I didn't reply to Dion's messages after what I've seen. Ang tindi ko pala talagang magtampo, dahil ayaw ko talaga siyang kausap ngayon. Nagu-update siya tungkol sa mga ginawa nila pero lahat iyon ay nilo-long press ko lang. I pretended that I was busy and even had to post a picture of the sea and the busy fish barn.
Busy ako, 'wag kang epal!
I still feel my heart clenching whenever I think about her post. Gusto kong intindihin kung ano man ang magiging rason ni Dion pero parang ang hirap talagang pagbigyan kahit valid pa man. Call me petty but I feel hurt. Kasama niya si Beatrice sa concert ng bandang palagi naming topic.
Dion
Hey, are you still busy?
Anong kulay ng bracelet ang gusto mo?
Muli ko siyang ni-long press. Hindi ko alam kung nakikita niya akong online pero wala talaga akong planong kausapin siya.
Tumambay nalang ako sa twitter para tignan kung may bagong post si Beatrice. Iyon ang latest post niya. Wala naman ata akong mapapala na at wala na siyang bagong update.
I heaved a sigh. Sobrang apektado ko. Okay lang din kay Gabby makasama ang babaeng 'yon? Bakit wala silang sinasabi sa'kin? They knew about my issue with her and they still accompanied her?
Humiga ako sa kama at ipinikit ang mga mata. Somehow, it reminded me of how Kaira treated me. I am still affected by it and right now, everything I felt is coming back. Hindi ko naman dapat maramdaman pero pakiramdam ko na-backstab na naman ako. I feel betrayed.
Dion
Pink one, then.
Muli ko siyang ni-long press.
Dion
I miss you so much
Sana p'wede kitang uwian.Pakiramdam ko nag-init nang husto ang pisngi ko. I didn't expect that! I was taken aback with that message. I had to bite my lower lip to suppress my feelings. Para akong sasabog sa halo-halong nadarama.
Pero hindi! Nagtatampo ka, Ayah! 'Wag kang marupok!
I groaned inwardly and turned my phone off. Punyeta. Ang bilis ko namang mapakilig. Isang I miss you lang, nagtatalunan na naman 'tong mga demonyo sa puso ko.
KAHIT noong pasukan na, hindi ko na ni-replyan si Dion. Aminado naman ako sa sarili na ito talaga ang toxic trait ko. We all have our negative attributes. No one is perfect. I completely understand my own flaw: silent treatment.
Sanay ako na mang-ignora ng mga tao pero ayaw kong ginagawa iyon sa akin. Weird, right? I know I am a hypocrite. Ayaw kong ginagawa sa akin ang bagay na madalas kong gawin.
LOL.
"Di tayo pinapansin ni Ayah." rinig kong bulong ni Gabby sa may di-kalayuan. Magkasama sila ni Dion. Never ko silang dinapuan ng tingin.
Buong umaga kong iniwasan ang dalawa. I think Dion knows me too well that he didn't try to approach me. Parang sa mga nagdaang buwan, nasaulo niya na ako.
He studied me thoroughly; he knows when I am mad, when I wanted to isolate myself from him, and when I wanted to be alone.
Pero hindi ko alam kung alam niya ba kung bakit naiinis ako. Siguro naman dapat aware siya? Anong akala nila, matatago nila sa akin na sinama nila si Beatrice sa concert?
"Canteen tayo, pre!"
"Hayaan mo muna.." Dion stopped him.
I pretended that I didn't hear anything. Tumayo ako at sumama kina Tiffany na halatang nangangapa sa pagiging tahimik ko.
BINABASA MO ANG
Among the Stars
عاطفية"For my part I know nothing with any certainty, but the sight of the stars makes me dream." - Vincent Van Gogh Most people believe that our fate is written in the stars and that when you meet someone, it is predetermined. It is destiny. But not all...