quickly scoffed, crossing her arms. "Insulting you, huh?"
"In what way, Ayah?" Ma'am Reena asked.
"Saying that my father's death is my karma?" madilim ang paningin kong nilipat kay Beatrice ang paningin ko. Nagngingitngit ako sa galit sa tuwing naalala ko 'yon.
"Beatrice?" Ma'am Reena gasped. "W-why would you say such a thing?"
"Ma'am–I..I didn't!"
Nanlaki ang mga mata ko sa pagtanggi niya. Wow, huh! Pagsisinungalingan niya pa ito? Anong klase 'yan!
"'Wag ka nang magsinungaling! You literally said it to my face!" napatayo ako sa sobrang pangggigil.
"Ayah, sit back down!"
"Ma'am," I caught my breath, nangingilid ang luha ko sa galit. "P'wede niya pong insultuhin ang pagkatao ko, p'wede niyang sabihing hindi ako matalino, na mas magaling siya, kahit ano!"
"Pero 'wag naman po 'yung tatay ko...'wag naman sanang idamay 'yung sitwasyon ko ngayon. My father just died, Beatrice. 'Wag mo naman sanang gawing biro ang sitwasyon ko." napaiwas ako ng tingin. I quickly wiped my tears.
"Beatrice," tinawag siya ni Ma'am Constance.
"M-ma'am.." she uttered.
"I don't think Ayah is lying, Ma'am. Totoo po ang sinasabi niya, about her father. Beatrice, please, tell us the truth."
Napatungo si Beatrice, but her face was stern. Hindi siya sumagot, pero hindi na rin siya tumanggi. In the end, we settled it. Hindi ko alam kung na-settle nga ba, kung totoo ba ang apology niya, dahil paglabas namin ay nakuha niya pa akong bungguin.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang galit niya sa akin. Sa katunayan nga, hindi ko naman siya pinapakialaman! Dahil nga kaya kay Dion? So what kung ako ang gusto ni Dion? Ano naman ngayon sa kaniya?
Dahil tuloy doon, naging mabigat ang mga sumunod na araw ko. Bukod sa palagi akong pinaparinggan ni Beatrice sa twitter niya, hindi na talaga kami naging ayos ni Kaira. I had to suck everything up because if I decided to focus on it, I would totally lose my mind.
Ang kasama ko nalang tuloy palagi ay si Gabby at Dion. Parang sila nalang din ang tropa ko, dahil ang punyetang Kaira ay nagrecruit ng mga babae naming kaibigan para iwasan ako. Eventually, I started seeing them bond with Beatrice. Siguro binabackstab na ako ng mga 'yon.
Pero para sa akin, basta I am minding my own business. Minsan nga lang, mabigat talaga sa loob at mapapaiyak ka dahil sa mga nangyayari. I was grieving the death of my father and the collapse of our life and yet they showed no remorse for doing this betrayal to me. Doon ko naisip na...baka hindi nga kaibigan ang turing niya sa akin. Baka katabi lang, tropa lang, pero hindi kaibigan. Meanwhile, I treated her like my own friend. I still think about her and our relationship.
![](https://img.wattpad.com/cover/368030000-288-k320489.jpg)
BINABASA MO ANG
Among the Stars
Romance"For my part I know nothing with any certainty, but the sight of the stars makes me dream." - Vincent Van Gogh Paradox. It's what you call someone with an opposing nature. To look up in the sky and not dream at all, to hide yet want to be known, to...