I always tell myself how Manila and the city life is my dream. The busy streets and the chatters of people were very different from the calmness of the island I grew up in. It was a dream destination.
But Palawan will always feel like home.
Narito ang buhay ko.
Isang taon ang inabot namin bago kami nagkaroon ng sapat na leave para magbakasyon sa Palawan. I think I deserve it naman, dahil sa halos isang taon at kalahati ay marami na akong na-achieve sa career ko.
And now, I will take a break for a short while to take care of my personal matters that I left here in Palawan.
Tatlong araw kaming nagpahinga ni Dion sa bahay nila. I really appreciate this wonderful family. Dahil ang kuwarto ko, hindi nila ginalaw at lahat ng naiwan kong mga gamit ay hindi nila tinapon. Hindi rin marumi sa loob at parang palagi itong nililinisan.
"Jake, ano ba 'yan, pawis na pawis ka na naman!" sigaw ni ate Fatima sa kaniya.
Narito kami sa resort sa Puerto Princesa at kasama ko ang pamilya ni Dion at ang pamilya ko. Jake and Dion was playing basketball at a nearby court. Si Jiya naman, tinitirintasan ko.
"'Yung baby ko, pawis din." tukso ko kay Dion.
I saw Dion's ears turn red. Nahihiya sigurong binibiro ko sa harap ng pamilya namin. So what? Ang cute niya kaya!
"Come here na, baby." I teased him more.
Zahra laughed out loud. Sinimangutan ako ni Dion pero lumapit din siya sa akin. Nanakbo na palayo si Jiya at agad na tumalon sa pool. Kanina pa kasi excited 'yon na lumangoy.
Kinuha ko naman ang bimpo at pinunasan ang mukha ni Dion. I grabbed a separate towel for his back.
"Hindi ka liligo?" tanong ko.
Umiling siya. "Mamaya nang hapon. Ang aga-aga pa, love."
"Ate, paki-abot nga ng powerbank ko, na-lowbat ako, eh." ani mommy Dia sa akin.
Sa pagdaan ng panahon, nasanay na rin akong tawagin siyang mommy at ganoon din ako kay daddy Kaizer. They are my family. Anak na rin ang turing ni mommy Dia sa akin.
"My, sasamahan niyo po ako mamaya?"
"Ah...sure. Pumayag na ba si Dion?" she chuckled.
"Payag 'yan! Under naman 'yan, eh."
"What is it?" Dion raised his brow at me.
"Gusto kong magpa-tattoo. Idol ko si mommy, eh."
Nanlaki ang mata ni Dion. "What? And you didn't tell me?"
"Baka maghysterical ka, eh." my lips protruded.
"Hindi p'wede, Ayah. Masakit 'yon. 'Wag mo nang i-try."
"Kaya ko 'yun! Sabi ni mommy hindi naman daw sobrang sakit. OA ka lang."
Sinimangutan ako ni Dion. "No. You will not get a tattoo."
Nakaramdam ako ng inis. "My, ayaw ni Dion." sumbong ko kay mommy Dia.
"Kuya, hayaan mo na si ate at minsan lang naman 'yan humiling sa'yo."
BINABASA MO ANG
Among the Stars
Romance"For my part I know nothing with any certainty, but the sight of the stars makes me dream." - Vincent Van Gogh Most people believe that our fate is written in the stars and that when you meet someone, it is predetermined. It is destiny. But not all...