Chapter 32

35 0 0
                                    

To be a star that shines in the night sky, you must first crumble. My mother told me how life is a beautiful gift and how I was an answered wish. That I came to give light to their world, because among the stars in the sky, I was the one chosen for them.

But this star that they put in me, it was long gone. It had died in me.

Masakit pa rin ang mga alaala ng nakaraan ko. Everything was still fresh and the cut still bleeds. I keep telling myself that I am strong and I can endure it all, but I fail to realize that I can reach my own limit. So, in my lowest of the lows, I raised my white flag. I gave up my hope.

One month after our agreement, I finally had the courage to leave everything and distance myself from them. It was the hardest part of leaving, when your heart just wanted to stay but your mind wanted to choose the best for everyone. Noong araw na iyon, para akong paulit-ulit na sinasaksak. Hindi ako makatingin kay Dion dahil labis akong nasasaktan. Ayaw ko siyang makitang tumatangis.

Nirespeto ng pamilya niya ang desisyon kong umalis. I told them that I wanted to live in Manila. Hindi sila pumayag noong una pero kinausap ko si ate Fatima at doon ay nakumbinsi ko sila na hayaan akong umalis. Hindi kami nag-usap ni Dion noong araw na umalis ako. I was just silent the whole time. Pareho kaming maga ang mga mata sa kaiiyak. At pareho ring nawawasak ang mga puso namin.

Dion and I have broken up. And it was one of the most heartbreaking parts of my life. He was my everything. Dion made me believe that I could have a life worth dreaming. He loved me so beautifully, that he didn't ask for anything but for me to be okay.

Dion loved me in the most beautiful way.

Kaya kahit sampung buwan na ako rito sa Manila, palagi pa rin akong nakikibalita sa kaniya. Paminsan-minsan ay nakikibalita ako kay Zahra, at minsan naman ay kinukumusta ako ni tita Dia. Dion and I never talked again. But I'd like to think that it was him giving me what I wished for.

Dahil gusto ko munang huminga at maging mag-isa. Gusto ko munang magdalamhati nang ako lang. At the end of the day, I would always choose to deal with my battles alone. Kinakaya ko naman, kahit mahirap. Wala akong magagawa dahil kailangan kong mabuhay.

"Sigurado ka bang ayaw mong sumama sa amin sa Pangasinan? Okay ka na rito, Ayah?"

Paminsan-minsan, dinadalaw ako ni ate Fatima. Katulad ko, nagluluksa rin siya sa pagkamatay ni mama at labis din siyang nalulungkot pero wala ring magawa dahil nangyari na ang lahat at hindi na iyon mababalik pa.

"Okay na 'te, safe naman din ako dito. Tsaka...nag-iipon-ipon din ako, para sana pang college."

Kung doon sa Palawan, may-ari ako ng isang maliit na fishing enterprise, dito sa Maynila, waitress ako sa isang 5 star restaurant. Natanggap ako dahil sa background ko sa business pero hindi pala gano'n kadali dito. Tinitingala ako roon sa Palawan, pero dito hindi nila ako kilala.

At aaminin ko, hindi ko akalain na ibang-iba ang Maynila sa imahinasyon ko. Noong nakatira na ako rito, doon ko naranasan ang mas matinding hirap. Na-realize ko kung gaano ka-busy ang mga tao rito at halos lahat ay may kani-kaniyang mundo. Kaya hindi ko maiwasang hindi isipin ang buhay sa Palawan.

"Basta pag kailangan mo ng kahit ano, magcall ka lang kay ate, ha? Alam ko namang desisyon mo itong mapag-isa. Pero Ayah, may pamilya ka pa. Ako at ang mga bata. Miss ka na rin nilang kasama."

Nilingon ko ang dalawang batang natutulog sa tabi ko. Mas lalo lang akong nagiging emosyonal dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin namin sinasabi sa kanila ang nangyari kay mama.

Masyado nang masakit ang pagkawala ni papa kaya hindi namin kayang dagdagan pa ang bigat na kanilang dinadala. Grieving as an adult was hard enough. For a child, being unable to process it and understand how death works is much harder. Paano mo ipapaintindi sa isang bata na ang taong lubos nilang minamahal ay kailanman hindi na nila makikita?

Among the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon